CHAPTER 12

315 36 21
                                    

“Hah!”


Habol ang hininga'ng napabangon ako sa kama dahil sa masamang panaginip na matagal ko ng gustong ibaon sa limot.


Napabuntong-hininga nalang ako habang hawak ang masakit kong ulo. Mukhang bumabalik na naman ang panaginip na 'yon matagal-tagal din para maalis iyon sa utak ko at matagal-tagal ding wala akong ayos na tulog.


Isang mahinang tawa ang pinakawalan ng labi ko nang maalaalang pagkatapos ng pagpapalayas sa'kin ng Count ay pinatuloy ulit ako nito sa mansyon dahil pinatawad na nila ako at dahil bata pa ako noon at wala pa sa maayos na kaisipan ay nagpa-uto ulit ako sakanila.


Napalibot ang tingin ko sa paligid nakita kong nasa kwarto ako napahinga ako ng maluwag nang makitang buhay pa ako.


Bigla namang bumalik sa alaala ko ang nangyari. Anong gagawin ko ngayon. Pagsinabi ko naman sa Duke ang ginawa sa 'kin ni Madam Olivia at ng mga katulong niya ay baka hindi niya ako paniwalaan at baka paalisin niya 'rin ako.


Halos sampong taon ng nagta-trabaho ang mayordoma dito kaya sigurado akong pinagkakatiwalaan s'ya ng Duke kaya paniniwalain niya ito kaysa sa 'kin na isang buwan palang naninirahan sa mansyon na ito.


Nanginginig ako sa takot sa tuwing naiisip kong palalayasin na naman ako. Hindi ko kayang mangyari ulit 'yon..


Tamang hindi ko na sabihin sa Duke ang nangyari dahil siguradong hindi niya ako paniniwalaan. Tama ng sarilihin ko nalang ang nangyari at ginagawa nila sa'kin.


Napatigil lang ako nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at niluwa no'n ang nagaalalang mukha ni Ellyn.


“My lady, gising na kayo.” Para itong nabunutan ng tinik nang makitang gising na ako at agad akong dinaluhan ng yakap.


“Ellyn.” Parang tinutusok ng karayom ang puso ko sa isipang nagaalala ito sa 'kin natigilan ako nang mapagtanto ang inisip. May nagaalala sa'kin?


“Hindi niyo alam kung paano kami nagalaala sa inyo, my lady. Hindi ko alam ang gagawin kung may mangyari sainyong masama hindi ko mapapatawad ang sarili.” Umiiyak na usal nito napahigpit ang yakap ko sakanya dahil sa sinabi nito.


Nagaalala ba talaga sila sa'kin? Hindi maiwasang matuwa ng puso ko dahil do'n pero napatigil ako dahil paano kung nagkukunwari lang pala sila?


Napatanggal ang pagkakayakap ko kay Ellyn dahil sa isipang 'yon.


“Kung alam ko lang na magagawa sa inyo ito ni Madam Olivia ay sana'y umangal na ako sa Duke para magpalitan ng katulong.” Nanlalaking napaharap ako kay Ellyn dahil sa sinabi nito.


“Madam Olivia?” Nagtatakang tanong ko.


“Sila ang may kagagawan ng nangyari sa inyo matagal na palang ginagawang lasunin kayo ng mayordomang 'yon bakit kayo pumapayag, my lady?!” Naiiyak na naman na sigaw nito habang niyuyogyog ang balikat ko na parang naghihintay ng sagot.


Pero.. Paanong nangyaring nalaman nila? Hindi kaya may nagsumbong sa Duke?


“Nasaan sila ngayon?” Kinakabahang tanong ko hindi ko alam sa ibang kadahilanan ay kinabahan ako.


Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Ellyn na kinanoot ng noo ko.


“Nasa kulungan ang mayordoma kasama ang iba pang mga katulong na may kinalaman sa nangyari sainyo habang pinaparusahan hanggang kamatayan.”


Para akong tinakasan ng dugo dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwalang pinarusahan sila ng Duke hanggang kamatayan ng dahil sa'kin.


Bakit? Hindi ko maintindihan.. pero hindi ako nakakaramdam ng kahit anong pagka-konsensya sa nangyayari sakanila dahil sakanila'y muntik ng malagay sa peligro ang buhay ko.


Napalingon ako kay Ellyn ng hawakan nito ng mahigpit ang magkabila kong kamay at ngumiti sa 'kin.


“Huwag kayong magalaala wala ng mananakit sainyo dahil nandito lang ako para sainyo, my lady.”


Hindi ko na napigilan at namalayan ko nalang na tumulo na ang luha ko at napahagulgol na ako ng iyak na dati'y hindi ko naman ginagawa.


________

I Adopted By A Cold Blooded DukeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora