Chapter 10 The Clash!

112 15 58
                                    

Stacey's POV

Nagising ako ng narinig ko ang ingay ng mga kaklase ko. Napansin ko na malapit na kami maglanding sa airport. Natigilan ako ng nakita ko sa bintana ng eroplano ang Bulkang Mayon.

"Ang ganda ng bulkan! Girl's let's have some selfie pictures mamaya pagbaba natin dito," masigla kong wika habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Heheh mas maganda ka pa diyan," natigilan ako ng magsalita si Jake, lumingon naman ako sa kanya at ngumiti ito sa akin.

"Hmmmm bolero," mataray na wika ko. "Akin na yung jacket ko," aniya tska ko napansin na may suot pala akong jacket, sa dibdiban ko.

"Hmmm sayo pala ito? Bakit nasa akin?" pagtataka ko agad kinuha naman niya ito sa akin at isinuot niya.

"Obvious ba kinumutan kita kanina nung natutulog ka," aniya ako kinumutan niya? Tss ibinaling ko nalang ang attention ko sa labas.

Nang nakalanding na ang eroplano namin nagsitayuan na silang lahat dito sa loob ng eroplano, para kunin ang kanilang mga gamit. Tumayo na rin ako at kinuha ko na ang mga gamit ko sa itaas.

"You need help?" pag-aalok ni Jake sa akin. "No thanks! I can handle this," mataray na wika ko. Letche! Ang bigat pala ng gamit to tss. Kakainis, binitbit ko nalang ito kahit mabigat kesa naman magpatulong sa Jake na ito.

"Haha kaya mo ba talaga? Mukhang ikaw ata ang lalamunin ng maleta mo, hehehe," natatawang wika niya habang nakasunod ito sa likuran ko.

"Hmmm pagtingin mo sa akin weak? Uh? I can handle myself okay?" mataray na wika ko.

"Ay dapat kasi kapag nasa field trip ka hindi maleta ang dinadala mo, dapat bag pack lang, hindi ka naman mag-aabroad eh hahahaha," dugtong niya pa habang natatawa.

"Eh so what kung marami akong dala? Andito yung mga kelangan ko sa sarili ko nuh? Lalo na ang skin care ko tss," maarteng wika ko.

"Hahaha okay para ngang bahay mo na dala mo diyan sa maleta mo hahaha," natatawang wika niya.

"Tsee!" inismiran ko nalang ito napansin ko nakababa na pala ang lahat sa ibaba kami nalang ni Jake ang nasa loob ng eroplano. Ibaba ko na sana ang maleta ko ng agawin sa akin ito ni Jake.

"Ako na okay? Alam ko di mo kaya ang arte mo pa naman," aniya.

"Hey! Akin na kasi oh tsss," asik ko hinayaan ko nalang siya bumaba ng eroplano habang dala ang maleta ko.

Pagbaba namin ng eroplano binungad sa amin sa malayo ang Mt. Mayon, nasa airport na talaga kami ng Legazpi City at kita din ang bulkan dito. Nakita ko na din sina Bea at Magda na namamangha sa paligid nila.

"Heto na ang maleta mo, ingatan mo yan ah? Mukha yayamanin pa naman ang laman niya hehee," sabi ni Jake sa akin agad ibinigay na niya sa akin ang maleta ko. Nagtungo na din ito sa grupo nila Benedict.

"Girls ang ganda ng Bulkang Mayon! Ayieeee!" masayang wika ni Bea habang nagtatake ito ng pictures.

Tara na picture picture naman tayo dali!" agad hinila naman ang ni Bea para magselfie. While we are taking some pictures, natigilan kami ng tinawag kami ni Sir. Nagtungo naman kami kung nasaan ang grupo namin.

"Okay guy's thank's God dahil ligtas tayo nakaabot dito sa Albay. I just want to tell you this. Since may tatlong grupo kayo ay ngayon maghihiwalay na muna kayo," sabi ni Sir sa amin.

Buti naman maghihiwalay na kami para hindi ko na makasama si Jake, at bwelo ako gumala kahit saan.

"So ngayon yung naka assign sa Block C na pinamumunuan ni Mr. Jake Fernandez, pupunta kayo ngayon ng terminal. Dahil ang destination niyo ay ang Sorsogon, at Masbate. Doon kayo mag gagather ng documentations niyo okay?" sabi sa amin ni Sir.

My Spoiled Brat, My Lover Where stories live. Discover now