"Tara. Ano? G?"
Pamimilit ni Clea sakin na uminom dahil friday na. Ewan ko ba't wala akong ganang lumabas. Kakatapos lang namin sa isang subject na Philippine Politics and Governance. Feeling ko antalino ko na talaga matapos makinig ng dalawang oras. Nakaka i'stress minsan yong ganitong klase. Minsan kahit ayaw mong mapuyat, e mapupuyat ka talaga.
Nag'aya si Clea na dayuhin daw namin ang bagong bukas na inuman. Acasia ata yon. Ewan ko. Parang gusto kong magpakalasing pero para din akong nanghihina, gusto kong ipahinga yong utak ko. Chos. Kala mo naman may utak. Joke. Sympre meron, mag abobogada kaya 'to. Tikalon a.
Wala na rin kasing klase kasi mag Chri-Christmas break na. Balak kong umuwi ng Bacolod. Doon kami magpapaskuhan at bagong taon nila mommy. Sa wakas! Tiningnan ko lahat ng outputs ko kung mayroon pa ba akong dapat tapusin. Wala naman, so pwedi na.
"Oo na!"
Parang sumigla ang kinabukasan ni Clea matapos marinig ang aking oo. Excited niya akong kinalabit matapos kong iligpit lahat ng gamit ko. Eksaherada ang isang 'to! Parang walang hang over last week a. Dali dali niyang pinindot ang kanyang cellphone. Pag 'to may plano mamayang gabi, hindi na talaga siya makakakita ng liwanang bukas! Nako!
Umuwi kaming dalawa sa Condo ko. Ang gagang Clea may baon na pa lang outfit. Reading ready na talaga siya. Siguro pinagplanohan niya na 'to kahapon. Gutom na gutom ako kaya nagluto muna kami ng hapunan. Mabuti na yong may laman ang tiyan bago sumailalim sa gabi ng lagim!
I decided to wear my mini black skirt partnered with my white vernice off shoulder blouse. Nagsuot din ako ng white square toe heels at nag light make up. Habang si Clea ay ganda gandang soot ang kanyang low rise skinny jeans partnered with a cute crop top at Alibato black boots.
Sumakay ako sa kotse ni Clea. Pagdating namin ay sobrang dami ng tao. Sabagay, opening kasi. Amazing! Para ansarap mag dance dance tapos may mabubunggo sayo. Like "Oh! I like your grind." Natatawa ako sa mga iniisip ko habang papasok na kami.
"Andito na ang mga master!" sambit ng kupal na Ali matapos niya kaming gulatin sa main entrance.
Puking inang Ali! Aba't loko 'tong Clea ha?!
Ngisi ngising ngumiti si Clea sakin habang nag pe-peace sign. Wala na akong magagawa, third wheel ang king ina! Nakakapikon talagang mang-asar ni Ali parang ansarap ding batukan.
Dinala niya kami sa kanilang pwesto. Gulat akong nakita si Kelcey, Kenzo at Crane na umuupong may hawak ng tig-iisang shot glass.
"Keeeeeeee!!! Miss taka sobra! Wala ko kabalo ari ka di" Agad kong niyakap si Ke. Ang buang ngisi ngisi lang.
"Kalma. Wala ko nag abroad dai."
Yon pala ay surpresa yon ni Clea sakin. May pa surprise surprise pang nalalaman ang loka lokang 'to! Pero bigla akong napabalikwas ng yakap kay Kelcey ng makita ko si Kenzo na nakatingin sakin. Talaga namang hulog ng langit si Clea oh!
Umupo ako sa couch katabi ni Ke at binigyan agad ako ng isang shot ng cuervo. Wala akong balak magpakalasing dahil wala akong sasakyan pabalik ng condo. But I've changed my mind. Wasted na kung wasted! Andito ang aking bebe!
Palihim kong tinitignan si Kenzo habang hawak niya ang kanyang shot glass. Pogi talaga neto! He's wearing his short sleeve white button down polo shirt paired with black short and sketchers. Kung ako GF nito paniguradong walang takas ang titig ko sa kanya. Tinitigan ko siya ng bigla siyang tumitig pabalik. Patalikod akong ngumiti.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime
General FictionGabriel Zin Garcia is a woman who dreams to be a Lawyer. Her principles are all for the most vulnerable. Until one day she met Kenzo. They have found comfort to each other but life became so hard for them. Was it really a love?
