Agad akong umirap, sa araw araw ay palala ng palala sya.

"Tumigil ka nga, I don't remember daydreaming about you."

Bumalik ako nang malamang nalagpasan ko na ang silid na papasukan ko. Damn that moan. I can't even concentrate.

"Saan ka naman pupunta?"

"Papasok na sa klase. Tanga ka ba o sadyang bobo lang?" I got irritated, I don't know why either.

"Tanga ka ba o sadyang bobo lang?" pang gagaya nya sa akin. "sinabi kaninang wala si Mr. Amir sa klase, hindi sya pumasok."

Tumango tango nalang ako sa sinabi nya, hindi ko alam.

"Tara, may nakita akong maliit na falls doon. Punta tayo."

Falls? Water, pinigilan ko sya dahil pumunta pa ako sa locker ko para kumuha ng damit. Gusto kong lumangoy.

"Bakit magdadala ka pa kasi ng ganyan?" I asked him. Nakahawak sya ng tatlong pirasong pagkain.

"Baka nga kasi magutom ka."

Apat na minuto ata ang paglalakad namin, maraming damo sa paligid pero pansin ko parin ang daan na walang damo. I think dinaan na ito palagi.

"Baka naman, private property na yang pupuntahan natin. Kasuhan pa tayo ng trespassing." sabi ko habang nakatingin sa damuhan.

"Hindi yan."

Ilang minuto pa ang paglalakad namin nang makita ko nga ang falls na sinasabi nya. Maganda iyon, nakita ko rin ang tree house na nasa tabi ng talon, it's beautiful.

"Nilinis ko na ito noong sem break, ngayon ko lang naipakita."

Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko. Maganda ang paligid, may nakita akong mga upuan at mesa sa isang gilid. Maganda ang bahay na nasa taas ng puno, halatang pinaghirapan.

"Isang linggo mo lang itong ginawa?" hindi ko pinigilan ang pagtatanong ko, it's beautiful as fuck. How can he?

"Hindi ko alam na hindi ka marunong magbilang, tatlong linggo ko na iyang ginagawa. Natapos ko lang nung isang araw."

"Okay, I'm still amazed. You managed to make it beautiful in just three weeks." hinawakan ko ang bulaklak na naroon, rosas.

"You like it?"

Ngumiti ako sakanya, hinawakan ang nahulog na petal ng lantang rosas.

"I liked it. I love it."

"Ah." nanlaki ang mata ko nang mapaupo sya.

Agad akong tumakbo sakanya.

"Are you okay?" I asked, worried.

"Inaatake ako sa puso, ang ganda ng ngiti mo."

Pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko dahil sa sinabi nya, how can a heart of a cold girl be soft?

"Okay." yun lang ang nasabi ko bago pumunta sa talon, tinanggal ko ang sapatos ko tsaka sinawsaw ang paa sa tubig. Ang sarap pagmasdan ng mga isdang lumalangoy, ang linaw ng tubig.

"Paanong ang walang pusong babae ay namumula sa harap ko." napasinghap ako nang maramdaman ang hininga ng lalaking iyon sa tenga ko.

Hindi ako nakagalaw hanggang sa makita ko sya sa tabi ko.

"Thank you." I muttered.

"I promised your mom, and I want you to be happy."

Tumingin ako sakanya, napupuno na ng tanong ang utak ko. Why is he doing this anyway? Is it really because of the responsibility? Because of his promises? Because he likes--no.

Caught By Her Elegance (UNO)Where stories live. Discover now