Chapter 13 The Dare ❤️

105 17 59
                                    

A/N:
R-18: Read at your own risk!🤧🤧😅😂😂😂😂😂

Stacey's POV

Dinala ako ni Jake sa cafeteria ng university na ito. Napansin ko marami na din mga tao dito, yung iba kumakain ng agahan, dahil maaga pa naman at yung iba tambay lang dahil naghihintay nalang mga ito for their next class session.

"What are we doing here uh? Huwag mo sabihin na dito ako maglilinis tss," naiinis at pagtataka kong wika.

"Hahah nakuha mo nga hehehe," ngumiti lang ang loko. "Gago ka? Sabi mo hindi mo ako dito iaassign bakit tayo andito, ayoko dito marami makakakita sa akin eh tss," pagrereklamo ko.

"Hehe sige na ang dumi ng ibang table dito oh? Simulan muna linisin hurry up baby!" masiglang wika niya agad naman niya ako pinapadali sa trabaho ko.

Ang bwisit na ito? Walang awa sa akin tss! Gusto talaga ako ipahiya! Agad itinali ko muna ang buhok ko, bago magsimula maglinis. Nakakainis! Halos pinagtitinginan na tuloy ako ng mga estudyante dito.

"Hmmm si Stacey ba yan? Bakit naglilinis dito, janitress na ba siya? Hehehehe," natatawang wika ng isa.

"Oo nga eh hmmmp buti nga yan sa kanya, ang arte kasi tss," asik naman ng kasama niya tinignan ko ito ng masama. Lumapit ako sa kanila na kinatigil nila.

"May problema ba ah? Gusto niyo ihampas ko to sainyo ah?!" matapang na wika ko agad ipinakita ko sa kanila ang walis na hawak ko. Nagsitayuan naman ang mga ito at kumaripas palayo sa akin.

"Hmmm letche mga duwag naman pala tss," asik ko. "Hey! Paglilinis ang aatupagin mo dito hindi pakikipag away ah? Gusto mo ba dagdagan ko ang punishment mo?" sabi ni Jake sa akin. Lumingon naman ako sa kanya at tinignan ito ng masama.

"Hmmm what? Ano na? Sige dagdagan ko pa oras mo sa paglilinis, uuwi ka ng 7pm," aniya na kinagulat ko.

"What the fuck! Jake!" pagsisigaw ko napansin ko pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ng mga tables dito sa cafeteria.  Habang si Jake ay nakaupo lang ito sa kabilang table habang pinagmamasdan ako.

Nakakainis walang puso! Ngayon ko lang narealize na ang strikto ng gago! Maya pa at dumating na sina Joshua at Benedict at tumabi ito sa kanya.

"Uy andito pala si Miss Stacey, hehehe," natatawang wika ni Joshua.

"Oo eh, dito ko naman siya pinalinis heheh," sabi naman ni Jake. "Hmm dapat nga sa CR mo yan pinalinis para magtanda," pagsasabat naman ni Benedict natigilan ako sa sinabi niya.

What the fuck! Talagang sa CR pa talaga ugh kakainis sana huwag naman.

"Hey kaya mo pa ba?" pagtatanong ni Jake sa akin ngunit di ko ito kinibo. Binaling ko ang attention ko sa paglilinis ng mga mesa dito sa cafeteria.

Lumipas ang mga ilang oras hanggang sa sumapit na ang uwian ng mga estudyante dito, still naglilinis pa rin ako. Andito kami ngayon ni Jake sa hallway ng building ng registrar office. Nagmamap ako ng sahig sa hallway. Sixty-thirty na ng gabi atlast konting oras nalang makakauwi na ako.

"Tapos ka na ba?" pagtatanong ni Jake.

"Hmmm malapit na, tama na siguro ito nuh? Ang dami ko na nilinis eh? Bukas naman napapagod na ako oh," pagrereklamo ko.

"Hmmm meron pa lastly doon tayo sa office ko," aniya. "What? Ano nanaman gagawin natin doon? Madumi ba doon hindi naman ah? Nung pumasok ako nung isang araw doon, ang linis eh," sunod sunod kong wika.

"Hmmm sumunod ka nalang nga," masungit na wika niya. Wala na ako nagawa kundi sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami papunta ng office niya napansin ko bakit hindi ko na nakikita sina Bea at Magda.

My Spoiled Brat, My Lover Donde viven las historias. Descúbrelo ahora