/35/ A Trap and A Slap

845 73 6
                                    


A Trap and A Slap.

Linggo na ang lumipas mula ng makaamoy ako ng lason. Isang araw bago ako nagising mula sa pagkakahimatay. Pagkaroon 'ko ng malay ay nasa pagamutan na ako. Ang sabi ng mga nag dala sa akin, nakita nila akong walang malay sa kuwartel. Ibig sabihin ay iniwan ako doon ni Azrael. Akala nila ay bangkay, pero ang paliwanag nila Akila na binisita ako ay iyon na ang natural 'kong kulay.

Tinanong ako nila Selance kung bakit doon ako nakatulog. Wala akong plano na ipaalam sa kanilang nilason ako kaya nag sinungaling akong iidlip lang sana kaya lang ay nakatulog na talaga. Mabuti nalang din at hindi nila nalaman na nalason ako dahil wala naman naging ibang epekto ang lason sa akin maliban sa pagkahimatay 'ko. Hindi din nag kulay lila ang labi 'ko, o kahit mga kuko.

Nang tanungin din ako ng gumagamot ay iyon din ang naging sagot 'ko. Naalala 'kong natahimik pa siya pero tumango nalang. Duda sila sa sinabi 'ko, pero nanatili akong diretso ang titig sa kanila at nakangiti. Walang planong umamin. Kung sabihin 'ko ba na nilason ako ng kanilang Salamangkero ay paniniwalaan ba nila ako? Kakalat lang sa buong paaralan na may toyo ako sa ulo, at ginagawan ng kwento ang magaling nilang Salamangkero. Kaya niyang doktorin ang isang hamak na estudyanteng kagaya 'ko. Sa huli ay magmumukha lang akong tanga, at kalunos-lunos.

"Nagkaroon ka na ng nobya, Derek?" gulat na tanong ni Jubelian.

Tumango si Derek. Nabigla kaming lahat sa nalaman.

"Aba, nagka nobya ka pa sa lagay na 'yan." tatawa-tawang sabi ni Faydom.

Pasinghal na bumuga ng hininga si Derek, "Palibhasa hindi ka pinapatulan."

"Paano naging kayo?" ngumiwi ang nguso ni Tatiana. "Pinilit mo? Paano mo tinakot?"

"Siraulo." tumawa si Tatiana ng batuhin siya ni Derek.

"Malamang niligawan 'ko."

"Ah, napilitan sigurong sagutin ka." humalakhak kami sa naging sagot ni Yerenica.

Magandang lalaki naman kasi si Derek. Hindi na nakakapag takang may nagkakagusto sa kanya.

"Tumagal ba kayo?"

"Dalawang buwan na naging kami."

"Hiniwalayan ka?"

Tumingin si Derek kay Louanica, sabay iling.

"Ako ang nakipag hiwalay."

Kinantiyaw siya dahil sa naging sagot niya. Matapos ay nalaman namin na maging si Alphonse, at Lagrance pala ay nagka nobya na din. Habang nagsasanay kami ay lumalandi pala sila. Tumawa ako.

"Nalaman 'ko kasi na kami habang may sila." ani Lagrance.

Nag salubong ang kilay ni Akila, "Lumalandi ka kasi agad."

Ngumiti ako sa sinabi ni Akila. Kung magka ate kaya ako ay kagaya niya kaya siya?

"Tch." pabirong tunog ni Eredia. "Hayaan mo siya. Malaki naman na iyang kapatid mo. Basta kung magnonobya ka, alamin mo ang limitasyon mo."

"Siguraduhin mo na gusto mo siya. At siya lang talaga." ani Selance.

"Huwag kang mangangabit." tumingala si Athelasia. "Saka, 'wag kang malupit."

"May nagugustuhan ka ba sa ngayon, Rance?" sabay ngisi ni Leatris sa kanya.

Natahimik sila, at atat na inantay ang sagot ni Lagrance. Natawa ako sa sarili ng makita siyang nabigla, hindi handa sa tanong ni Leatris.

The Another WorldDär berättelser lever. Upptäck nu