"Ke, ihahatid daw tayo ni Kenzo mamaya sa airport."
Maaga kasi kaming gumising ni Kelcey dahil umuwi siya kanina para kumuha ng kanyang bagahe. Nagulat pa daw ang kanyang tiya sa biglaan niyang pag-uwi at sinabing huwag ipaalam sa kanyang mga magulang dahil balak niyang supresahin ito.
I am just so happy to see na sabay kaming pumunta dito at ito ngayon, sabay ding uuwi. Mommy also texted me this morning na nauna na daw sila ni daddy sa Bacolod. Mabuti na lang talaga at nagkasabay kaming uuwi. Hindi na talaga ako makapaghintay na makita sila ulit. Gosh. Masyado akong excited umuwi dahil saw akas ay after six months ay magkikita kita na ulit kaming tatlo.
"Okay dai. Grabe si Kenzo ang patient niya nu?"
True ka diyan Kelcey. Hindi koi ne-xpect ang mga bagay bagay at nagugulat na lang ako sa mga pangyayari.
Napangiti ako sa mga sinabi ni Ke. Aba't landi na ngayon ang inaatupag ng Gab ha?! Huy! Ang punta natin dito ay pag-aaral ha? Hindi harot po. Pero pwedi din namang pagsabayin diba? Feeling mo?
Hindi ko naman pinapabayaan 'yong pag-aaral ko kahit na lumalandi ako nu?! Umiinom lang naman ako pag mayroong free time e. Pag wala, puro aral lang inaatupag namin nila Clea at Kelcey. Kamusta na kaya si Clea? Sa tingin ko mayroon talaga siyang hindi sinasabi sa akin. Baka ano na ang nangyayari sa kanya parang wala pa naman akong balita sa mga ganap niya sa life these past few days.
Nagtitiwala naman ako kay Ali dahil alam kong hindi niya naman pinapabayaan 'yong isang yon. Malaki na siya kaya kahit kupal siya ay botong boto pa rin ako sa knaya para sa kaibigan ko. Ang saya kaya nilang dalawa. Parang walang problema sa tuwing nakikita ko silang dalawa na magkasama.
Nang matapos kami ay si Kelcey na ang nag presentang maghugas dahil ako ang nagluto. Wow. May rule na ngayon ha? Pumasok ako ng kwarto para maglinis bago kami umalis. Inayos ko ang aking mag libro sa book shelf. Mag-aaral talaga ako pagbalik ko dito. Kinuha ko rin ang mga paper bags na nagkalat habang nag aayos kaming dalawa ni Kenzo kagabi. Ang saya niyang panoorin habang tumutupi ng mga damit ko. Ang linis niya talaga. Alam mo yong sobrang ligpit niya at hindi mo malalaman na lalaki pala ang gumawa. Yon! Yon si Kenzo.
Hindi ko nga inaasahan na sasama siyang umuwi kagabi papuntang condo. Lord, baka mag-expect na ako nito. Sobra sobra natu Lord. Parang unti unti kong natutupad ang mga panagrap ko sa buhay. Chos. Okay lang din naman dahil bet na bet na rin naman ng loka. Hindi ko pa makalimutan ang mga sinabi niya habang tumutupi siya na gusto daw niya 'yong mga taste ko sa damit. Baka naman talaga ako gusto mong i'taste Kenzo nu?! Oh baka bakla talaga siya?
Huwag naman sana. Ang ganda ng lahi e.
Habang naglilinis ay kinuha ko ang regalo ko sa kaniya. Kaya Kenzo! Nako kung ako sayo ay hindi mo na talaga ako papakawalan nito! Saan ka makakakita ng ganitong klaseng babae? Wow. Akala mo naman ay may nagagawa akong hindi kaya ng iba e nu? Opo, maliban po sa paglalandi kay Kenzo ay marunong po akong magsalita ng iba't ibang klase ng words. PaLanGGA ko si Ikawzxc . Haliparot po ako pagdating sayo bebe Kenzo!
"Hay Gabriel, nabuang kana gid." Tumatawa ako habang sinasalita ko ang mga naiisip ko.
"Ding-dong!"
Lumabas ako at binuksan ni Ke ang pinto. Nagulat akong tumingin sa harap ng pintuan. Huh?! Kumurap kurap pa ako baka sakaling nababaliw lang ako. Maaga pa naman bakit nandito na siya? Bahala na nga! Bet ko rin naman. His wearing a black jeans paired with his simple white tee. Ang linis niya talaga.
STAI LEGGENDO
Once in a Lifetime
Narrativa generaleGabriel Zin Garcia is a woman who dreams to be a Lawyer. Her principles are all for the most vulnerable. Until one day she met Kenzo. They have found comfort to each other but life became so hard for them. Was it really a love?
