CHAPTER 8

200 18 0
                                    


Pero sa tuwing nagiging masaya ako ay may kasunod ding kalungkutan ang mangyayari kaya natatakot na akong maging masaya.

My name Beatrice deprives from Latin means happy or happiness. But to my 16 years of existences I didn't even experience that word.

“I'm the reason why Mother died.” Pagsasalita nito ramdam ko ang pangungulila niya sa ina niya.

“That's why Father is always cold towards me.” Nagulat naman ako dahil do'n biglang pumasok sa alaala ko kung paano siya tratuhin ng Duke.

Sa tuwing nasa dining room kami at kumakain ay napapansin kong hindi masyadong kinakausap ng Duke ang mga anak niya at sa tuwing kinakausap siya ni Luke ay tanging tango lang ang sinasagot niya dito.

Pero, hindi ko naman masasabing malamig nga ang turing sakanya ng Duke kahit seryoso nga ang mukha nito palagi pero may sinasabi naman ang mga mata nito na hindi ko maintindihan pero alam kong mahal niya ang mga anak niya dahil tinatrato niya ang mga ito ng maayos. Pero hindi ako siguradong gano'n nga ang turing niya sakanila kung wala ako.

I don't know how to trust the Duke anymore. Or should I really trust him? But, for some reason may naguutos sa aking pagkatiwalaan ko ang Duke.

I sighed and patted his head. “I know it's not your fault.” Pagaalo ko sakanya habang hinahawakan ang malambot nitong buhok buti nalang at hindi magkakalayo ang height namin.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit sinasabihan ako nitong maliit sa unang pagkikita namin kahit na magkasing-liit lang naman kami.

“Alam kong mahal kayo ng Duke.” I said with sincerity. Nakita kong naginit ang pisnge nito siguro ay napagaan ang loob n'ya do'n. So cute!

Sigurado akong mahal sila ng Duke dahil wala namang magulang ang hindi mahal ang anak. Napatigil ako dahil sa inisip ko, nanggaling pa ang salitang 'yon sa 'kin samantalang iniwan din naman ako ng mga magulang ko.

I know there's a reason behind it. I wish they really had a reason.


“Ellyn, paano namatay ang Duchess?” Wala sa sariling tanong ko nakita kong napatigil sa pagsuklay ito sa buhok ko dahil sa tanong ko.

Natutop ko bigla ang bibig ko dahil do'n mukhang maling ideya atang tanungin 'yon. Nagtaka naman ako nang makitang lumungkot bigla ang mukha nito.

“Noong tatlong gulang ang Master Luke ay nabawian ng buhay ang Duchess dahil bigla itong inatake sa puso habang nagkakasiyahan sila ng Master sa may hardin.” Pagsisimula nito. “Sobrang galit na galit ang Duke noon dahil hindi ito naniniwalang inatake ang Duchess kundi may naglason dito tatlong taon na ang lumipas pero hindi pa rin mahuli kung sino ang gumawa no'n.” Mahabang paliwanag nito.

Napaisip naman ako bigla dahil do'n. Kung gano'n may naglason sa Duchess pero sinisisi ni Luke ang sarili dahil sa pagkamatay ng kanyang ina samantalang wala naman siyang kinalaman do'n.

Napatigil ako sa pagi-isip nang magsalita ulit si Ellyn.

“Maganda at mabait si Duchess kaya lahat ng tao ay minamahal siya lalong-lalo na ang Duke na hanggang ngayon ay hindi parin nagpapakasal ulit.”

Hindi ko naman maiwasang mapaisip kung gusto ng mga tao ang Duchess ay bakit may nagtakang pumatay dito? Hindi kaya dahil kay Duke Lucius? Dahil balita ko dati ay hindi gusto ng mga tao ang Duke dahil sa striktong pamamahala nito pero kahit gano'n ay kundi dahil sakanya ay hindi magiging mapayapa ang Clemence.

“Kung gano'n bakit inampon ako ng Duke?” Inosenteng tanong ko nagtaka naman ako nang makitang mukhang nagulat ito pero ngumiti din kalaunan.

Bakit naging gano'n ang ekspresyon n'ya? Did I say something wrong?

“Matagal ng gusto ng Duchess ang magkaroon sila ng Duke ng anak na babae akala nila ay magiging babae ang Master Luke kaya tuwang-tuwa ang Duchess noon pero kahit na si Master Luke ang lumabas sa sinapupunan nito ay minahal padin ito ng Duchess ng buong-buo.” Nakangiting pagke-kwento nito mukhang gustong-gusto nga talaga ng mga tao ang Duchess.

Nakakalungkot lang at namatay ito na hindi man lang alam kung sino ang pumatay sakanya.

Kaya ba inampon ako ng Duke dahil sa kagustuhan ng Duchess na magkaanak ng babae? Pero, wala na ito kaya bakit inampon niya parin ako? Mukhang gano'n niya talaga ka-mahal ang Duchess kahit na patay na ito.

“Ayan, tapos na!”

Napalingon ako sa salamin na nasa harap ko hindi ko maiwasang mapamangha dahil sa pagkaka-ayos sa 'kin ni Ellyn. Ngayon ko lang napansing may maganda din pala akong tinataglay.

Malayong-malayo ang itsura ko ngayon ko kaysa sa buhay ko noon ngayon lang ako nakasuot ng magaganda at mamahaling damit, sapatos, at alahas. Hindi ko aakalaing mararanasan ko ang ganitong mga bagay.

“Ihahanda ko na po ang meryenda niyo hintayin niyo ako, my lady.” Paalam ni Ellyn bago lumabas ng kwarto umupo muna ako sa kama at nagmumuni-muni habang hinihintay si Ellyn.

Sampong minuto na ang nakakalipas ay wala pa 'rin ito at kumakalam na ang sikmura ko. Dahil hindi ko na makayanan ang gutom ay napagpasyahan ko nang lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina ng mansyon.

Darn it!

Nakalimutan kong nasa ibang bahagi pala ng mansyon ang kwarto ko at hindi ko pa kabisado ang pasikot-sikot sa mansyon isang buwan na akong nakatira dito pero hindi ko inabalang kabisaduhin ang lugar sa mansyon dahil lagi namang nakabuntot sa akin si Ellyn.

At nagsisi na ako ngayon kung bakit hindi ko kinabisado, basta't ang alam ko lang ay nasa malaking hallway ako at naglalakad lang kahit na hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ko.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang may makabangga akong matigas na bagay nakayuko kasi ako habang naglalakad dahil natutuwa ako sa mga nakaukit sa sahig ng hallway.

Napatingala pa ako sa sobrang tangkad ng nakabangga ko. Na pinagsisihan ko rin kung bakit tiningnan ko pa ito.

Para akong tinakasan ng dugo dahil si Brother Luxius lang naman ang nakabanggaan ko. Hindi ko maiwasang kilabutan dahil sa paraan ng pagtingin nito sa 'kin, napakalamig.

Katulad na katulad nito ang mata ng Duke na kulay asul kaya parehas silang nakakatakot kaysa nila Brother Luke at Lucas na kulay berde ang mga mata na mukhang nakuha nila sa Duchess.

Nanlalaki lang ang mga mata ko habang nakatingin sakanya hindi ako nito pinansin at nilampasan ako.

“A girl should not roam the mansion alone.”

I felt shiver under my spine because of his cold and dark voice na kahit maririnig mo palang ay kikilabutan kana.

Hindi ko makalimutan kung paano ako nito tiningnan, nakakatakot. The way his dangerous looked at me just now like he's going to kill me anytime.

Geez, he's scary! That I don't want to interact with him anymore. No I mean, all of them are scary.

____________________________________________

I Adopted By A Cold Blooded DukeWhere stories live. Discover now