Chapter 3 First Day of School

121 18 57
                                    

Stacey's Point of View

Dumating na ang araw ng pasukan. First day of school dapat ako maging famous sa school na ito. Kakaparada ko palang ng mamahaling kong kotse sa parking area ng university na ito.

Dapat maganda ang entrada ko sa gate, kaya nagsuot ako ng maiksi na red fitted dress at kita ng konti ang cleavage ko. Paglabas ko ng kotse halos pinagtitinginan ako ng mga studyante dito.

"Wow pare sino yan? Freshmen kaya siya? Ang hot pare," manghang wika ng lalake sa tabi tabi.

"Yeah right pare mukhang freshmen nga siya," sabi naman ng isang lalake, I smirk at them na tila ba inaakit ko mga ito sa aking paningin.

Habang naglalakad ako ay halos lahat ng mga mata ay napalingon sa akin.

"Witwew!" pagsisipol naman ng iba

"Miss your so hot!" pagsisigaw naman ng isa lumingon ako kung nasaan mga ito. Tinignan ko lang sila and I smirk at them.

"I know right," ani ko sabay flip hair natigilan ako ng may tumawag sa akin.

"Stacey!" nakita ko sina Bea at Magdalene palapit sa akin. "Kumusta? First day of school na natin, sana goodvibes tayo ngayon," masayang wika ni Bea.

"Oo nga eh sabi daw punta tayo ngayon sa gym for orientation para sa mga freshmens," sabi ni Magda sa akin.

"Okay sige," bored na wika ko agad nagtungo na kami ng gym. Habang naglalakad ako ay panay pa rin tingin sa akin ng mga estudyante dito.

"Where is the gym na ba ah? Ang tagal naman natin makaabot Bea," naiinis kong wika. "Heto na ang gym oh!" aniya agad binungad sa  amin ang malaking gymnasium  ng university na ito.

May mga nakapila na studyante sa labas at pinapasok ito ng mga nag aasher sa kanila. Pumila muna kaming tatlo para makapasok bali ako yung nasa hulihan dito. Nang nakaabot na kami sa unahan ay hindi ko inaasahan kung sino makikita ko.

Hmmmm si Mr. Attitude to ah? Yung nangbwibwisit sa akin at muntikan na ako matamaan sa mukha ng bola niya.  Napansin ko na tinitignan niya ako sa kinatatayuan ko.

"Hmmm anong course niyo?" malumanay na tanong niya kina Bea at Magda. "Hello Kuya pogi hehe ahmmm BSBA block A po kami," kinikilig na wika ng dalawa kay Mr. Attitude.

"Ahmmm okay sige pasok na kayong dalawa," pumasok na ang dalawa at sinundan ko nalang sila. Ngunit natigilan ako ng tinawag ako nito.

"Hey, Miss Warfreak, hindi pa ako tapos sayo, may tatanungin pa ako," aniya lumingon naman ako sa kanya.

"Hmmm bingi ka ba? BSBA block A nga kami di ba? Yung mga kausap mo kanina kasama ko, kaya pwede na ako pumasok okay?"masungit na wika ko sa kanya. Ngunit natawa lang ito sa akin.

"Hahaha alam ko na kasama mo sila, and alam ko na BSBA ka, but it's not my point," natatawang wika niya I stared at him with my fierce face.

"Hmmm so ano ba problema mo ah? You know what Sir, sinasayang mo lang ang oras ko, may orientation pa kami sa loob," naiinis kong wika napansin ko hinihintay na ako nila Bea at Magda sa bukana ng glass door.

"Hindi mo ba alam na bawal yan suot mong damit dito sa university, We will not allowed to wear that outfit, ang iksi para kang nasa club tsss," dismayang wika niya.

"Hmmm so what pakialam mo ba Mister—-? O kung sino ka man you better watch your tongue, cause you do not know me," seryosong wika ko sa kanya at inikutan ko ito ng mga mata ko.

Tumalikod na ako at pumasok na sa loob ng gym. Nakakainis! Akala niya magpapatalo ako sa kanya? Never!

"Bakit natagalan ka sa labas?" pagtataka sa akin ni Bea.

My Spoiled Brat, My Lover Där berättelser lever. Upptäck nu