Chapter 19 Disappointed Friend

90 14 92
                                    

Stacey's POV

"Stacey sigurado ka ba talaga dito? Bakit dito tayo pumunta baka mapagalitan tayo, tignan mo nakabihis pa tayo ng uniforme ng school," nababahalang wika sa akin ni Harieth andito kami sa may bar.

"Alam ko bawal kaya nga we're changing our clothes right girls!" masiglang wika ko.

"Right!"

"Teka wala akong damit eh," aniya.

"Hmm shunga naman ito eh di pahihiramin kita tara pumasok tayo sa comfort room," sabi ko sa kanya agad pumasok kami sa comfort room  para magbihis.

Pinahiramin ko si Harieth ng damit. Medyo malaswa nga lang kung titignan ito pero wala na ako mapapahiram sa kanya. Infairness napaka hot naman pala tignan ang babaeng ito kapag ganyan ang itsura niya.

"Stacey bagay ba para naman ang laswa kong tignan," aniya.

"Ang ganda kaya mga girls hindi naman malaswa girl, uso iyan ngayon, kaya okay na yan kaya tara na let's party party!" masiglang wika ko nalang.

Letche! Bakit ba nahihirapan ako makipagplastikan sa Harieth na ito. Ayoko sana gawin ito kung hindi lang dahil kina Bea at Magda. Tss!

Lumabas na kami ng comfort room at pumunta sa dancefloor. Napansin ko pinagtitinginan si Harieth ng mga lalake dito. Paano hindi siya pagtitinginan halos ang ikli at kita na ang cleavage ng gaga.

Sumayaw muna kami sa dancefloor ng mga kasamahan ko. Mas lalo ko na feel ang pagsayaw ko ng pinalitan ng DJ ang music.

Now Playing......

Please Don't Stop the Music.....

"Please don't stop the music! Please don't stop the music!" pagkakanta naman nila Bea at Magda.

Gash! Pakahataw ko nanaman dito sa dance floor. Matagal tagal na din ako hindi nakakapagsayaw, simula na naging magkaibigan kami ni Jake.

Napansin ko naiilang ito si Harieth sa dance floor.

"Whooo! Let's party! Harieth sumayaw ka naman! Oh eenjoy mo lang dito," masiglang wika ko kay Harieth ngunit ngumiti lang ito sa akin.

Suddenly I noticed her na parang hindi niya feel sumayaw. Umalis ito at bumalik sa table namin.

"Hey bakit umalis ang gaga?"pagtataka ni Bea. "Aba malay ko? Stacey tignan mo nga," sabi naman ni Magda tinignan ko ito ng masama.

"Inuutusan mo ba ako ah?" naiinis kong wika. "Luh? Utos kaagad? Hindi ba pwede kumustahin mo lang. Remember di ba gusto mo naman patunayan na brat ka pa rin? Ano ayaw mo? Baka naman kasi Stacey lumalambot na iyang puso mo," dismayang wika ni Bea sa akin.

"Of course not! Fine papatunayan ko sainyo kung gaano ako katuso!" mariin kong wika. Nilagpasan ko nalang sina Bea at Magda at nagtungo ako kay Harieth.

Shit naman! Nakakainis bakit ba pakiramdam ko napapasubo ako ngayon? Napansin ko malungkot ang loka. Ano nanaman kaya ang problema nito.

Matanong nga . . .

"Hey bakit ka umalis ng dancefloor ayaw mo ba kami kasama?" malungkot na tanong ko sa kanya.

"Ahh nako hindi ah may naalala lang ako, pasensya ka na ah malungkot lang ako ngayon," malungkot niyang wika agad tinabihan ko naman ito.

"Ah ganon ba? Anong problema mo girl sabihin mo naman sa akin. You can trust me," ngumiti lang ako sa kanya.

"Hmmm pwede magtanong? Paano mo masasabi kung nagseselos ka?" pagtatanong niya natigilan naman ako sa tanong niya.

My Spoiled Brat, My Lover Where stories live. Discover now