“Anwong pwetsa pwo  ngwayon? (Anong petsa po  ngayon)”, hindi ko maiwasang mahiya dahil sa pagkakabulol ko pero bata pa naman ako ngayon kaya normal lang 'yun.

“Petsa?”, tanong nito nang maintindihan ako habang nakahawak sa baba na parang inaalala kung anong petsa ngayon. “Oktobre 8, 1465.”, sagot nito.

Ibig sabihin tatlong taong-gulang ako ngayon at saktong-sakto pa talaga ang petsa ng pagkamatay ko sa paggising ko ngayon.

“Ngayon din pala ang araw na pipili ka ng gustong mong umampon sayo.”, nakangiting ani ni Madam Lily dahilan para manlaki ang mata ko.

Ngayong bumalik ako sa nakaraan, hindi ko hahayaang mangyare ulit sa 'kin ang trahedyang iyon.

Sinimulan naman akong paliguan at bihisan ni Madam Lily, siya ang nag-alaga sa 'kin dito sa ampunan simula palang ng isilang ako at iwan sa lugar na ito ng tunay kong ina. Simula nang kunin ako ng umampon sa akin ay wala na akong balita sa kanya ang balita ko lang ay nag-asawa na ito.

Huminga muna ako ng malalim bago taas-noong tumungo sa opisina ni Madam Lilian ang namumuno sa ampunan na 'to at ang nakakatandang kapatid ni Madam Lily.

May nilapag naman agad si Madam Lilia sa harapan ko na tatlong papel naglalaman ito ng tatlong mamayaman na may balak na umampon sa 'kin.

Muntik ko pang mapunit ang isang papel sa galit nang makita kung sino ang nakasulat dun.

Count Cassius Buxton, isa nga siyang count ngunit kasama siya sa pinakamababa, nagmamay-ari siya ng limang lupain ngunit lahat ng iyon ay nabili niya lang sa murang halaga dahil wala na silang sapat na salapi dahil palugi na rin ang pamilya nila. At pilit lamang silang pumupunta sa mga okasyon kasama ang ibang noble para umangat ang estado nila.

I don't really understand why I choose this bastard to adopt me. Siguro, dahil bata pa ako noon at hindi alam ang kahihinatnan ng desisyon ko sa hinaharap.

But, It's different now because I will never choose that man.

Inis na inalis ko naman sa kamay ko ang papel na naglalaman ng impormasyon ng lalaking 'yun at lumapit sa isa pang papel, nakita kong nagulat pa sila Madam Lily at Lilian dahil sa biglang inasal ko.

Buti nga at hindi ko 'yon pinunit. Gosh. Pero hindi ko na 'yun pinansin, kumunot naman ang noo ko ng makitang pamilyar ito.

Knight Edward Felstead, ang may pinakamataas na rangko na nagta-trabaho sa palasyo at ang pinaka-pinagkakatiwa­laan ng Emperor ng Clemence. Hindi ko pa ito nakikita at nakakasalimuha dahil hindi naman ito dumadalo ng celebrasyon sa palasyo at balita ko rin napakagaling nito dahil wala pang nakakatalo sa galing nito sa espada labing-walong taon palang ito ng maging knight ibig sabihin ay napakagaling niya talaga dahil 20+ dapat ang edad mo bago maging isang ganap na knight.

Mayroon namang nagsasabing nakakatakot daw ito dahil wala itong pakialam kahit may dumanak na dugo sa paligid niya na parang sanay na ito sa dugo.

Hindi ko naman maiwasang kilabutan dahil doon, siguro pipili nalang ako ng iba. Nakakapagtaka lang bakit kaya gusto niyang mag-ampon ng bata?

Dumako na ako sa pangatlong papel, mabilis namang nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ito.

Duke Lucius Coastillon, ang kinakatakutang duke dito sa Clemence gaya ni Edward ay pinagkakatiwalaan din ito ng Emperor mataas ang posisyon nito kaysa sa Count at Knight. Balita ko wala raw itong sinasanto at gaya ni Knight Edward ay magaling din ito sa espada at nakapatay na ito ng libo-libong tao sa digmaan noon.

At hindi lang 'yon isa din itong cold-blooded kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganun nalang ang tingin sakanya ng mga tao pero hindi ko pa naman siya nakikita at nakakasalimuha kaya hindi ko alam ang mga pinagsasabi nila.

Ang kailangan kong mag-ampon sa akin ay may mataas na posisyon at may kapangyarihan para makapag-higante sa pamilyang Buxton.

Napalunok naman ako ng makitang ang Duke lang ang pinakamataas sa kanilang tatlo. Kahit kinakabahan ay mabilis kong inabot kay Madam Lilian ang papel na naglalaman ng impormasyon ni Duke Lucius.

Nakita ko namang namutla bigla ito ng makita kung sino ang pinili ko mas lalo naman akong kinabahan, ganoon ba talaga siya nakakatakot?

Pero, ngumiti rin ito kalaunan nang mapansin nakatingin ako sakanya. I know it's a fake smile.

Dumaan ang araw at ngayon ko na makikita ang Duke, pinapakalma ko lamang ang sarili ko habang nakaupo sa sofa habang hinihintay namin siyang dumating katabi ko si Madam Lily kaya alam kung hindi ako mapapahamak.

Pero, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Tama, kailangan ko siya para maisagawa ang plano kong paghihigante kaya bahala na kung anong kahihinatnan nito.

“His Grace, The Duke of Clemence.”

Napatigil naman ako ng makitang dumating na ito, mabilis naman akong tumayo at yumuko ng makitang ginagawa 'yon nila ni Madam Lily at Lilian.

Sumenyas naman ito kaya umupo na ulit kami nakasuot ito na pang-duke at napansin ko ding kulay abo ang buhok at mata nito, pero hindi iyon ang nakapansin ng mata ko kundi ang paraan ng pagtingin nito, napakalamig.

“Dad, who is she?”, napatigil lang ako ng mapansing may kasama itong tatlong batang lalaki, naestatwa naman ako nang maaalalang may tatlo nga pala itong anak katulad ng Duke ay kulay abo rin ang buhok at mata ng mga ito.

Kung may anak na siya, bakit kailangan niya pang mag-ampon? Geez.

Hindi ko pa maiwasang kilabutan dahil mukhang ang tatlong anak niya ay nagmana rin sakanya, mga walang emosyon ang mukha nila katulad ng kanilang ama.

Gosh, they will be my brothers?

“She will gonna be your baby sister.”, walang emosyong sagot nito sa tanong ng anak niya na satingin ko'y hindi nagkakalayo ang edad namin.

“I don't like her, she's so small.”, saad nito ulit habang seryoso lang ang mukha.

Seriously? I don't like you, too. And he's small like me, duh.

“Stop it, Luke. She's our sister now so be kind to her.”, saway ng isang nitong kapatid na satingin ko ay ang pang-gitnang anak.

Naguusap lamang si Madam Lilian at ang Duke tungkol sa proseso ng pag-ampon sa 'kin hindi ko na inabala pang makinig dahil hindi naman ako interesado.

At hindi rin ako makapag-pokus dahil nasa harap ko ang tatlong magiging kapatid ko kuno. Malamig lang ang tingin na pinupukol nila sa akin, narinig ko dati na may anak nga ang Duke pero hindi ko naman alam na ganito rin ang ugali nila.

I smirked. I will tame these three cold brats and their father of my cuteness. Ang hindi ko lang alam ay dahil sa desisyon ko'y magsisimula ng magkagulo ang buhay ko dahil sa tatlong magkakapatid na ito.

I Adopted By A Cold Blooded DukeWhere stories live. Discover now