Chapter 17 Mutual Friends ❤️

79 13 139
                                    

I'll dedicated this chapter to BeautifulSkyn ❤️🥰. Sana magustuhan mo dear enjoy reading!

Stacey's POV

Nakauwi na ako ng bahay hapon na dahil sa nangyari. Nagviral pa talaga yung news na naganap na hostage taking sa bangko kaninang umaga. At isa sa mga pinagpiyestahan ng mga news anchors kanina ay ako.

Habang pinagmamasdan ko sa TV ang interview ko natigilan ako ng may nagsalita.

"Mam mukhang sikat na oh kayo ah? Ang dami nga napabilib sayo, na ikaw pa talaga nagpresinta na tulungan ang bata na hinohostage," malumanay na wika ng katulong namin.

"Hmmm tumulong ba ako? Hindi naman ah? Talaga totoo naman na wala sila makukuha sa bata na iyon, kaya ako nalang tska hmmm naawa lang ako sa bata," masungit na wika ko.

Teka nasabi ko ba na naawa ako sa bata?

"Kahit na Mam atleast nagpakita naman oh kayo ng concern sa tao," masayang wika niya tinignan ko nalang ito na kinatigil niya.

"I'm sorry Mam, sige po una na oh ako," aniya agad umalis na ito sa harapan ko. Alam ko naman na nagtataka silang lahat sa akin ngayon.

Akala nila baka bumalik na ang dating Stacey na mabait at maawain sa lahat. Bumalik na ba ako sa dati? Agad iniling iling ko pa ang ulo ko. Maya pa natigilan ako ng may tumawag sa akin.

Si Mommy. . .

Agad sinagot ko naman ito.

"Anak I'm so sorry tss! Nabalitaan namin ang nangyari sayo, okay ka lang ah?" nag-aalalang wika ni Mommy sa akin.

"Yeah I'm fine, sanay naman ako may mangyari sa akin, I'm fine okay?" ani ko. "Hmmm don't worry anak ako nalang mag-aasikaso ng bank account ng Daddy mo. Bukas uuwi na kami ah," aniya.

"Okay," matipid kong wika. "Anak hintayin mo kami ah?" aniya. "Sige na Mom, magpapahinga na ako," malamig na wika ko agad pinatay ko na ang tawag namin. Naisipan ko na din magtungo sa kwarto ko.

Naalala ko yung sabi ni Jake sa akin, iready ko lang daw ang cellphone ko. Bakit naman? Tatawag ba siya? Ano nanaman ang kelangan ng loko sa akin.

Naghintay ako ng matagal sa tawag at text niya. Ngunit hanggang ngayon wala pa din ako natatangap tss!

"Ang loko na iyon? Niloloko niya ba ako? Sabi niya tatawag daw siya sa akin tss!" naiinis kong wika.

Naghintay pa ako ng matagal hanggang sa lumipas na ang mga ilang oras wala pa rin Jake na nagpaparamdam. Nakaramdam ako ng antok dahil sa kakahintay ng tawag niya naisipan ko na matulog na muna.

Nagising ako sa kama ko mga around seven na ng gabi. Tinignan ko ulit ang cellphone ko, wala pa rin Jake na nagparamdam.

"Para akong tanga sa ginagawa ko, tsss naghihintay ako sa kawalan," wika ko sa aking isipan. Naisip ko na maligo na muna sa shower room ko.

Nang nakatapos na ako ay isinuot ko ang bathrobe ko. It's time to skin care naman! Gabi- gabi ako nag-iskin care sa sarili ko. Siyempre kelangan alagaan ang skin ko para maging bata ako kung tignan.

While I'm applying my cream in my face suddenly biglang tumunog ang cellphone ko.

Unknown Number

0927***

Agad sinagot ko naman ito alam ko si Jake ito. Sino pa ba naman?

"Hey! Sabi mo tatawag ka sa akin? Bakit ang tagal mo—,"

"Hahaha I'm sorry I'm busy sa buong araw na ito, do you miss me?" malambing na wika niya.

"Gago! Hindi ah? Ba't naman kita mamimiss aber?" naiirita kong wika.

My Spoiled Brat, My Lover Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin