Nang matapos kami ay dumeritso na kami ng bar. This time, iba na iyon. It was so classic and a modern bar. Para iyong katulad ng mga usual bar sa Manila. Most of the people here know Clea. Syempre, sino ba naman ang hindi makakilala sa kanya, mommy niya ‘yong may ari e.
“Nag pa reserved na ako ng couch for us guys.” She informed us before leading us inside.
Pagpasok ay maraming tao. Maybe some tourist, parang may mga lahi pa ‘yong iba e. Pumunta lang kami ng couch na sinabi ni Clea. It was big at madaming inumin. Mayroong black label, Bacardi, Tequila and more. Mukhang maglalasingan kami ngayong gabi.
“Don’t drink too much.” Paalala sa akin ni Kenzo matapos kung inumin ang sunod sunod na shots.
“Chill babe.” Sabi ko sa kanya. Wala akong takot na malasing kasi nandito naman siya e.
Maya maya lang ay wala na sila Clea at Ali. May kinakausap nang ibang tao. Patuloy lang kami sa kwentuhan ni Kenzo. Tawanan at kulitan lang ginawa naming dalawa dito sa couch. Hindi na muna kami uminom.
I just realized that because of our one-week stay here, mas lalo ko pang nakilala si Kenzo. I’ve seen how amazing he is as a man. Hindi siya nagagalit sa mga kaartehan ko sa buhay at sinasabayan niya lang iyon. Sobrang saya ng stay namin dito at parang gusto kong lumuhod habang nagpapasalamat kay Clea. Char. But seriously, sobrang memorable ng mga ginawa namin dito. Especially the third night. Charot.
At sa aming pagsasama ay mas nakilala ko pa siya ng lubusan. Ang mga gusto niya sa buhay, ang pagmamahal niya sa kanyang mga kapatid. The love to his parents and especially when he told me how passionate he is to keep their business. Kasi sabi niya ay pinaghirapan daw iyon ng kanyang lolo at ayaw niyang mawala iyon. Pressured daw siya masyado kasi hindi pa nga siya nag te-take ng board ay parang pasan na daw niya ang responsibilidad.
My face formed a smile and I looked at him. Surveying his face and I can see how he speaks with passion. He was really a family-oriented man and I really admired him for being like that. It’s rare. Lahat ‘yon sinaulo ko, tinanggap ko at walang pag-alinlangang susuportahan siya.
“Let’s go?” Tanong niya sa akin dahil masyado nang lumalalim ang gabi. Sumunod din sila Cle at Ali sa amin.
Pumasok kami sa kanya-kanyang suit. Naligo ako at nagbihis. Nakakapagod ang araw na ito. I prepared myself on bed and started to close my eyes but he suddenly wrapped me in his arms. Dinikit ko ang sarili ko sa kanyang dibdib. He kissed the top of my head and whispered.
“Thank you for being here always. I love you.”
Para akong naiiyak sa tuwa ng marinig ko ‘yon. Kung sana ay nakilala ko siya ng mas maaga, mas marami pala akong nalaman sa mundo diba?
I mean, the only thing that matters to me before was not receiving enough time galing sa parents ko, iyong mga mababaw na mga dahilan na mabilis akong nagagalit, like not having them sa mga importanteng araw na mayroon ako. Busy sa business namin. But Kenzo just made me realized that I should be grateful for everything. For giving me, what I need and what I want. He told me about the reality and I felt being slapped by his words. Grabe.
I lifted my gaze to him and smiled. Sana huwag ka nang mawala.
Sana...
Kinabukasan ay tinanghali na kaming gumising lahat. Inayos ko na ang mga gamit namin ni Kenzo dahil mamayang hapon na ang aming flight pauwi. Hindi na kami bumaba para sa lunch at dinalhan na lang kami ng foot service. Kumain lang kami at tinulungan din ako ni Kenzo na magligpit na. Habang tinutupi ko ang aking mga damit sa aking maleta ay biglang nag ring phone niya.
“Hello?” Sinagot niya ang tawag at lumabas siya sa balcony para maipagpatuloy iyon.
Hindi ko na narinig ang boses dahil malayo na siya. Kinuha ko ang bottled water sa living room na naiwan ko kanina. Ininom ko ‘yon at pumasok ulit ako ng room namin ngunit hindi pa rin siya tapos sa pakikipag-usap.
Lumabas ako ng balcony. Nakatalikod siya sa akin kaya napayakap ako sa kanyang bewang. Naramdaman niya ako mula sa kanyang likod kaya hinigit niya ako paharap sa kanya habang kausap niya pa rin ang kabilang linya.
“I love you.” I whispered to him without giving a sound to my words.
Hinigpitan niya ang pagyakap sa akin at sinandal niya ako sa kanyang dibdib habang dinampian ng mahihinang halik ang aking ulo.
“Okay. Yes mom, I will.” Sagot niya sa kausap. Doon kong napagtanto na mommy niya pala iyon at binaba na ang tawag.
“Hey.” Bigla akong bumitaw sa yakap niya. Napabuntong hininga ako ng makita siyang nag-aalala sa sasabihin sa akin.
“What? Is there something wrong?” Tanong ko sa kanya.
“My mom wants to meet you. Pag-uwi natin ay dederitso daw tayo sa bahay.”
“What?!” Gulat na sigaw ko at napasapo sa aking noo. “Gino-good time mo lang yata ako e.”
“No baby, I have told her already na ikaw ang kasama ko dito. Kaya ka niya gustong i’meet.”
I sighed. “Paano ‘yong daddy mo? Baka hindi niya ako magugustuhan?” Kinakahabang sabi ko sa kanya.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime
General FictionGabriel Zin Garcia is a woman who dreams to be a Lawyer. Her principles are all for the most vulnerable. Until one day she met Kenzo. They have found comfort to each other but life became so hard for them. Was it really a love?
