16

32 2 0
                                        

“Sayang naman at hindi makakasama sa atin si Ke.” Malungkot kong sabi.




Three weeks had passed na paulit-ulit lang ang ginawa namin ngayong summer ni Kenzo. Minsan, sa condo niya ako natutulog at minsan din doon siya sa sakin. We were just chilling out, watching movies and all. Sinasama niya din ako sa court sa tuwing naglalaro sila ni Ali ng basketball. So just you know, the normal girlfriend-boyfriend thing lang ang mga ginagawa namin. Hindi naman boring at ambilis nga ng panahon.




Bumisita rin ako sa bahay namin dito sa Manila kaso wala naman doon sila mommy. Nasa ibang bansa daw sila for business meetings. One week din akong tumira doon. Wala na akong ibang ginawa ngayong summer.



Hindi rin kami nakagala nila Clea dahil may mga ginawa din siya habang si Kelcey naman ay umuwing Bacolod. Hindi na ako sumama sa kanya kasi wala naman din akong gagawin doon. Maghahanap daw siya ng summer job.


Kaya nandito kami ngayon sa isang coffee shop because we have planned to go to Palawan. Kaming apat lang nila Ali, Kenzo at Clea ang magkasama. It would be a one week stay sa resort nila Clea doon. Iba nga naman ang may ari ng mga resort oh! Masyadong bigtime si Clea.


Nagpaalam na din ako kay daddy at mommy na aalis ako. Wala naman silang sinabi kasi sabi ko kasama ‘yong mga friends ko. Pero balak ko namang ipakilala si Kenzo sa kanila baka pag-uwi na lang nila galing abroad.


“Next time babe, for sure makakasama na siya sa atin.” Sagot sa akin ni Kenzo habang umiinom ng kanyang mango shake.


“Sure ka bang maganda doon?” Pabirong tanong ni Ali kay Clea.


“Pag si Clea napikon sayo baka tatlo na lang kami ang aalis. Nako Ali siguraduhin mo ‘yang mga tinatanong mo sa kanya.” Panggagatong ko.



Parang biglang umiba ang ihip ng hangin sa lukot ng mukha ni Ali. Kinabahan sa mga sinabi ko. Habang si Cle ay pinipigilang tumawa.


“Sige, huwag ka na lang sumama, hatid mo kami sa airport ha?” Asik sa kanya ni Cle.


“Oy, huwag naman kayong ganyan. Okay lang kahit sa pakpak ako ng eroplano sumakay.” Sagot ni Ali.


Tawang-tawa talaga ako sa mga reaksyon niya minsan. ‘Yong para bang palaging talo sa usapan. Pasmado bibig minsan e ‘yan tuloy ay parating nababara ng isa. Nakita ko siyang nanghihingi ng tulong kay Kenzo.



Sinamaan kami ng tingin ni Ali. “Bro, sasama ako sa iyo.” Pagmamakaawa ni Ali sa tropa niya.



Sige piliin mo siya Kenzo. Try mo. Hindi kita binabalaan pero mas pipiliin mong mabuhay kung ayaw mong masapak kita!


Tinawanan lang siya ni Kenzo at parang kinukumbinsi niya na lang ang sarili niya na ‘sige pass, abogada ang mga kausap’. Kaya hindi namin napigilang tumawang tatlo. Ito naman! Nagbibiro lang e. Bukas na ang alis naming apat kaya sobrang excited ko talaga. Hindi pa ako nakapag-impake ng maayos dahil nagmamadali sila kanina.



Ilang oras pa kaming nag stay doon. Pinag-usapan ang mga walang kwentang bagay sa buhay naming apat. Ganon ka chill ang buhay pag walang klase. Tamang coffee shop lang at outing, pero pag balik ng klase, ito parang lantang gulay.


“Let’s go home, kita na lang tayo bukas sa airport.” Singgit ni Kenzo sa aming usapan.



Gabi na nang umuwi ako sa condo. Hinatid lang ako dito ni Kenzo kanina at hindi ko na din siya pinatagal pa kasi mag iimpake pa siya. Pinipipilit pa ako ng five minutes pa daw, para namang hindi kami magkikita bukas. Pero syempre bet na bet rin naman ng Gab ‘yong pagiging clingy ng jowa e, so wala namang problema.

Once in a LifetimeWhere stories live. Discover now