Chapter 16 Hostage Taking

89 15 89
                                    

Stacey's POV

"Anak nakikiusap ako saiyo pwede ikaw na muna mag- asikaso ng pagtransfer ng pera ng daddy mo sa ibang banko. Kasi hindi ko maasikaso ngayon andito pa kami ng La Union," sabi sa akin ni Mommy sa kabilang linya.

"Eh bakit ba kasi ako tss nakakainis, wala bang online process ang bank account ni Dad? naiinis kong wika sa kabilang linya.

"Hmmm anak may kelangan kasi pipirmahan tayo doon eh, and ikaw yung isa sa nakalagay ang pwede ko iauthorize sa bank account ng daddy mo," aniya napabuntong hininga nalang ako.

Nakakainis naman! Natapos na nga ang task ko na utos utusan ako sa school, hanggang ngayon ba naman uutusan pa ako.

"Please anak, nakikiusap ako sayo, kelangan ka ng daddy mo, ikaw nalang pinagkakatiwalaan namin," nagmamakaawang wika niya sa akin.

"Fine okay! Ako na bahala tss," naiinis kong wika. "Thank you anak ah?" masayang wika niya agad binabaan ko na ito ng tawag.

Ayoko na makausap siya lalo na kapag naririnig ko na natutuwa pa siya sa akin. Hays! Kesa sa magpahinga ako ngayon ay hindi. Aasikasuhin ko pa ang bank transactions ni Dad.

Bakit kasi ako pa ang dami naman pwede niya utusan. Sabagay pera nga naman ang pinag-uusapan, baka kapag sa iba pinagkatiwala nila ito baka lokohin pa sina Mom at Dad.

Sayang kung nagkataon iyon mawawalan ako ng allowance tss!

Bakit ba nagpapakita ako ng care sa kanila. Ewan ko ba hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Sabado ngayon at wala kaming pasok. Buti naman natapos ko na ang make up class ko sa school.

Medyo nakabawi bawi na din ako ng lakas kesa nung last week. Mabuti at natapos ko na lahat ng mga task ko. Kahit sa school kaya makakabalik na din ako sa normal kung buhay bilang studyante.

Nakatulong din yung pagsagot ni Jake sa mga sangkatutak na answer sheets ko nung last week. Halos lahat tama ang sagot, matalino din pala ang gago. Mabuti nalang hindi nahalata ni Sir na iba sumagot ng answer sheets ko.

Naisipan ko na din magprepare para pumunta ng bangko. Pinasunod naman ako ni Mommy kung ano ba ang gagawin ko doon. Dapat nito dagdagan nila ang allowance ko dahil inutusan nila ako.

"Manang aalis ako pupunta ako ng bangko now, gusto ko pag-uwi ko nakahanda na ang milk bath ko sa bathtub ah? Galing pa naman ako sa labas, tss for sure madudumihan nanaman ang skin ko," maarteng wika ko.

"Opo Mam Stacey," magalang na wika niya. Nagtungo na ako sa kotse ko, may bago na ulit ako na car. Salamat naman para makapag gala naman ako.

Habang nasa biyahe natigilan ako ng my tumawag sa cellphone ko. Tinignan ko kung sino ito.

Unknown number. . .

0927*****

"Hmm sino naman kaya itong stranger na ito tss," wika ko sa aking sarili agad sinagot ko naman ito.

"Hello sino ka?" ani ko sa kabilang linya. "Kumusta ka Stacey Maldita, hehehe," wika naman sa kabilang linya.

"Hoy! Kung sino ka sabihin mo na ah? Huwag mo sinasayang ang oras ko," naiinis kong wika ngunit tumawa naman ito.

"Hahaha hindi mo ba talaga nakikilala kung sino ang kausap mo? Ehem! Mr. Attitude? Uhmm Mr. President, or di kaya si —," natigilan ako sa sinabi niya, then I realized kung sino ba ang kausap ko ngayon.

"Jake?! Ikaw?!" gulat na wika ko agad napahinto naman ako sa pagmamaneho. "Hahaha you're right darling hehehe, buti naman narecognize mo ang boses ko hahaha," natatawang wika niya.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon