CHAPTER 7

197 17 0
                                    


Beatrice

Lumipas ang tatlong araw at napansin kong may kakaiba sa mansyon dahil hindi na ako inaasar at inaaway ni Luke na lagi nitong ginagawa sa 'kin simula no'ng nangyare noong isang araw.

Naging tahimik nadin ito at hindi na maingay kaya nagtataka ang ibang mga katulong sa bigla nitong inasal pero may natutuwa rin sakanila dahil nagbago na ito.

But, it's different to me alam kong may mali at gusto kong malaman kung ano 'yon. Akmang liliko na ako papunta sana sa may kusina nang makita kong patungo si Luke sa labas.

“Ellyn, pupunta lang ako sa garden.” Nakangiting paalam ko dito at hindi na hinintay na sumagot ito at tumatakbong umalis na at sinundan si Luke.

Nakita kong patungo ito sa hardin, nang makakita ito ng mape-pwestuhan ay umupo ito sa may damuhan nagtago naman ako sa mga naglalakihang bulaklak sa likod nito.

Nagulat ako nang makitang walang pakialam nitong pinitas ang isang bulaklak na paborito at inaalagaan ko, tinatanggal niya ang mga petals nito na parang binubuntong n'ya ang galit doon.

Naalarma na ako nang akmang mamimitas pa siya mabilis akong lumabas sa tinataguan ko dahilan para makagawa ito ng ingay para mapalingon siya sa gawi ko.

Nakita kong nagulat siya pati rin naman ako, pero natauhan din kaya mabilis itong tumayo sa kinauupuan niya.

“What are you doing here?” Nakakatakot ang ekspresyon nito kaya hindi ko maiwasang kilabutan unang beses ko s'yang makitang ganito dahil kadalasan ay mapangasar ang mukha nito lagi.

Pero, iba ngayon dahil para naging ibang tao ito. Naalala ko bigla ang ginawa nito sa mga bulaklak kaya ginantihan ko rin siya ng tingin.

“I said what are you doing here?!” Madilim ang mukhang tanong nito sa 'kin bago lumapit sa pwesto ko at mahigpit na hinawakan ang magkabilang braso ko.

Hindi ko pinahalata sakanyang nasasaktan ako at ginantihan lang s'ya ng matalim na tingin. I knew it, may problema siya dahil hindi naman siya aarte ng ganito kung wala. At alam kong may kinalaman ako do'n.

“Ikaw! Anong ginagawa mo dito?!” Inis na sigaw ko sakanya pabalik, nakita kong nagulat ito dahil sa ginawa ko dahil unang beses ako nitong marinig na sumigaw pero hindi ko na 'yon pinansin at naiiyak na napadako ang tingin sa bulaklak na binaboy nito.

“You..”

“Hey, you destroyed my flowers!” Naiinis na sabi ko pero inismiran niya lang ako na parang wala siyang pakialam.

Damn, this brat..

“You piece of—” Napatakip ako sa bibig ko nang akmang mumurahin ko sana siya nakalimutan kong hindi ko na pala siya pwedeng mura-murahin ngayon dahil maayos na akong magsalita kaya siguradong maiintindihan niya na ang mga sasabihin ko.

“Umalis kana dito.” He said calmly at umupo ulit sa pwesto niya kanina napairap nalang ako at hindi nakinig sa sinabi niya at matigas ang ulong umupo sa tabi niya.

Ayaw kong umalis mamaya maubos na 'tong mga bulaklak kakapitas niya. My poor flowers.

“W-What are you doing?!” Inis na napatakip ako sa tenga ko dahil sa sigaw nito nang mapansing hindi pa ako umaalis.

Bakit ba sigaw ng sigaw 'to? Nandito lang naman ako sa tabi niya, duh. Ugh, my ears hurts.

“Nakaupo?” Inosenteng sagot ko sa tanong n'ya.
Pero, nakangiwing binalingan lang ako nito ng tingin.

Bakit ba kasi nandito pa ako? Dapat kanina pa umalis na ako at iniwan ang batang 'to pero hindi naman kaya ng konsensya ko na pabayaan nalang siya.

“Just leave me alone.” Hindi ko siya pinakinggan at nanatiling nakaupo lang sa tabi n'ya.

Akmang may sasabihin pa ito kaya mabilis kong kinuha sa bulsa ko ang candy na kakainin ko sana dito sa hardin pero ibibigay ko nalang sakanya at mabilis na isinubo ito sakanya para manahimik na siya.

“Ano 'to?” Nakakunot ang noong tanong nito habang nginunguya ang candy'ng sinubo ko sakanya akala ko'y mananahimik na siya dahil binigyan ko na siya.

Pero, sadyang maingay talaga ang isang 'to!

I shrugged. “Candy?” Pilosopong sagot ko ulit sakanya. Bakit ba lagi niyang tinatanong ang obvious namang mga bagay?

“I know it, stupid.” He whined. I just rolled my eyes to him. Yeah, i know right.

Saglit naman kaming binalot ng katahimikan at naputol lang 'yon ng magsalita siya ulit.

“Are you not afraid of me?” Seryosong tanong niya umiling naman ako kaya hindi makapaniwalang tiningnan ako nito.

“Why not?!” Parang batang sigaw nito sa 'kin habang niyuyuyog ang balikat ko, napapangiwi nalang ako dahil sa inaasal niya. Seriously, what's with this childish brat?

“You're weird.”

And you're a brat.. Napalingon ako sakanya nang maalala ko kung bakit ganyan ang inaasal niya dahil 'yon sa pagtrato sa 'kin ng Duke. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n nalang ang lungkot at inggit n'ya samantalang hindi dapat siya mainggit sa 'kin dahil ampon lang naman ako.

“Naiinggit kaba sa 'kin?” Walang paliguygoy na tanong ko sakanya nakita kong napa-iwas ito ng tingin sa 'kin. I knew it.

“You don't have to be jealous of me.” Seryosong usal ko sakanya nakita kong nagningning ang mga mata nito na parang namamangha dahil sa inaasal ko.

Seriously? Nagu-usap kami ng seryoso dito? Duh.

He cleared his throat when he realized what I just said. “B-Bakit naman ako maiinggit sa 'yo. Sino ka ba?” Liar. Kahit matapang ang paraan ng pagkakasabi niya ay maririnig mo padin ang pagutal at ang panginginig ng boses niya.

“Hindi ka dapat mainggit sa 'kin dahil may magulang kang katulad ni Duke at may kapatid kadin samantalang ako ay mag-isa lang.” Napalunok ako dahil pakiramdam ko'y tutulo na ang luha ko.

Hindi na dapat ako malungkot sa pagabandona sa akin ng mga magulang ko dahil nabuhay naman akong wala sila at hindi ko na rin silang gugustuhing makita pa sa ginawa nila sa 'kin. Pero hindi ko magawang magalit sakanila dahil alam kong may dahilan kung bakit nila ginawa 'yon.

Napabalik lang ako sa diwa ko nang maramdamang nakatitig lang siya sa 'kin. He gave me an unexplainable expression na ngayon ko lang nakita sakanya.

“You're a Coastillon now.” Mabilis akong napalingon sakanya nang sabihin niya 'yon.

Namumulang napaiwas agad ito ng tingin nang makitang napalingon ako sakanya. “It means you are part of the family.” Dugtong nito na kinatanga ko lang dahil hindi maiproseso ng utak ko ang sinabi nito.

I'm part of their family? Family. Does I really have a family now? Or they will just abandon me like the Count did before?

“So, you will never be alone again.”

I was shocked because I didn't expect what he said. Is he comforting me? Hindi ba dapat ako ang dapat gumawa no'n sakanya. Teka, bakit ko naman gagawin 'yon? Ugh, i don't know what to do anymore.

Pero sa ibang kadahilanan ay para akong nabunutan ng tinik sa puso ko dahil sa sinabi nito hindi ko din maipaliwanag kung ano bang nararamdaman ko. Wait.. Am I happy?

I Adopted By A Cold Blooded DukeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant