CHAPTER 5

223 19 0
                                    

Beatrice

Wala sa sariling naglalakad ako ngayon papunta sa library, hindi ko kasi alam kung anong pumasok sa isip ng Duke at inutusan n'yang turuan ako ni Lucas sa pag-aaral ko samantalang tatlong taon palang ako.

Ang alam ko magsisimula ng mag-aral ang isang noble kapag nasa kinse anyos na ito at papasok na ng akademya. Hindi ko naranasan 'yon kaya hindi ko alam ang pakiramdam ng nakapag-aral.

Pagdating namin sa silid-aklatan ay naabutan naming abalang nagbabasa ng libro si Brother Lucas sinenyasan ko naman si Ellyn na hintayin n'ya ako sa labas.

Mabilis itong tumango at lumabas, napataas ang ulo nito nang marinig ang pagsarado ng pinto pagkalabas ni Ellyn sa sobrang abala siguro nito sa binabasa kanina'y di niya napansin ang presensya namin.

Napatanga ako nang ngumiti ito sa 'kin at niyaya akong umupo sa tabi niya. I awkwardly smiles back at him and sit next to his seat.

“So, are you ready to learn?”, He asked nicely. Nanghihinayang na tumango nalang kahit hindi ko maintindihan kung bakit tinatanong n'ya ako, hindi naman siguro mahirap ang ituturo niya sa 'kin diba?

Like, duh. I'm just a 3-years-old kid for god's sake. Pero naalala ko ding hindi naman pangtatlong gulang ang utak ko, I just shrugged and followed my gaze to him na kasalukuyang may kinukuhang libro sa isang book shelf na malapit sa mesa'ng inuupuan namin.

Nababagot na nilalaro ko lang ang mga daliri ko habang hinihintay siya nang makitang wala na s'ya sa pwesto niya kanina, nagtaka naman ako dahil do'n dahil kanina lang nandoon pa siya.

“Pinaghintay ba kita ng matagal?”

Napatalon naman ako sa gulat nang bigla nalang itong sumulpot sa harap ko saktong paglingon ko sa harapan ko.

Paanong bigla nalang siya sumulpot sa harap ko na parang kidlat? Nababaliw naba ako? Maybe.

I stopped when he leaned against me. “Are you okay?”, tanong nito habang malapit pa'rin ang mukha sa 'kin, nanlalaki ang mga matang pinasadahan ko lang siya dahil mukhang naestatwa na ako sa kinauupuan ko sa gulat ng ginawa niya.

I gulped when I saw how handsome he is. Is it even possible to have a face like this?

Mabilis kong sinampal ang mukha ko para magising ang diwa ko dahil di ko gusto ko ang iniisip ko, I know that they're all handsome pero magiging kapatid ko na sila—I mean they're my brothers now so I should stop drooling to their handsome faces.

Nagtatakang tiningnan lang ako nito, hindi n'ya siguro maintindihan kung bakit ganito ang inaasal ko. Huminga ako nang malalim bago bumaling sakanya ng seryoso dahil muntik ko ng makalimutang may ituturo pa pala siya sa akin.

Napadako ang mga mata ko nang makitang may dala itong maraming libro halos tingalain ko pa sa taas dahil sa dami nito.

Don't tell me, lahat ng ito ay babasahin ko isa-isa? Binalingan ko ng tingin si Brother Lucas para makita kong nagbibiro lang siya pero nadismaya ako nang makitang nginitian lang ako nito na parang sigurado siya sa disesyon niya.

Should I pretend that I can't read? Hindi naman 'yon imposible dahil sa edad ko at posible ding maniwala siya.

Napangisi nalang ako dahil sa ideya ko. “Brwother, I will gwonna rwead thwese awll? (Brother, I will gonna read these all)”, I asked innocently.

Kailangan kong magdrama na inosente para mapaniwala ko ito. But, he just smiled and nodded three times like he's really serious. Really?

Satuwing tinitingnan ko ang mga librong nasa harap ko ay napapalunok nalang ako hindi naman sa hindi ako mahilig magbasa pero di ko naman kayang basahin lahat ito maliban nalang kung bibigyan ako ng maraming oras.

Napatigil ako nang makitang may kinuha itong isang libro sa mga kasamang librong dala nito. My eyes wide opened when I saw what book it is.

“The Last Sorcerer..”, natutop ang bibig ko nang wala sa sariling lumabas nalang 'yon sa bibig ko nakita kong nagulat si Brother Lucas dahil sa sinabi ko.

That book is my favorite!

But, I didn't expect his sudden reaction. “You know that book, too?”, masayang tanong nito na parang tuwang-tuwa pa sa sinabi ko.

Hindi ko aakalaing magiging gano'n ang reaksyon niya akala ko'y magtataka siya dahil alam ko ang ganoong klaseng libro sa ganito kong edad akala ko ay mawe-weirduhan siya sa 'kin.

Sa tuwing wala ang Count at ang pamilya nito dati ay patago akong pumapasok sa silid-aklatan at nagbabasa ng mga libro tungkol sa mga salamangkero (mage), mangkukulam (witch), at marami pang iba na may kinalaman sa maheka.

Hindi ko rin alam kung bakit nahilig ako sa mga ganoong klaseng mga libro. Lagi akong nakakaramdam ng kakaiba satuwing nagbabasa ako o nakakarinig ng tungkol sa maheka na parang may kinalaman ang mga ito sa buhay ko kahit na alam kong imposibleng magkaroon ako ng maheka dahil hindi naman ako mage or sorceress.

“Ibig sabihin nagbabasa ka din ng ganitong klaseng libro?”, nakangiting tanong nito at umupo ng maayos kaharap ko at humalikipkip, mukhang gusto nitong pag-usapin namin 'yon.

I akwardly nodded. “Really? That's awesome.”, manghang ani 'to.

Hindi ko aakalaing may ganito din pala siyang ugali niya dahil kung titingnan mo ito ay aakalain mong lagi lang itong seryoso at nakakatakot din dahil sa laging walang emosyon nitong mukha tulad ng mga kapatid niya pero ngayon para s'yang tuta na naghihintay na amuhin ng amo niya.

Oh my, he's so cute!

“Anong libro pa ang binabasa mo?”, napadako ang tingin ko sa librong dala niya kanina pumatong ako sa upuan ko dahil hindi ko maabot ang mesa at humanap ng libro, nakita kong nagtaka ito dahil sa ginagawa ko.

Napansin kong puro tungkol sa magic ang dinala niyang mga libro. Akala ko ay papabasahin niya ako ng mga librong tungkol sa edukasyon, napangiti ako nang makita ang mga librong hinahanap ko. Pinakita ko sakanya ang tatlong libro kasama rin sa mga paborito ko.

“Woah, you're reading these too?”, napapangiti nalang ako habang pinapanood itong mangha-mangha dahil mukhang paborito n'ya rin ang mga napili kong libro.

Mukhang madali ko lang siya makakasundo at mapapaamo hindi katulad ng dalawa niyang kapatid lalo na ang Luke na 'yon hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa ginawa nito kanina sa dining room.

Napalingon ako sakanya nang marinig na tumikhim ito at inayos ang sarili mukhang napagtanto niya din ang inasal niya kanina.

Gosh, why is he so cute?! I think my heart will gonna burst out.

“Do you want to be a mage or sorcerer, too?”, biglang tanong nito na kinagulat ko dahil hindi ko inaasahang itatanong niya 'yon.

Minsan ay pinapangarap kong maging ganoon din ako pero imposible 'yong mangyare dahil dapat nasa dugo niyo ang pagiging isang salamangkero. Narinig ko dati ay iilan nalang ang natitirang salamangkero sa bayan dahil halos lahat ng mga ito ay namatay noon dahil sa isang trahedya.

“Ywes, iwkaw Brwother gwusto mwo dwing mwaging mwage? (Yes, ikaw Brother gusto mo ding maging mage)”, nakangiting tanong ko dito.

Dahil mahilig din ito sa mga ganoong bagay ay sigurado akong gusto niya din ito, pero hindi ko inaasahan ang bigla nitong ekspresyon naging madilim ito na parang di nito nagustuhan ang sinabi ko.

May nasabi ba akong mali? Nagulat ako nang may lumabas na usok at pinapalibutan siya no'n. Is this what they called dark magic?

Pero nawala din 'yon ng kumalma siya. “It's impossible. Hindi kami pwedeng maging mage dahil cold blooded kami.”

Alam kong may sasabihin pa sana ito pero hindi n'ya tinuloy. Cold blooded? Wala akong masyadong alam tungkol dito pero alam kong kinatatakutan ng mga tao ang mga cold blooded gaya ng Duke.

“Bwakit hwindi pwede? (Bakit hindi pwede)”, nakasimangot na tanong ko sakanya pero nginitian lang ako nito at ginulo ang buhok ko biglang nag-init ang mukha ko dahil do'n.

I Adopted By A Cold Blooded DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon