Chapter 9 *The Vile Bully (Part Two)*

Magsimula sa umpisa
                                    

*bzzt**bzzt**bzzt*

From: Kenzo :P

“Sabay na tayong maglunch :)”

Eeeehhh?! Bakit ngayon niya lang sinabi? Dapat kanina pa niya sinabi! Sabay na kami nina Amarie eh.

To: Kenzo :P

“Kasabay ko na sina Amarie :( Sabay na lang tayong umuwi. Libre ko stop over :) Sorry talaga Pineapple Juice nakapangako ako sakanya eh.”

Sayang! Gusto ko pa man siyang makasama. Ano ba naman yan! Hindi na nga kami magkasabay kahapon eh. Asar!

*bzzt**bzzt**bzzt*

From: Kenzo :P

“Okay lang! Sabi mo yan ha? Hintayin kita sa labas ng school maya :)”

To: Kenzo :P

“Oo naman po. Sabi mo eh :p”

“Biaaaancaaaa!”

Ayan na si Rachel! Tumatakbo na siya papunta sa kinalalagyan ko at sinsigaw pa talaga niya ang pangalan ko. Ang ingay niya kung minsan. Ang tinis ng boses niya! Mabuti pang bilisan ko sa pagliligpit ng mga gamit ko.

“Tara na?! Antagal mo girl!” singhal ni Rachel sa’kin ng makalapit siya sa’kin.

“Oh di ikaw na magligpit ng gami ko kung gusto mo!” sabi ko naman sa kanya.

“Ito naman!” sumandal siya sa may locker habang nakaharap siya sa’kin. “Bakit kasi ang sipag-sipag mong mag aral? Hindi mo naman na kailangan yun eh.”

“Gagita! Kaya ka laging napapagalitan eh kasi ang tamad tamad mong mag aral! Para san pa’t pumasok ka ng school kung hindi ka din lang mag-aaral? Kaya ka nga andito para mag aral diba?”

“Hmmm! Hindi rin! Andito ako para pag grumaduate na ako madali na lang akong tanggapin sa university na gusto kong pasukandahil sa diploma ko. You see, Bianca, holding a Sakura diploma means a lot.” Sinara ko na ang locker ko at nag umpisa na kaming maglakad papuntang caf. Tama siya dun. Pag mayhawak kang diploma mula Sakura, siguradong hindi mo na kailangang mag entrance exam para makapasok dun. “At pagka nagcollege na ako, dun lang din ako magseseryoso sa pag aaral ko.”

“Ang labo mo talaga Rachel! Parehas lang din naman yun bakit kaya hindi mo subukang ngayon na lang magseryoso sa pag-aaral?!”

“Hindi ka hindi ka ba napapagod sa pagsabi ng pangalan ko? Ang haba din kaya nung Rachel.”

Rachel? Mahaba?! Eh dalawang syllable lang din naman yun eh. Ano kayang mahaba dun?

“Alam mo kasi, Biancz, yung pamilya namin ang tipo ng pamilya na academic achiever lahat.”

“Oh? Naman pala! Anong ginagawa mo kung ganon nga—”

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita ko. Hindi pa ako tapos eh.

“Pagdating ng college.”

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Meron bang ganun? Academic achiver lang pagdating ng college? Hindi ba dapat since pre-school academic achiever na? Kakaibang pamilya ang pamilya nina Rachel pagka ganun nga!

“Gulat ka noh! Ganun talaga.” Nagkibit balikad siya.

“Pero bakit?” tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat ulit siya. “Freedom. Kung sa normal na tao ang freedom nila ay pagdating ng 18 sa’min baliktad. Ang freedom namin simula nung 3 kami at magtatapos sa age na 18 which means, pag nag-19 na ako, kailangan ko ng magseryoso. Magseryoso sa lahat ng bagay. In a way maganda rin yung rule na yun sa pamilya ko dahil wala pang maagang nabubuntis o nagpapakasal sa’min. Disiplinado din kasi kami eh at syempre hindi sila papayag na mabahiran ng dumi ang pangalan namin dahil sa isang pagkakamali.”

My Bestfriend or My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon