18

35 1 0
                                        

“Try mong itulak ako.”



Sinamaan ko ng tingin si Kenzo ng mag-amba siyang itutulak ako sa bangka. Trip niya na namang asarin ako ngayon. Pag ‘to sinuntok ko, hindi niya magugustuhan ang mangyayari sa pisngi niya. Nakakainis!




Last day na namin bukas dahil flight din pabalik ng Manila pagkahapon. Nandito kaming dalawa ngayon sa may dagat malapit. Marami kasing bangkang dumating kanina. Sabi daw ni Clea ay baka mga sundo ‘yon ng ibang turista. Wala kaming magawa ni Kenzo kaya umayat kami dito. Habang sila Clea at Ali ay naglalaro sa tubig ng bola.



Tumawa lang siya sa likuran ko at hinawakan bigla ang baywang ko. Akala ko ay itutulak niya talaga ako ngunit nagulat na lang ng hatakin niya ako paharap sa kanya at hinalikan.



Shocks! Hindi ako na inform na may live landian dito ngayon!



“Ikaw, hindi ko alam kung anong pumapasok diyan minsan sa utak mo. Bigla kang mang ti-trip sa akin, tapos magiging sweet ka diyan. Duh?!” Sunod sunod kong singhal sa kanya. Hindi pinapahalata na gulat ako sa halik niya.


“Someone’s grumpy today.” He stifle a smile and bit his lower lip.


“Sige! Asarin mo ako lalo.” Sobrang sama na ng tingin ko sa kanya at tinalikuran siya.


Bumaba kami ng bangka dahil paparating na ang mga turista. Mabilis akong naglakad papunta kela Clea para sumali. Bahala siya sa buhay niya basta deritso lang ang lakad ko. Narinig ko pang sumigaw siya pero hindi ko iyon pinansin. Tumawa lang ako at pumunta na sa tubig.


“Baby, I’m just joking.” He welcomed me with opened arms and seemed apologetic.



Niyakap ko na lang siya. “Akala mo naman ay galit talaga ako. Halika na nga.” Hinawakan ko ang kamay niya at lumusong kami sa dagat.


Buong araw kaming naglaro ng kung ano ano. At tumitigil lang pag oras na ng kain. Nang gumabi ay nag-aya si Clea na pumunta sa isang beach bar. Ang yaman naman ng resort nila.


Nang gumabi ay naligo na kami at nagbihis agad dahil mag di-dinner kami sa isang Filipino Restaurant nila doon at pupuntang beach bar pagkatapos. I just wear my Vintage Jasmine Smock Puff Sleeves Square Neckline Maxi Dress paired with my nude beach sandals.



“You look like an angel.” Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. He’s wearing a nude off sleeve polo with three buttons opened to paired my look. Ngumisi ako sa kanya at inismiran siya.



“May nude bang angel?”



His lips slowly formed a smile and he laughed! What a freak?! Parang tanga ‘to. Talaga namang walang nude na Angel e.




Agad kaming lumabas at nakasalubong namin sila Clea at Ali na palabas din ng kanilang room. Clea’s wearing a black cross neck dress while Ali is wearing a black polo. Para naman kaming aattend ng party dito. But anyways, this will be our last moment together so enjoyin na lang.



“I’ll just order for us guys.” Presenta ni Clea sa amin. Total saulo niya na naman lahat dito. Edi siya na lang! Joke.





“Samahan mo ako.” Utos niya kay Ali at agad ding tumayo ang isa.




“What?” Singhal ko sa katabi ko. Opo, kayo na po ang bahalang mag-isip kung sino ang katabi ko. Char.





“You look extra beautiful today.”




I bit the insides of my cheek to stop myself from smiling. Napangiti rin siya ng makitang namula ako. He pinched my cheek.




Pinipigilan ko talaga ang kiligin minsan pero sa tuwing nararamdaman ko ang mga hawak niya, ang mga halik niya, ay parang gusto ko na lang ihulog ang panty ko.




Madami ang inorder nila Clea. May adobong manok, kare kare at iba pang Filipino dish. Wala talagang mas masarap pa sa luto ng mga pinoy. Sobrang takam na takam kaming kumakain ng iba’t-ibang putahe.




“Na enjoy niyo ba ang bawat gabi niyo dito Gab?”





Muntik ko nang mailuwa ang pagkain sa loob ng aking bibig. Kenzo tapped my back at biniyan niya ako ng tubig at ininom iyon. Parang tanga naman ang tanong niya! Gago talaga si Clea!




“Para kang tanga Cle!” Singhal ko sa kanya.



“What?! I mean, ‘yong mga gabi niyo dito. Mainit ba? Malamig?” Tuwang tuwang sabi ni Clea. See? Parang tanga talaga.




Halata ba kami masyado? Wala naman kaming ibang ginawa kundi, well, oo na! We made love, and it happened once lang nu. Syempre, normal na ‘yon. May experience na e. Charot!





Kinurot ko ang bewang ni Kenzo ng pigilan niyang tumawa. Parang sira naman ang mga kausap ko dito. Kaya binilisan ko ang kain at hindi sila pinansin. Nag-usap lang ang dalawang lalake ng kung ano anong related sa Engineering course. Ang tatalino nila sa math.

Once in a LifetimeWhere stories live. Discover now