Blurb

46 16 2
                                    

Isa si Nicholas sa mga sireno na ang tanging pag-asang mabuhay ay ang manilbihan bilang alipin at bihag ng Reyna ng karagatan. Kaya naman walang pagdadalawang-isip siyang nagdesisyon na lisanin ang lugar na iyon at magsimula na nang bagong buhay.

Hanggang sa dumating sa punto na gumising nalang siyang nasa mundo na siya ng mga tao. At kasabay ng kanyang adhikain na mahanap ang babaeng nasa loob ng batong kristal ay isang sosyalera ang kanyang nakita.

Base kay Nicholas ay mas malabo pa sa sikat ng araw ang pag-uugali ni Ariella Garcia. Pero kahit ganon pa man ay hindi pa rin niya mapigilan ang kanyang sarili na tulungan ang dalaga. Hanggang sa hindi nagtagal ay naging malapit na sila sa isa't-isa nang hindi nila namamalayan – bagay na nagtulak sa kanilang dalawa na mapunta sa alanganin.

Kaya naman bilang isang mabuting kaibigan ay handa niyang hanapin ang lahat ng paraan upang mapabuti ang kalagayan ni Ariella.

Ngunit magawa kaya niyang tulungan ang dalaga kung ang tanging sagot lamang sa problema nito ay ang pagbalik niya sa mundong kinagisnan niya? Magawa kaya niyang tuparin ang kanyang pangako kung sa isang iglap ay bigla nalang lumitaw sa kanyang harapan ang babaeng matagal niya nang gustong makilala?

SUDDENLY, SHE'S A MERMAID
All Rights Reserved 2021 © Billie Ruiz
NO TO PLAGIARISM

Suddenly She's a Mermaid (COMPLETED) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora