02

42 1 0
                                        

"Ang hirap maging abogado!" sigaw ni Clea pagkatapos ng exams naming halos maubos ang braincells kaka memorize at intindi sa lahat ng points!






"Oo nga, I deserve a shot Cle" sagot ko sa kanya. I know kung saan papunta ang usapang 'to! Matagal tagal naman kasi kaming hindi nakapag out. Alam mo na. Pagod kaka squeeze ng juices! Wow! Amfee.






Nanlaki ang mata ni Clea matapos marinig ang magic word. Yan yan yan! Mga galawan namin! Pft. Excuses!





Two days din naman kaming walang pasok after ng exams dahil kasabay non ay ang another enrolment for the second semester. So wala ring pahinga.






At dahil pareho lang naman kami ng school ni Kelcey ay nasisigurado kong two days pahinga din ang Civil Engineering course at ibang kurso dito sa University. Ganito ang systema ng First year college students.






While we were on the parking lot inside the university, I told Clea that we will be meeting Kelcey. I wanted to introduce her to Ke. Good to know dahil wala daw siyang dalang sasakyan kanina. Sa wakas ay oras na nang paglalayag sa iba't-ibang klase ng inumin! So I texted Kelcey for the plan. Nandito kami ngayon sa parking lot dahil napagsunduan naming mag jam . Konting night out ganern!






Nagrere touch kaming dalawa ni Clea until my phone vibrated. I read Kelcey's message.





from: kelcey: Dai, ari nako di sa parking. Saan dito yong Lamborghini mo dai?






I laugh at Kelcey's message. Buang ni si Kelcey ay. So I reply immediately.






I open the door of my car when I saw Kelcey together with her new company of friends going on my way. Anlagket puro mensula ang kasama! Tatlong bibing lalake. Parang sumigla ang kinabukasan ng isang tulad kong pinagkaitan ng opurtunidad makisalamuha sa mga lalake dahil busy sa lahat ng recits and outputs. Hahaha!




"Gab!" Sigaw ni Kelcey ng makita ako. Lumabas si Clea matapos ko siyang senyasan na andito na si Kelcey.





Umawang ang labi ko ng mapamilyaran ko ang isang lalakeng nakasabay ko noong mga nakaraang araw. If I am not mistaken, his name is Kenzo.





"Ke, I just want you to meet Clea, my classmate slash a good friend of mine." Bumeso sila sa isa't isa pero na stock agad ako sa dalawang lalakeng kasama ni Kelcey.





Ba't ba sa tuwing may bet ako ay parang natatameme talaga ako. Who knows diba? Baka bet niya rin ako. Hihi.





"Gab, Cleah, ito ang mga tropa kong, sandali, tropa ba talaga tayong apat?" Biglang biro ni Ke sa tatlo. So they're block mates rin pala.





"Whatever" sabi ni Kenzo.




Attitude. I like that!




"Anyways, this is Crane and this one's Ali." Pagpapakilala ni Ke sa dalawang kasama. Gwapo rin at astig ang mga dating. Ritskid. At naki pag shakehands ang mga ito sa amin.




"Hoy ikaw magpakilala ka" sabi ni Ke kay Kenzo.





"Kenzo, hi" masungit na sabi niya.





Ganon na yon? Ano yon? Mauubusan ba siya ng laway pag nadagdagan ang mga sasabihin niya? Laway Conscious ka dude? Parang ampormal niya.

Once in a LifetimeWhere stories live. Discover now