“Miss, namumula ang buong mukha mo.. Baka nabagok ang ulo mo kaya sige na, ” nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng classroom. “Ihahatid kita sa clinic.”

“Gremory narinig mo naman ang sinabi niya hindi ba?” Pagsingit ni Stacy sa eksena, as usual suot-suot nito ang makukulay at malalaki niyang ribbon. “At saka matibay iyang friend namin, ” pinandilatan niya ako ng mga mata. “Hindi ba Dorothy?” Friend? Kailan niya pa ako itinuring nakaibigan? Hindi ata ako aware.

Wala sa sarili akong napatango, “o-oo..” Ngumiti ito ng pagkasaya-saya at ito na mismo ang humawak sa kamay ng lalaking iyon. “Uh..” Umalis na sila, naiwan ako na para bang walang nangyari. Napangiti ako ng mapait sabay himas ng noong nanakit.

Gremory.. Pati pangalan gwapo.. Crush ko na ata siya. Mukha kasing masungit pero alam kong mabait..

━─━────༺༻────━─

Lumipas ang ilang buwan at nagmistulang stalker ako. Laging nakatanaw at nakasuporta kay Gremory Santillan mula sa malayo. Tuwing may okasyon ay bumibili ako ng mababagong stationary papers para sa mga love letters ko.

Valentine's na ngayon may color coding ang mga estudyante batay sa mga level nila. Halimbawa sa aming grade 8 ay kulay white, sa grade 7 ay red, sa grade 9 ay blue, grade 10 yellow at sa Senior high ay p.e uniform ata nila.

Naramdaman kong tumama ang mukha ko sa maruming lupa. “Ops, hindi ko sadya..” Anito sabay binuntunan ng tawa. “Tanga-tanga naman Dorothy,”

“Dorothy ano iyan love letters?” Tanong ng kasama ni Stacy. Pilit nitong inagaw ang mga papel na dala-dala ko, “ibigay mo na!” Gigil nitong sigaw ng nanlaban ako ngunit mas higit ang bilang nila. “Dear Gremory, matagal na kitang gusto––”

Tumawa si Stacy at pahablot na inagaw ang letter. “Ang baduy!” Anito at pinunit iyon. “Grabe ano ito, bibigyan mo si Gremory ng panggatong sa apoy? Yuck! Hindi kalang magnanakaw, tanga-tanga, uto-uto, palamunin! Ilusyonada ka rin!” Sigaw niya, nakaupo lang ako sa lapag habang tahimik na umiiyak.

Ganiyan lagi. Natatakot ako.. Natatakor magsumbong..

Mas lalong naging matunog ang aking iyak ng may isang estudyante ang nagtanong sa akin. "Are you okay?" Saglit niyang tinignan ang kabuuan ko, punong-puno man ng luha'y naaninag ko ang mukha niyang galit na galit. "Hoy, trip mo mang-away?Miss Intrams ka? Tapos ganiyan ang ugali mo? Ang plastic naman pala ng sagot mo sa Q and A." Sabi niya na nakapagpa tigil kay Stacy.

"Bitch!" Sigaw ni Stacy, lumapit ang babae sakanya. "A-Ano ba huwag ka ngang lumapit! Weirdo! Nerd!" Ang tapang niya.. Hinawakan nito ang mukha ni Stacy, nagsi-atrasan ang mga kasamahan nito.

Ngayon lang ako nakakakita ng kagaya niya na hindi takot..

"Once I saw you bullying this girl again.. I swear you will regret your existence and I'm not bluffing. Boyfriend mo si Fredrick hindi ba? See the scar on his face? I'm the one who made it. So ruining your face will be easy." Nangangatog ang mga tuhod ni Stacy ay bigla nalang nagtatatakbo.

Hilam ang mga luha kong  nakatingin sakanya  "S-Salamat.."  Alam kong napansin niya ang mga love letters pero laking pasasalamat ko ng hindi na ito nagtanong.

Hindi siya ngumi-ngiti kaya wala akong ideya kung galit siya o hindi. "Gusto mo bang pumunta sa clinic?" Anito, umiling ako.  "Sigurado ka? Baka lumabas ang kanin sa sugat mo.. Iyon ang sabi ni lola.."

Napanguso ako. Totoo ba iyon? "Hindi naman totoo iyon," nanlaki ang mata ko ng matawa ito ng mahinga.

Pagkuwana'y bigla nitong inilahad ang kanyang kamay, hindi katulad ng kaninang ekspresyon ay may ngiti at maaliwalas na ang mukha nito.   "I'm Deiry. Dierde Pyry Achlys Viñedez. Grade 8. "

Seryoso ba siya? Gusto niya ba akong maging kaibigan? Hindi ba siya nahihiya kasi nilapitan niya ako?  "G-Gusto mo ba akong maging k-kaibigan?" Napaiyak ako na nauwi sa hagulgol. Ang saya ko, sa buong buhay ko ngayon lang may gustong maging kaibigan ako. Ngayon lang.. "S-Sure ka ba?"

Napatameme ito. "Ah?"

Gamit ang likod ng palad ay pinunasan ko ang aking mga luha. "K-Kasi ayaw nila akong maging kaibigan kasi bobita ako at tanga-tanga.. W-Wala pang lumapit sa akin at gustong maging kaibigan ako..." Ngayon lang, ngayong grade 8 lang ako nakakilala ng isang katulad niya at sakto pa sa araw ng mga puso.

Lumipas ang araw at wala itong ginawa kundi subukan akong pasiyahin, nilibre pa ako ng binatog sa may gate ng eskuwelahan. Sa unang pagkakataon, walang inggit akong naglalakad pauwi sa eskuwelahan. Ang saya ko, sa wakas may kaibigan na ako.. At alam kong ganoon din si Deiry..

﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Gremory Santillan

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now