FEW LAST PAGES

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tama ka, Alora." Ibinaba niya ang kanina pa niyang nakakrus na mga braso at ibinaba bago magtuloy sa sasabihin. "Anim pahina nalang na matatapos ang writer sa kwentong 'to, katulad ng palagi niyang ginagawa."


"Hindi ba mas maganda 'yon? Matatapos na 'yung kalbaryo ko. Makakapamuhay na 'ko ng normal?" Bumaba ako sa pagkakaupo sa isle table at ibinaba ang comic sa ibabaw no'n.


"Hindi mo pa rin ba naiintindihan, Alora? Hindi ka magiging normal, kayo ni Hiro, hindi rin.." Unti-unting humina ang tono ng pananalita niya, "Kapag natapos na ang ilang pahina, buburahin ka niya, ang lahat ng nasa mundong ito. Maswerte kung iguguhit ka ulit, paano kung hindi?"


"Ganito ka rin ba sa past life mo? Nag-iisa?" Hindi ko maiwasang hindi na siya tanungin. Kapag tungkol sa mundong ito, parang napaka-istrikto niya.


"Hindi. Kagaya mo, nagmahal din ako, hindi kami maaring magsama, katulad mo sinaway ko ang writer, pero sa huli pareho lang kaming nagkahiwalay." Habang nagsasalita si Curry fairy ay parang may lungkot sa mga mata niya.



*THE STAGE*


Bigla nalang ako napamulat ng mga mata at nakita na nasa stage na naman ako. I am here in Trevor's house. Tumingin din ako sa bintana at natanaw na gabi na pala.


Nasa table ako kasama si Daddy at ang pamilya ni Trevor. Nagkatinginan kami ngunit pareho rin kaming umiwas sa isa't isa.


What is it now?


"Magbalae na tayo ngayon, hindi mo na'ko dapat tinatawag na Mr. Sebastian!" Narinig kong nagtatawanan si Tito Morgan at si Daddy.


"Tama ka naman, pero dapat kami ang pumupunta sa inyo para makipagmanhikan. I already planned it, but since you're here, sa tingin ko wala na kaming magagawa, hindi ba Trevor?" Ani Tito Morgan at binalingan si Trevor, nang hindi agad tumalima ito ay hindi siya inalisan ng tingin.


Nagulat ang lahat ng biglang padabog na tumayo si Trevor at pabagsak na inilagay sa table ang bread knife na hawak at parang galit na galit.


"Trevor? Anong ginagawa mo?" Sinamaan ko siya ng tingin at parang sinasabing itigil ang ginagawa niya.


Imbis na tumigil ay binato niya pa ang vase na nasa gitna ng table at nagsisisigaw.


"What? I thought you want to change your life? Gagawin ko na 'yon para sa'yo," He said while catching his breath.


"Trevor!" I shout at him and clenched my fist.


"Trevor! Anong ginagawa mo?" Napatayo si Tito Morgan at akmang susuntukin siya.


I heard the clicking or flipping sound again. Tiningnan ko ang paligid, biglang bumalik sa dati ang lahat. Trevor can't change the stage, he is also controlled because he is one of the main characters.


"Alora, para sa'yo. It's just a simple gift but I know you'll gonna love it." Tumayo si Trevor at nakangiting nakatingin sa akin habang inaabot ng maid nila ang malaking pink na paper bag na personal naman niyang iniabot sa'kin.


"Wow!" Reaksyon ko nang masilip ang laman ng bag. It is a white dress. "Trevor... Hindi mo naman kailangang gawin 'yan." I said that sweetly.


"O, siya, kumain na muna tayo at lalamig ang mga pagkain, hindi ba balae?" Nakuha pang magbiro ni Tita Venna at sinenyasan ang mga katulong na i-serve ang mga pagkain.


"Alora," tinawag ako ulit ni Trevor at paluhod na lumapit sa akin.


Wait, what? Is he going to propose in front of our parents?



He picks something on his pocket, a small box was right in front of me. I don't know but right now in this stage, my heart is pounding.


"Will you marry me?" That question makes me a bit uncomfortable in my inner self. But I have no choice but to go with the flow.

Tiningnan ko si Daddy, na parang nagtatanong pa. Masaya siyang nakangiti sa amin kaya naman binalingan ko ulit si Trevor ng tingin bago tuluyang sumagot.


"Yes!" Masayang sagot ko at walang anu-ano'y isinuot ang diamond ring sa daliri ko.


"It looks perfect on you," He complimented it and stares at my finger for seconds.



*THE STAGE ENDS*


Natapos na ang stage at mabilis kong hinablot ang kamay ko sa harap ni Trevor at dismayado naman siyang tumayo.


Maaga ring natapos ang kwentuhan at Kainan at hinatid kami ni Tito Morgan, Gian at Trevor sa garahe nila sa labas.



"I can't wait for this wedding hija, finally, iisang pamilya na tayo." Tito Morgan said with excitement.


Hindi na rin siguro siya makapaghintay na makuha ang mga kayamanan namin, psh.



"Tss," Trevor mumbled. Sinamaan niya ulit ng tingin ang daddy niya ngunit pinabayaan na lamang siya nito.



"Mauna na kami ni Alora, We'll talk further about the date of wedding, okay?" Nginitian ni Daddy si Trevor at marahang tinapik ang balikat nito.



Habang nasa sasakyan kami pauwi ay unti-unti akong nakakaramdam ng antok. This day too much for me, parang sobrang daming nangyayari lately.



*FLASHBACK* (Third person's point of view)



Nagdalamhati si Binibining Alondra dahil sa nangyari kay Ginoong Lorenzo, sa tingin niya ay siya talaga ang may kasalanan sa pagkamatay nito.



"K-Kung hindi ko sana iniabot ang inumin na iyon, hindi sana siya mamamatay. Kasalanan ko ang lahat ama!" Halos ngumawa si Alondra sa ama, at nakaluhod sa paanan nito.



"Tumayo ka, Alondra." Mahinahong utos ng ama nito na agad naman niyang sinunod. "Tandaan mong kasunduan tayo sa pamilya ni Ginoong Santiago dahil ipinagtanggol ka nila sa akusasyong paglason sa Heneral, hindi ba?"



Tumango ang dalaga ngunit sa puso niya ay ayaw talaga niyang makasal sa binata. Hindi niya namamalayang sa paglipas ng mga araw ay hinahanap niya na ang binatang kanang kamay ni Santiago.



Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay may biglang kumatok sa labas ng kanilang tirahan. Nagpunas ng luha si Alondra at binuksan naman ng ama niya ang pintuan.



Bumungad sa kanya ang kanyang bayani. Naalala niyang ito ang palaging kasama niya sa bawat oras, kasama niya kanyang totoong sarili.



ITUTULOY...

Author's note:

Sorry for very late update. Nagbabalik muli ako para tapusin ang LIFY. Please leave your reactions, I'd like to read them all. 💙




Look, I found you (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon