Chapter 11 Concern Brat

107 14 62
                                    

Jake's POV

Mahigit dalawang linggo kami nagtour dito sa Bicol Region. Marami na din kami napuntahan na mga magagandang tourist spot dito sa kabikolan. Totoo nga sabi nila na maganda ang mga tanawin dito, sayang hindi nakita ni Stacey Maldita ang mga lugar na napuntahan ko.

Naisip ko din kumusta na kaya ang babaeng iyon? Ano na kaya pinag gagawa niya? I hope na wala siyang ginawang kalokohan during our field trip. Gusto ko sana na ako ang maging leader ng block A ng freshmens. Kaso mas pinaubaya ko nalang ito kay Benedict.

Dahil alam ko naman na gusto niya makasama si Harieth Jane. Wala naman ako magagawa kundi magpaubaya, mas gusto ko na naging masaya si Benedict ngayon, na makasama ang kanyang minamahal.

Kahit hindi naman niya sigurado kung mahal ba siya ni Harieth. Nakakatawang isipin pero supportado pa rin namin ni Joshua si Benedict kahit sa huli. Dahil kaibigan namin ang gago kahit torpe sa pagmamahal.

Gwapo, brusko, matapang, matalino, madiskarte lahat na katangian ng isang lalake na hinahagad ng mga kababaihan ay nasa kanya na. Wala na mahihiling pa kapag si Benedict ang minahal.

Kaso ang torpe ang mokong. . .

Torpe na ang korny pa! Hahahaha.

"Oh pare ano nanaman ba iniisip mo diyan ang tahimik mo?" pagtatanong sa akin ni Joshua. "Wala naman pare," ani ko.

"Kuya Jake! Malapit na oh ba tayo?" malumanay na wika ng isang freshmen.Heto kami ngayon sa loob ng bus, papunta na kami ngayon sa beach kung nasaan ang ibang ka- grupo namin.

"Malapit na tayo sweetie, relax ka lang bakit parang di ka mapakali my dear," malambing na wika ko sa kanya.

"Ah eh natatakot lang oh ako kasi daw sabi ni Mommy, kelangan na daw natin umuwi ng Manila, may bagyo oh kasi dito sa Bicol eh," nababahalang wika niya.

"May bagyo?" ani ko napansin ko masungit nga ang panahon. Wala pa naman malakas na ulan pero ang lakas ng hangin. "May bagyo Bro kaya need na natin makauwi na," sabi naman ni Joshua.

Nakaabot na kami sa isang private na beach resort. Pagbaba namin ay may nakasunod pala sa amin na isang pang bus. Marahil mga kagrupo ito nila Ate Arriane sa block B. Maya pa ay bumaba na din si Ate Arriane at ang mga kasamahan niya sa loob ng bus.

"Jake! Joshua! How's your tour?" masiglang wika ni Ate Arriane. "Yow Ate! Very fine ang ganda nga eh hehe," masiglang wika ni Joshua.

"Tara puntahan na natin sina Benedict," pagyayaya ni Ate Arriane nagtungo na kami kung saan ang cottage nila. Nakita ko na din sina Sir at Benedict na kumakaway sa amin. Sinalubong na din kami nila Harieth, Sam at Kurt. Napansin ko bakit kaya may benda ang paa ni Kurt.

Ano kaya ang nangyari sa kanya?

"Yow pare! Ano kumusta na?" pagtatanong ko.

"Ayos lang pare kayo?"

"We're very fine guys ang ganda ng mga napuntahan namin. Mamaya ipapakita namin ang mga documentations,"ani ko magtatanong na sana ako kay Kurt kaso naunahan ako ni Joshua.

"Oh teka napano iyang paa mo Kurt ah? Bakit may benda ka?"pagtataka ni Joshua.

"Ah eh nahulog kasi ako sa hill eh hahahaha, pero okay na ako nothing to worry," natatawang wika ni Kurt.

"Ang sabihin mo kung kanino ka tumitingin ayan tuloy! Nahulog ka! Hahahaha," mahalakhak naman na wika ni Joshua.

"Hahaha oo nga parang ganon na nga nahulog na nga ako sa iba," masayang wika ni Kurt sabay kindat kay Sam.

"Benedict kumusta kayo?" masiglang wika ni Joshua kay Benedict. "Hmmm ayos lang kaso naestress ng kaunti may nagpasaway kasing isang freshmen tss," dismayang wika ni Benedict.

My Spoiled Brat, My Lover Where stories live. Discover now