"Kaya ka ba missing in action the past few days dahil nagpapatutor ka?" I asked.

"Tutor? Langya, ano ako, kinder?"

"So who's he?"

Nagkatitigan kami ni Unica. At bigla na lang, tumingin siya as lalaki at isang malakas na 'hoy' ang sinigaw niya sa loob ng cafeteria. My eyes widened in disbelief. Nag-init ang pisngi ko sa paglingon ng lahat ng tao sa amin. Lumingon din ang lalaki sa amin na palabas na.

"Oy ikaw, tara dito!" utos ni Unica, still with her loud voice. Tinuro ng lalaki ang sarili niya. "Oo, ikaw nga! Tara dito nananakit na ngalangala ko sa pagsigaw!"

I face palmed.

Paglapit ulit ng lalaki sa pwesto namin, doon lang siya nagsalita. "B-Bakit?" I can sense that he's nervous.

"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ni Unica.

"Uh," tumingin sa akin 'yung lalaki tapos kay Unica. Mahina ang boses ng lalaki na hindi ko na masyadong narinig ang sinabi niyang, "Chino."

"Ano?" malakas ang boses ni Unica. "China?"

"Really, Unica. China for a guy's name?" natatawa kong sabi.

Tinaasan ako ng kilay ni Unica. "Aba malay ko ba kung malakas trip ng magulang nito. Kumusta na 'yung kapatid mong si Japan?"

Natawa ako lalo. Namumula ang pisngi ni Chino – siguradong sa kahihiyan dahil si Unica ay ang babaeng walang kahihiyan. Napapansin ko ring nakatingin sa amin ang ilang tao sa paligid.

"Chino, hayaan mo na 'tong babaeng 'to. Nice meeting you," sabi ko. "I'm Sin."

Yumuko sa akin si Chino at ngumiti. Well, kahit geeky ang itsura, he's cute when he smiles.

"Ah, Chino! Makes sense. Lalaki ka kasi," sabi ni Unica at kumagat ulit sa chicken niya. "Saan 'yung kambal mong si China?"

My day was a tad boring when Unica and I separated ways after lunch. Wala rin kasi si Sir Marco sa school, absent. After class, hindi nakasabay sa akin si Unica dahil may sister emergencies daw siya. I admit, her brothers are hot – pero ang clingy sa kanya. Nakakaloka.

Pagkauwi ko sa bahay, hindi na ako nagulat na nasa bahay si Javier. Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang kakaibang titig niya sa akin at nararamdaman ko pa rin ang paghawak niya sa pisngi ko the other night. Kung hindi lang tumawag si Erica sa phone niya, hindi ko alam kung ano na ang ginawa niya – o ginawa ko.

Siguro kung nagtagal pa, malamang hindi na siya makakabuo ng baby.

Umiwas ako at sinabing hindi mag-didinner. Nag-stay ako sa kwarto dahil hindi ako makakapag-stay sa kitchen, dining or living room nang nakikita ko ang pagmumukha ni Javier. I was scrolling on my phone when someone knocked on my door. I stayed still but after a few seconds, pumasok si Javier.

"Hey."

Sa boses pa lang niya, kinikilabutan na ako.

"You want food?"

"I'm tired. Ayaw kong kumain," sabi ko. Tinago ko ang phone ko sa unan at umayos sa pagkakahiga. Pumikit ako at hinintay na umalis si Javier. When I heard the door closed, doon ko lang napansin na nagpipigil ako ng hininga. Hindi ko malaman kung bakit nakakaramdam ako ng takot kay Javier.

Ngayon lang ata ako nakaramdan ng takot sa isang lalaki.

Akala ko umalis na siya. But shit! Hinawakan niya ako sa braso. Agad akong napaupo at lumayo sa kanya. Nagulat din siya sa reaksyon ko.

"What do you need?" halos naasar na tanong ko.

Tinitigan niya ako sandali. Gusto kong sumigaw pero siguradong maririnig ni Erica ang sigaw ko. She'll ask what happened. At ayaw kong magsinungaling sa kanya. Ayaw ko ring malungkot siya.

"I just want us to talk."

Kumunot ang noo ko. "We can talk outside my room. This is my sanctuary. Private."

"Sinteya." Naupo siya sa gilid ng kama ko kaya lalo akong lumayo. Binibigyan ko ng atensyon ang bawat paggalaw niya just to know what I'll react to it.

"What?"

"Galit ka ba sa akin?"

"No. As long as you're far away from me, I'm okay."

Napansin ko ang paglunok niya. Inilibot niya ang tingin sa kwarto ko. Tumigil ang paningin niya sa cork board na may nakadikit na pictures, letters at kung anu-ano pang memories. He smiled. Tumayo siya kaya napatayo rin ako sa kabilang gilid ng kama ko.

I just want to be away from him.

"Javier?"

Napatingin kaming dalawa sa may pintuan dahil sa boses ni Erica na nasa ibaba. Bumuntong hininga si Javier at ngumiti sa akin.

"Will you be okay when I marry your mother?" he asked. "I hope you get used to my presence, Sinteya."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Narinig ko ulit ang boses ni Erica na tinatanong kung nasaan si Javier. Narinig ko ang mga yabag ni Erica paakyat ng hagdan. Nagmadaling lumabas ng kwarto ko si Javier.

"Ang tagal mo namang mag-CR," I heard Erica said after a few minutes.

Then I heard him say, "nakakaligaw ang second floor, babe. Ang tagal kong nahanap 'yung CR."

Napaupo ako sa kama at natulala. Nanginginig din ang kamay ko. Wala akong ibang maisip kung hindi isang salita lang.

Shit.

Nagpatukso (NagpaSeries #1)Where stories live. Discover now