CHAPTER 6

200 17 0
                                    


“Malalaman mo din 'yon pero hindi pa ngayon.”, He said while smiling but I can see the sadness in his eyes.

Hindi ko maiwasang mapa-isip dahil sa sinabi nito. Is it really a big deal being a cold blooded?

“Dad is right.. you're really a genius.”, napakurap-kurap ako dahil hindi ko inaasahan ang bigla nitong pagsalita at saka ko lang napagtanto ang sinabi nito.

Dad? The Duke? Wait.. The Duke said I'm a genius?

“Hmm..”,napataas ang kilay ko nang ipagkrus nito ang dalawang braso at pinatong ang kanang kamay sa may baba na parang may iniisip.

Ngumiti din ito nang may ideyang pumasok sa isip niya. “I'll gonna teach you next time.”

“But first, tutulungan muna kitang makapagsalita ng maayos at hindi nabubulol.”, usal nito.

Napangiti nalang ako nang pilit dahil gusto ko din namang matigil na ang pagbubulol ko. Para hindi narin ako asar-asarin ng Luke na 'yon.


Isang buwan na ang nakakalipas simula noong tumira ako sa mansyon ng Duke at maayos naman ang turing nila sa 'kin maliban kay Luke na hanggang ngayon ay hindi ko pa din napapatino.

At isang buwan n'ya na ring sinisira ang araw ko dahil sa mga pangaasar niya sa 'kin naalala ko noong naglalaro ako sa may hardin ay bigla nalang ako nitong tinapunan bigla ng patay na daga.

Pero naparasuhan din siya ng Duke kahit naman naparasuhan na ang batang 'yon ay hindi padin ito tumitigil.

I'm going to kill that brat?!

Si Brother Luxius naman ay laging wala sa mansyon dahil lagi itong tumutungo sa Gotham dahil may pinapa-asikaso si Duke dito. Sampung taon palang si Brother Luxius pero napaka-responsable na nito, si Brother Lucas naman ay walong taong gulang at ang bunsong si Brother Luke ay anim na taong gulang.

Hindi ko pa masyadong nakaka-usap si Brother Luxius kaya hindi ko alam kung anong ugali nito pero lagi lang itong seryoso, si Brother Lucas naman ay laging mabait sa 'kin at lagi n'ya akong kinwe-kwentuhan ng tungkol sa maheka.

Halos lahat naman ng nandito sa mansyon ay kasundo ko na pati ang mga katulong at iba pang nagta-trabaho dito sa mansyon maliban nalang sa isang tao.

Luke Castillion, that stubborn brat. I want to skin him and eat his eyeballs! He's getting on my nerves.

“My lady!”

Napatigil ako sa paglalaro sa mga bulaklak dito sa hardin nang humihingal na dumating si Ellyn para itong hinahabol ng kung sino.

Pero, nagtaka ako nang makitang nakangiti na parang may magandang nangyare. Mabilis akong tumayo at pinagpag ang bestida kong nadumihan dahil sa mga damuhan ako umupo.

“Bakit, Ellyn?”, nagtatakang tanong ko dito.

Nakakapagsalita na ako ng maayos at hindi bulol. Pasalamat kay Brother Lucas no'ng una ay nahirapan ako dahil kahit anong pilit ko'y nabubulol padin ako.

“May regalo po ang Duke sa inyo, my lady.”, kahit nagtataka'y sumama nalang ako sakanya. Nagtataka ako dahil sa sinabi nitong regalo dumating na siguro ang Duke galing sa Argasd isang linggo din itong nawala dahil may inasikaso siya.

Hindi naman akong tanga para di malaman kung ano 'yon alam kong may magbabadya na namang digmaan. At sigurado akong kasama ang Duke sa digmaan na magaganap.

“Wow!”

Pagdating namin sa kwarto ay bumungad agad samin ang naparaming regalo na sa sobrang dami ay hindi na ito magkasya sa kwarto. Napatanga nalang ako dahil hindi ko inaasahang ganito pala magregalo ang Duke.

Pero, hindi 'yon ang kinagulat ko kundi ang napakaraming candy na nasa mababasaging mesa kaharap ng sofa.

Nagningning ang mga mata ko at agad na pumunta ro'n at kumuha ng napakaraming candy at sabay na sabay na sinubo 'yon hindi pa ako nakuntento at isa-isa akong kumukuha ng iba't-ibang klaseng candy.

Alam kong madumi na ang mukha ko dahil sa kumalat na tsokolate sa bibig ko. Samantalang si Ellyn naman ay masaya lang akong pinapanood habang kumakain.

“I think you like it a lot.”, sa sobrang abala ko sa pagkain ay hindi ko napansing nakapasok na pala siya sa kwarto, ngumiti lang ako ng matamis sakanya at tinuloy na ang pagkain.

Pakiramdam kong tinitigan lang ako nito pero hindi ko 'yon pinansin ngayon lang ako nakatikim ng ganito karaming candy kaya susulitin ko na.

Napatigil lang ako nang maalala kung bakit ginagawa ng Duke sa 'kin ito kung bakit mabait siya sa 'kin, hindi kaya may kailangan siya sa kin? Pero wala naman akong maiibigay sakanya dahil wala namang espesyal sakin.

Nakita kong nagtaka ito dahil tumigil ako pero nalipat ang tingin ko sa likuran niya nang makitang may taong nanonood sa 'kin bukod sakanila.

Si Luke. Nakasilip lang ito sa may pinto nang makita nitong nakatingin ako sakanya ay mabilis itong umalis.

Biglang pumasok sa isip ko ang paraan ng tingin nito may inggit at galit ang mga mata nito pero hindi lang iyon ang nakita ko kundi ang malungkot din nitong mukha.

Naiinggit ba s'ya sa 'kin dahil sa Duke? Dati ko pa alam 'yon kaya lagi niya akong inaaway pero iba ngayon dahil mas malungkot ang mukha nito.

Hindi ba tinatrato rin siya ng Duke gaya 'ko?

___

I Adopted By A Cold Blooded DukeWhere stories live. Discover now