FOUR

12 1 0
                                    

_~^~_

_-_ Woods_-_

"Nasan ako? Tulong! Sino kayo? Nandito ako sa lugar na hindi ko alam kung saan. Nakaupo ako sa isang bangko. Nakatali ang aking kamay. Kayat wala akong kakayaang makatakas. Tinanggal nila ang blindfold ko dahilan para makita ko sila.

"Surprise": Sabi nila na may pagkaplastic na ngiti.

"Bakit nyo ginagawa sakin ito? . Wala akong kasalanan." Natatakot na ako at nagiisip kung paano makakatakas.

"Hindi mo ba ako na miss. Ako nga miss na miss kita. Kaya nga may inihanda akong party sayo. Pero bakit ganun para namang hindi mo nagustuhan. Haytssss paano ba?"

Lumapit sya sakin na may hawak na kutsilyo. Parang gagawa sya ng galaw na ikamamatay ko.

"Huwag mong gawin sakin ito. Wala akong kasalanan." Umiiyak na ako at nagmamakaawa sa kanila.

Nagtawanan silang lahat. At nagtataka ako kung bakit nila ginagawa sakin ito.

"Ahhhh wala. Ay!!!!!!! Oo nga wala ka nga palang ginawa. Wala kang ginawa kundi ang tumayo at hayaan ang mangyayari. Ngayon katapusan mo na."

Pinagbantaan nya akong patayin. Ngunit hindi nya itinuloy.

"For second thought. Huwag na lang pala. Ang pangit naman kung mamatay ka ng dahil lang sa kutsilyo. Mas maganda siguro kung ikaw mismo ang papatay sayo."

"Please just let me go. Hindi nyo alam ang ginagawa nyo. Maari kayong makulong sa ginagawa nyo."

"Makulong. Hey guys!!!! Narinig nyo ba, makulong daw. Tch. Takot na lang ng mga iyon samin. Naririnig mo ba ang sinasabi mo. O sadyang bingi ka lang. Ey sabagay bingi ka naman talaga. Nagbibingi-bingihan ka lang sa nangyari."

Umalis sya na tumatawa. At nilagay ulit nila ang blindfold ko sa mata ko.

"Sandali. Teka!!! Please. Huwag mong gawin sakin ito........!!!!!!! Wala akong kasalanan."

•=• •=• •=•

"Couz gising nanaginip ka na naman. "Napayakap ako kay couz na takot na takot.

"Napaniginapan mo na naman yung babae?"

"Hindi couz iba. Iba yung napanaginipan ko ngayon. Puno ng galit at poot. Alam mo yun walang kapatawaran."

"Ano bang napanaginipan mo?"

"Nasa isa akong lugar. I'm not sure kung saan basta parang nasa warehouse ako ganun. Tapos nakablindfold ako. Hanggang sa tanggalin nila yung blindfold ko. Kaso Hindi ko namukhaan yung babae. Basta familiar yung boses nya. Parang narinig ko na kaso Hindi ko alam kung saan at kailan.
Tapos pinagtangkaan nila akong patayin. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nagsisigaw ako ngunit walang nakakarinig. Tas pinagtatawanan lang nila ako. Alam mo yun couz para silang psychopath na walang takot pumatay ano mang oras nilang gusto. Pinagsabihan ko pa nga sila ngunit, hindi nila ako pinapakinggan. Basta tuloy lang sila sa ginagawa nila. Ayun after nun umalis na sila hanggang sa nagising na ako. Hindi ko talaga maintindihan couz. Kasi parang totoo, ehh. Lahat ng napanaginipan ko parang totoo. Hindi man totoo, pero parang mangyayari. "

"Grabe yung napanaginapan mo. Basta huwag mo na lang isipin yan baka ma-stress ka pa. Diba nga bawal sayo ang ma-stress. Huwag kang mag-alala panaginip lang yan. O sya bumababa ka na at may inihanda na akong breakfast."

"Sige couz."

Umalis si coz ng kwarto. Buti na lang talaga at nandyan sya para sakin.

Bumababa na ako at nag breakfast. After nun, inihanda ko na yung gamit ko at saka naligo.

_-_&_-_:)

Bumaba na kami ng condo at sumakay na sa car. Tulala ako sa loob at iniisip ko parin yung panaginip ko.

"O couz diba sabi ko sayo Huwag mo ng kaisipin yun. Panaginip lang yun couz meaning Hindi totoo ok. Kapag ikaw na stress sa ginagawa mo bahala ka."

"Pero couz paano kung totoo o magkatotoo?"

"Ano ka ba parang sira toh. Ang panaginip, panaginip meaning walang katotohanan."

Napaisip na lang ako. Di ko namalayan na nasa school na pala kami. Bumaba na kami sa car at pumasok na sa gate. Nagulat ako kasi nagkakagulo sa campus.

"Sis nabalitaan mo na ba? May nagpakamatay daw sa rooftop."

"Huh!! Sino daw?"

"Hindi ko alam sis pero sabi Humms student daw."

"Halika tingnan natin"

Narinig namin yung nagkwentuhan. At kinabahan na kami sa nangyari. Lalo pa akong kinabahan kasi Humms student. Pinuntahan namin yung scene. Madaming student. Hindi na namin naabutan kasi kinuha na ng mga pulis yung corspe nung nag suicide.

"Student, please go back to your designated room now!!!!! " said the teacher.

"Grabe yung nangyari kay amanda. Hindi ko alam na she's in depression." Narinig ko sa nag-uusap. Kinabahan ako, kasi may kaklase akong amanda.

"Hindi kaya si amanda talaga yun."

"Kilala mo couz?"

"Oo kaklase ko."

Pumasok na ako sa room. At maingay silang lahat. Lumapit sakin si Elle.

"Nabalitaan mo na ba?"

"Ang ano?"

"Amanda is dead. Nag suicide sya sa rooftop."

"Huh!!!!!! So tama na nga yung narinig ko. Bakit? Paano. Anong nangyari ehhh, kahapon lang masaya naman sya."

"Usap usapan kasi na depression ang kinamatay nya. Alam mo naman diba. Marami ang nagpapakamatay kapag depress na ang isang tao."

"Grabe naman. Kaawa naman sya. Hindi man lang sya nabigyan ng advice. E di sana kung na council yun di nya gagawin yun. Sayang kasi mukha pa naman syang mabait. May balak pa nga akong kaibiganin sya. Pero teka ano bang naging dahilan nya bakit sya nagkaganun."

"Wait tingnan mo itong last post nya before nyang gawin yung suicide."

Tiningnan ko yung last post nya at based dun sa post about family. Rant for his father. Kaso Hindi na ganun ka detail. Basta ganun lang...!!!

"So sad. Grabe first time ba ng school na maencounter yung ganung scene.? "

"Oo. First time lang nangyari ito at dito pa talaga sa school nangyari yung scene."

Biglang may pumasok na teacher sa room dahilan para matigil yung kwentuhan namin.

"Ok class. I know na aware na kayo sa nangyari about sa classmate nyo na si amanda. So napagusapan ng school na walang anumang litrato ang i-popost sa Facebook. Nang sa ganun Hindi na kumalat ang issue na ito. So ano ang pwedeng mangyari to those student who post any pictures related to that scene. Ganto yun. Automatically drop out. As in Hindi ka na makakapasok sa school na ito. At tingnan lang natin kung tatanggapin ka pa sa iba ng school. Kung may record kang ganto. Wala!!!!! Walang tatanggap sayong ibang school. Maliwanag ba class!!!! Maliwanag??????. Ok eto pa hindi lang yan. Ang mahuli na pinaguusapan yung nangyari sa classmate nyo at pinagchichiisam. Katulad ng naunang parusa. Ganun din ang mangyayari....!!!!!! Kayat inuulit ko. Ang lumabag sa mga nabanggit....!!!! DROP OUT!!!!! "

Biglang pumasok sa isip ko yung napanaginipan ko.

"For second thought. Huwag na lang pala. Ang pangit naman kung mamatay ka ng dahil lang sa kutsilyo. Mas maganda siguro kung ikaw mismo ang papatay sayo."

"Hindi kaya connected itong nangyari sa napanaginipan ko. Na sya mismo ang papatay sa sarili nya.......!!!!! Hindi. Hindi. Hindi naman. Siguro nagkataon lang ang lahat. "Sa isip ko lang sinabi ang mga bagay na iyan.

_____________________blacklydner

Thank you so much.

THE NIGHTMARE THAT YOU CANNOT ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon