Chapter 24 Sincere Stacey

83 12 66
                                    

Stacey's Point of View

Mag-aalas siyete na ng gabi nang nakaabot kami sa mansion nila Harieth. Kasama ko ngayon sina Jake at Joshua, nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako ng mansion o hindi na.

Naalala ko kasi na galit na galit pa sa akin si Benedict.

"Hmmm we're here na," sabi ni Jake sa akin. "Jake ano kaya kung huwag na ako tumuloy, dito nalang ako sa kotse mo. Baka kapag nakita ako ni Benedict magalit pa iyon sa akin," nababahalang wika ko.

"Hmmm wala diyan si Benedict kaya relax ka lang," pagsasabat naman ni Joshua. "What teka eh asan siya ngayon?" pagtataka ko.

"Hmmm wala siya dahil nawawala siya, matapos ang insidente sa pakikipaglaban namin, nang namatay si Tito Rennie, umalis ito ng walang paalam sa amin, hindi namin alam kung saan siya nagtungo. Maybe baka gusto niya muna makapag-isa," malahad na wika ni Jake.

"Ah hmmm ganon ba? Tss kawawa naman pala si Benedict tsk, I feel him," malungkot kong wika. "Oh paano ba iyan tara na pasok na tayo!" pagyayaya naman ni Joshua.

Lumabas na kami ng kotse at nagtungo sa loob ng mansion.

"Stacey sandali lang," pagtatawag sa akin ni Jake agad sinuotan niya ako ng jacket niya. "Hmmm malamig sa loob eh aircon, kaya kelangan mo iyan baka lamigin ka," aniya.

"Uhmmm salamat ah," malumanay na wika ko. Pumasok na kami sa loob ng mansion. Napansin ko parang funeral chapel ang loob ng mansion. Maraming tao sa loob. Nakita ko na din ang ataul ni Tito Rennie. Sa may leftside ng ataul nakalagay naman ang malaking picture frame ni Tito Rennie.

Napansin ko din ang mga kamag-anak ni Harieth. Habang naglalakad kaming tatlo sa loob ay nakita na din namin sina Harieth, Kurt at Sam. Nag-uusap ang tatlo sa upuan.

Natigilan ako dahil sa malakas na wika ni Sam.

"Ang sabihin mo Kurt duwag si Kuya Benedict! Duwag siya!" mariin na wika ni Sam habang naiiyak ito agad tumayo ito para magwalk out. Ngunit natigilan ito ng nakita niya kami nila Jake.

"Hmmm ano ginagawa mo dito ah?" mahanghang na wika ni Sam sa akin. Sabi ko na nga ba hanggang ngayon galit pa rin ito si Sam sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

Nako Stacey kalma ka lang huwag ka magpapakita ng kahyperan dito tss!

"Hmmm andito ako para makiramay sainyo, hindi ako mangugulo. Sorry for your lost Samantha, please patawarin mo rin ako sa ginawa kong kasalanan sainyo ni Harieth," sincere na wika ko kay Sam.

"Hmmm salamat sa pakikiramay pero wala ako sa mood makipagplastikan sayo, excuse me," malamig na wika ni Sam  sa akin agad umalis ito at nagtungo sa itaas ng mansion.

"Sam sandali lang pasensya na kayo Jake, Stacey ah? Alam niyo naman namatayan eh,"  sabi naman ni Kurt agad sinundan niya si Sam sa itaas.

"Grabe naman iyon Jake ako na nga nagpapakumbaba eh," naiinis kong wika. "Hehehe relax ka lang ganon talaga intindihin mo nalang ang tao. Namatayan eh," sabi ni Jake sa akin, naisipan ko nalang na tabihan si Harieth sa upuan.

"Nabalitaan ko ang nangyari I'm sorry alam ko hindi kayo maniniwala sa akin na sincere ako. Pero sasabihin ko sayo ito humihingi ako ng kapatawaran sa ginawa ko," malungkot na wika ko sa kanya.

"Okay na ako Stacey, pinapatawad na kita. Hindi ito ang oras para magsisihan at mag away tayo," malumanay na wika niya.

Hays mabuti naman mabait ito si Harieth sa akin, hindi tulad ni Sam suplada. Naintindihan ko naman ang babaeng iyon, kasalanan ko naman kung bakit nagtanim ito ng galit sa akin.

My Spoiled Brat, My Lover Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt