Chapter 5 The Cheater!

112 15 72
                                    

Stacey's Point of View

Kinabukasan late na ako nagising sa kama ko. It's almost seven o clock in the morning. Bumangon ako sa malambot kong kama para mag unat unat na.

"Hays! Mo-morning tss!" bored na wika ko napalingon ako sa picture frame ni Stephanie.

"Goodmorning to my dear kakambal, haays kumusta ka na? Okay ka ba diyan sa heaven? I miss you so much kambal." bumuntong hininga nalang ako sabay yakap sa picture niya.

"I'm so sorry if hindi ako nakakapagkwento sayo. Alam mo ba kambal first day of school maganda naman ang pasok ko, kaso marami lang talaga mga epal sa paligid ko tss. Lalo na may nakilala ako isang lalake, si Mr. Attitude, Mr. President, for short Jake pala pangalan ng gago. Kung alam mo lang kung paano niya ako binubwisit kahapon, tss! Sayang gwapo pa naman kaso mapang asar haaays! Kung buhay ka lang alam ko lalabanan mo iyon. Matapang ka eh? Palagi mo ako pinagtatangol sa mga nang aasar sa akin noon, hehehee," malahad na wika ko sa aking sarili.

"Tss! I know na para akong baliw dito na nagsasalitang mag-isa. Pero okay lang yan alam ko naman nakikinig ka sa akin, sige na kambal goodbye na ako ah? I have to go, may pasok ulit ako ngayong araw na ito. Sana good vibes ang araw na ito," masigla kong wika.

Bumangon na ako sa kama ko at nagtungo na sa banyo. Naligo na ako ng maayos, matagal ako maligo dahil nagkukuskos pa ako ng mga singit, tuhod at siko ko. Malinis ako sa akin katawan, mula ulo hanggang paa.

Nang nakatapos na ako maligo ay agad nagbihis na ako ng uniforme ko. May gash! Hindi ako sanay mag uniform para akong disente kung tignan tss!

Sana wash day na sa school para makapagsuot nanaman ako ng comfortable kong outfit. Kinuha ko 'yong curly iron ko sa buhok. Straight naman talaga ang hair ko, pero gusto ko ang style na kulot sa ibaba ng buhok ko.

At kahit nakauniform ako makapal pa rin ang kolorete ng make up ko. Nagkilay ako ng kilay ko sabay lagay ng maskara sa mga pilik mata ko. Then I applied a matte red lipstick in my lips.

"Nice one, I' m so beautiful na," masayang wika ko sa akin sarili. I look my wrist watch kung anong oras na.

"Oh my god! I'm so late na tss! It's seven-thirty na may pasok pa naman ako kay Sir Macaraig sa business math!" natatarantang wika ko.

Dali dali naman ako bumaba para nagtungo sa kotse ko, pagbaba ko ng hagdanan natigilan ako ng tinawag ako ni Mommy.

"Stacey anak hindi ka na kakain?" pagtatanong niya. "No! I'm so late na kaya bye," walang galang na wika ko agad umalis na ako at lumabas na ng bahay.

Pinaharurot ko na ang kotse ko papuntang university.

"Shit? Why so mabagal ba ang kotse ko ngayon, siguro sira na ito tss!" naiinis kong wika sa aking sarili. Nakaabot din ako sa wakas sa school ko.

Dali -dali ako bumaba ng kotse ko at pumasok ng gate.

"Hello Miss beautiful," masayang wika sa akin ni Manong guard. "Ahmm Manong tanong ko lang oh kung dumaan na si Sir Macaraig dito?" maarteng wika ko.

"Oh speaking of the devil ayan na siya," aniya lumingon ako sa gate at nakita ko si Sir. May dala dala itong mga gamit niya. Naisipan ko magpakitang gilas sa kanya.

"Good morning Sir! Kumusta may I help you po, mukhang pagod na pagod kayo ah?" masiglang wika ko.

"Yes and I'm fine, by the way we have a short quiz for today, regarding sa diniscuss ko nung isang araw," aniya letche na! Di pa naman ako nagreview.

"Ah ganon po ba okay Sir!" masiglang wika ko sa kanya. Tinulungan ko siya magbitbit ng dala niyang envelops.

Natigilan ako ng nakita ko ang transparent na long envelop niya yung key to corrections ng ieexam niya. Ngumiti ako na tila ba nakajack pot ako sa lotto.

My Spoiled Brat, My Lover Onde histórias criam vida. Descubra agora