"Hindi naman siguro," sabi ko. Nagbuklat ako ng unang librong nakita ko. A book with a title of 'That Twisted Love Story', weird title. Walang ibang maisip, gan'un? Hinayaan ko na ang libro at tinuloy ang sasabihin ko. "May feeling ako."

"Alam mo, Sin, minsan talaga napupunta tayo sa pagiging feelingera," natatawang sabi ni Unica. Sinamaan ko siya nang tingin. Ngumiti siya. "Joke! Anong feeling mo, Madam Auring?"

I glared at her. She shrugged. "She's doing this for someone."

"Yeah," she said. "Para sa'yo. Baka bumabawi na."

"Sa tagal na nakatira ako sa kanya, madalas kaming sa labas kumain," sabi ko at umiling ako. "Alam mo 'yung kasabihan na 'the way to a man's heart is through his stomach'?" tanong ko. Tumango siya. "Ang weird."

Tinaasan ako ng kilay ni Unica. "Anong weird d'on?"

"May lalaki siya," sabi ko kay Unica. "Erica's too happy and she's learning to cook."

Iniisip ko lang na mayroon nga, may something weird sa loob-loob ko.

"Bwisit. Masyado kang nag-iisip," Unica said. "Isipin mo na lang kung paano mo ma-se-seduce si pa-virgin professor!"

Pagkatapos ng ilang segundong titigan namin ni Unica, nagbukas ang pintuan ng library. Napangiti ako pagkakita kay Sir Marco. Agad akong tumayo palapit kay Sir Marco. Sumunod si Unica sa akin.

"Good morning, girls," bati ni Sir. "Mukhang nag-aaral kayo nang mabuti, ah?" Pagtingin sa akin Sir, ngumiti siya na parang nahihiya. Ang pa-virgin nga naman ni Lourd Marco Aceveda.

"May tanong ako, Sir," sabi ko "Sir, anong paborito mong pagkain?"

"Hmm?" pagtataka ni Sir. "Why'd you ask?"

"Alam mo 'yung kasabihan na 'the way to a man's heart is through his stomach'?" tanong ko.

Kumunot ang noo ni Sir na nangingiti. "Are you trying to get through my stomach?"

"Sa loob ng," umubo si Unica at bumulong sa akin, "pants."

Pinanlakihan ko ng mata si Unica. Kinurot ko siya sa braso at kinurot din niya ako! Tiningnan kami ni Sir na may ngiti sa labi. Gusto kong matawa na lang sa pinaggagagawa namin. Ang haharot lang, eh.

"I like lasagna," Sir Marco said, still with a smile on his face.

Kita kong magsasalita pa si Sir Marco nang may isang estudyanteng babae na talaga namang epal at sumingit sa gitna namin ni Sir Marco. May sinabi siyang kung anu-ano na hindi ko na inintindi. Parang nagpapatulong ata. So yeah, masakit man – kita ko rin na nasasaktan si Sir! – nagpaalam na kami sa isa't isa.

Hindi nakatakas ang pag-irap sa amin ng babae. And Unica raised her middle finger to salute the girl.

"Anong klaseng tanong 'yun?" natatawang sabi ni Unica. "Gagayahin mo rin si Erica? Mag-aaral ka na rin magluto?"

"Kung hindi makuha sa panlalandi siguro," sabi ko. "Masyado kasing pa-demure si, Sir."

Umalis kami sa library ni Unica dahil hindi na kami natutuwa sa polusyon sa loob. Papunta kami sa labas nang may mapansin kaming tatlong babae na parang kilig na kilig na hindi mapakali sa kinatatayuan. May kung ano silang tinitingnan sa phone.

Itong si Unica, tumigil pa sa paglalakad. The girl in the middle looked at us and raised her brow. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Hindi naman sila gumawa ng kahit anong ikaiinis ko. Umusog lang sila kaunti, parang may tinitingnan sa likuran ko.

"Parang pamilyar 'to," I heard Unica whispered.

Nilingon ko ang tiningnan niya, isang lalaki na may kausap na professor. I must admit, the guy's sense of style is hot. Naka-messy bun ang sure akong hanggang balikat na buhok. Naka v-neck 'yung lalaki at nakita ko na naman ang pamilyar na buntot ng isang tattoo. Hindi ako magkakamali: this is the guy who likes preaching about beauty.

Pero hindi marunong tumingin ng signage.

Paglingon ko ulit sa tatlong babae, doon din nag-click sa akin ang lahat. They're taking a picture of this guy. At mukhang alam 'yun ni Unica kaya humarang pa talaga siya. Nagkumento si Unica nang mapansing naiinis na 'yung mga babae sa pagharang namin.

"Mga tigang talaga sa panahon ngayon." She made sure the girls heard her. Inirapan siya ng mga babae at umalis na lang.

Unica really likes trouble.

Kaya siguro nagkasundo kami.

Paglingon ko ulit sa lalaking pinipicture-an ng mga babae, mag-isa na lang siyang nakatayo. Pumasok ata sa loob ng office 'yung professor. The guy looked at us—me, and smirked. Hindi ko na lang siya pinansin at inaya na si Unica palabas. Nang makasalubong namin 'yung lalaki, nainis ako sa ginawa niya.

"Tara na," pagpaparinig ko habang hinihila si Unica. "May mga tao atang hindi pa nakakakita ng babae kung sumipol."

Hindi ko na nakita ang reaksyon ng lalaki. Basta hinila ko lang si Unica sa labas. Hindi ako nakaiwas sa tanong niya na, "kilala mo 'yun?"

"No."

"So," Unica said. "Bakit pinansin mo siya?"

She looked at me. I stared back. Shrugged. Tinawanan lang niya ako.

When I got home after school, natigilan ako sa nakita kong Audi A1 na nakaparada sa tapat ng gate namin. I'm not into cars – nakikita ko lang lagi sa newsfeed dahil panay share with matching caption ng 'this is my dream car!', 'Audi1 is the bomb!' ang dating lumandi sa akin na si JJ. Sa sobrang pagkairita ko sa everyday post niya ng Audi A1, binlock ko na siya sa newsfeed.

Agad akong pumasok sa bahay at naamoy ko ang niluluto. Bago pa makapuntang kusina, agad akong nagtanong, "kaninong kotse 'yu—" But I stopped halfway from my sentence when I saw a guy, holding a spatula. His upper body naked and he's wearing Erica's pink apron with black ruffles.

No one moved. Dumating si Erica galing CR at parang nagulat pa siya na makita ako sa bahay.

"What are you doing here, honey?" tanong niya. "I thought you're having dinner with Unica?"

Tinitigan ko si Erica at kitang-kita ko ang kaba niya. Nagkatinginan kaming tatlo. Wala pa ring gumagalaw.

"Honey, I—Sin—"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinitigan ang lalaki. He was tensed. Kumunot ang noo ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa sabay taas kilay. I don't know about guys pero mukhang uso sa kanila ngayon ang mag-body build at magpatato sa may clavicle. Even in the age of, I don't know, 30 something years old?

"Ganyan na pala i-seduce si Erica ngayon?" I asked, smiling. "That pink apron and black ruffles suits you, stranger."

Sa sinabi ko, nawala ang gulat at takot sa mga mukha nila at unti-unting tumawa.

Nagpatukso (NagpaSeries #1)Where stories live. Discover now