CHAPTER 10

198 20 0
                                    


“Open your mouth.”


Napabalik ako sa ulirat nang bigla itong magsalita nang mapagtanto ang sinabi nito'y mabilis kong binuka ang bibig dahil sa utos nito.


“Hmp.” Nagulat ako ng bigla nalang nitong sinubo ang tart sa bibig ko napansin niya atang kanina ko pa gustong kainin 'yon. Mabait din pala ang Duke.


Pero, pangalawang beses niya na itong ginawa sa 'kin hindi kaya habit niya nang magsubo ng pagkain sa ibang tao. Satuwing nai-space out ako ay ginagawa niya 'yon napangiti nalang ako at masayang nginuya ang pagkain sa bibig ko.


Hindi rin nagtagal ito dahil may aasikasuhin pa ito sa opisina niya. Masaya lang ako habang naglalakad sa mansyon dahil sa nangyare kanina sa hardin kasama ang Duke kahit na wala itong pinapakitang emosyon ay alam kong mabait ito at malayong malayo sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sakanya.




Mukhang pinagsisihan ko na ang sinabi ko kanina dahil kasalukuyang nasa hapag ako ngayon kasama ang Duke at ang tatlo kong kapatid para maghapunan.


Hindi ako masaya dahil sa kasama ko sila kundi dahil sa mga katulong naka-assign ngayon sa hapag para maghanda. Hindi kasi sila Ellyn at ang ibang mga katulong na kasundo ko ang nandito ngayon kundi ang mga katulong ng mayordoma ng mansyon na 'to.


Si Madam Olivia na laging mainitin ang ulo at namana ata sa mga katulong na hinahawak niya ang ugali niya ayaw kasi nito sa 'kin napansin ko 'yon noong unang lipat ko rito sa mansyon.


Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw sa 'kin nito bigla ko tuloy naalala noong unang lipat ko dito ayaw nito sa 'kin dahil isa lamang akong mahirap kaya satuwing naglalandas ang kapalaran namin ay lagi lamang akong binibigyan nito ng nangdidiri na tingin.


Katulad ngayon, buti sana kung ang katulong na hawak niya lang ang nandito pero pati siya ay naghahanda rin hindi na ako naiinis dahil sanay naman sa mga ganitong bagay dahil pangalawang buhay ko na ito.


Kada araw ay nagpapalit ng mga katulong sa mansyon kaya hindi ko ngayon kasama si Ellyn kaya nalulungkot ako.


“Beatrice.”


Napabalik ako sa ulirat nang tawagin ako ng Duke hindi ko ata namalayang nagi-space out na pala ako hindi ko maiwasang mapayuko sa hiya nang mapansing nasa akin ang atensyon nilang lahat.


Napairap ako sa utak ko nang makita ang mga nakakainis na mukha ng mga katulong gumagawa sila ng ekspresyon na nakakainis habang hindi nakatingin ang Duke.


Paano kaya kung malaman ng Duke ang mga ginagawa nila? Napangisi ako sa isip dahil do'n.


“Yes?” I smiled sweetly.


“Are you okay?” Hindi ko pinahalatang ako nagulat ako dahil sa tanong nito at ngumiti lang ng inosente.


“I'm fine, Dad. Thank you for worrying to me.” Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa mukha nito napapangiti nalang ako dahil hindi ko inaasahang tatanungin niya ako kahit kailan ay walang nagtanong sa 'kin kung ayos lang ba ako kaya gano'n nalang ang gulat ko.


Isang tikhim ang nagpatigil sa'min kaya mabilis kaming napalingon sa gawi ni Madam Olivia strikto ang mukha nito habang may sinenyas sa mga katulong.


Mabilis silang sumunod at naglapag na ng pagkain sa hapag.


“Let's eat.”


Nagsimula na silang kumain samantalang ako ay nakatitig lang sa platong may lamang pagkain sa harap ko.


Napakuyom ang kamao ko nang maramdaman ang ngisi ni Madam Olivia sa likuran ko. Nanadya ba s'ya?


Ang pagkain lang namang nasa harap ko ay lumang steak maganda itong tingnan sa panlabas pero maamoy mo ang baho ng lumang karne do'n.


Sinadya ba nilang ihanda ito sa 'kin ng hindi nalalaman ng Duke? This is bullshit.


Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang kutsara at sinubo ang pagkain ininda ko ang pangit ng lasa nito ayaw kong mapahiya sa Duke at paalisin ako sa mansyon dahil sa may hindi ako ginawang utos.


Hindi ngayon na may matititarahan na akong maayos na lugar at makakain na masarap na pagkain. Hindi ngayon..


“Uhk!”


Hindi ko na nakayanan at sumuka na ako sa harap nila nakita kong napasinghap sila sa gulat dahil sa ginawa ko. Hindi ito ang unang beses na binigyan nila ako ng pagkain hindi na bago sa 'kin ang kumain ng mga ganitong sirang pagkain dahil mas malala pa ang naranasan ko sa puder ng Count kaysa dito.


Pero.. mukhang mas sira ata ang binigay nila sa'king pagkain at hindi nakayanan ng sikmura ko.


Bago matumba at mawalan ng malay ay nakita kong nagaalalang papalapit sa'kin ang Duke at ang tatlo habang namumutla lang ang mukhang nakatingin sa 'kin si Madam Olivia at ang ibang katulong.


Hindi ba ito ang gusto nila? Bakit ganyan ang mga reaksyon nila?


“Call the doctor now!” Nagpupuyos sa galit na utos ng Duke sa butler nitong si Simon habang nagaalala lang na dinaluhan ako.


Hindi ko na nakayanan at nandilim na ang paningin ko.


Am I going to die now?


___________________________________________

I Adopted By A Cold Blooded DukeWhere stories live. Discover now