PROLOGUE

523 27 0
                                    

Nanghihinang nakahandusay ako sa sahig sa isang madilim na eskinita habang walang tigil na bumubuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng naglalakasang kulog.

Hindi ko maiwasang mapadaing sa sakit dahil sa malakas na pagdampi ng ulan sa katawan 'kong puno ng galos, pasa, at sugat na dulot ng pangaabuso sa 'kin ng mga umampon sa akin.

Sa tuwing naaalala ko ang ginawa nilang pananakit, panggu-gutom, at pagkulong nila sa 'kin na para akong isang hayop ay hindi ko maiwasang mag-apoy sa galit. Sa labing-anim na taon na namumuhay ako sa mundong ito ay wala akong ibang naranasan kundi ang hirap at sakin na dulot nila sa akin.

Pagkatapos nila akong pagsawa-ang saktan ay pinagbili naman nila ako sa ibang mga mamayang pamilya bilang isang alipin na pinapaharapan at ginu-gutom ng mga ito.

Kung sana maayos lang ang pagdesisyon ko noon ay hindi sana mangyayare sa 'kin ito.

“Agh!”

Malakas na daing ko ng humapdi ang sugat na nasa bandang tiyan ko na binaril kanina ng may-ari ng isang ilegal na negosyo kung saan nagbebenta ng mga alipin na pinagsawaan na ng mga amo nila at ibebenta ulit para pahirapan ng paulit-ulit.

Tulad nang nangyare sa 'kin, tumakas ako kanina kaya nabaril ako.

“H-Help..”, nanghihinang paghingi 'ko ng tulong kahit na alam kong wala namang makakarinig at makakakita sa akin dahil nasa isang masikip na eskinita ako at madilim pa sa pwesto ko.

I laughed. Bakit ba aasahan 'kong may tutulong sa 'kin? Kahit naman may makakita sa akin ay papabayaan lang din nila akong mamatay dito dahil lahat ng mayayaman ay pinandidirian ang isang katulad 'kong patapon na alipin.

A tear escaped in my eyes before I slowly close my eyes. Satingin ko ay dito na magtatapos ang buhay ko. Mas mabuti pang mamatay na ako ngayon kaysa patuloy na mabuhay sa impyernong ito.

“Kung may diyos man ay sana bigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay muli..”

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sa 'kin ang nakakasilaw na liwanag dahilan para mapatakip ako sa mukha ko. Nasa langit naba ako? Napahawak naman ako sa mukha ko.

Bakit ang lambot ata ng mukha ko at wala rin akong makapa na sugat o pasa? Hindi rin masakit ang katawan ko.

Nang maka-adjust sa liwanag ay bumungad sa akin ang isang maliit na kwarto na pamilyar sa 'kin.

“AAAHHH!”

Gulat na sigaw ko ng makitang lumiit ang kamay ko na parang naging bata ako ulit. Nang makakita ako ng salamin ay agad akong tumungo roon at tiningnan ang sarili.

Hindi makapaniwalang nakatitig ako ngayon sa harap ng salamin.

Is this me? Did I go back in the past?!

Hanggang ngayon ay nakatitig pa 'rin ako sa salamin at hindi parin makapaniwala sa nangyayare.

“Beatrice?”, napatigil lang ako ng makarinig ng pagkatok sa may pinto at ang isang pamilyar na boses na matagal ko ng hindi naririnig.

“Madwam Lwily! (Madam Lily)”, bulol na tawag ko at sinalibong agad ito ng yakap pagkapasok na pagkapasok palang nito sa pinto.

“Bakit anong nangyare? Narinig kitang sumigaw kanina, umiiyak ka 'ba?”, nagaalalang saad nito habang sinusuri ako ng tingin, mabilis ko namang pinunasan ang luha ko na hindi ko namalayang tumulo kanina.

“Nanaginip ka 'ba ng masama?”, tango nalang ang sinagot ko rito.

Isang napakasamang panaginip. Iyon ang gusto 'kong isagot sakanya pero may pumipigil sa 'kin.

I Adopted By A Cold Blooded DukeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang