22 - Picture

88 14 5
                                    

March 13, 2020

Hi, Kairus!

I'm back at it again with another letter. Wala munang video ngayon, letter lang muna, ah. Though your videos are my happy pills, parang hindi ko kayang manood ngayon. Isa ang araw na ito sa mga araw na parang wala akong gustong gawin sa buhay ko. Gusto ko na lang... mamatay.

Actually, hindi ko nga alam kung paano ako nakakapagsulat ngayon. At alam mo ba, habang sinusulat ko ito ngayon, umiiyak ako. Parang tanga, 'no? Haha!

Alam mo kasi, ang ganda naman ng araw ko kanina. Pero biglang bumagsak ang mundo ko nang umuwi ng bahay si Daddy. Pinagalitan na naman niya ako. Bakit daw ang baba ng grade ko sa isang major subject. 1.5 ang grade ko doon. And yes, mababa na iyon para sa kanya. He even compare me to my late brother. Kung buhay lang daw si Kuya, panigurado raw na he will not disappoint my father. Na magbibigay ng success sa pamilya namin ang kapatid ko.

Hanggang sa iyong galit ni Daddy, napunta na sa paninisi sa akin. Dahil sa akin, namatay ang kapatid ko. Ako ang may kasalanan. Ako ang dahilan kung bakit nawala ang kuya ko. At dahil din sa akin kung bakit parang nawalan na rin ako ng mga magulang. Ang sakit, Kairus. Sobrang sakit. Pero hindi ko sila masisi. Kasi kahit ako, naniniwalang ako ang dahilan ng lahat.

Nang makaalis si Daddy, wala akong magawa kundi ang umiyak at isipin na sana ako na lang talaga ang namatay. Sana ako na lang ang nawala nang araw na iyon. Eh, di sana masaya sila ngayon. Sana hindi nagbago sina Daddy. Hindi sila naging cold-hearted at parang halimaw makitungo sa mga tao. Mas mahal naman nila si Kuya, eh, kaya okay lang na ako ang mawala. If only I can go back to that day.

At habang iniisip ko iyon, parang may sariling isip ang mga paa ko. Kinuha ko iyong jumping rope ko na nasa mga gamit ko. Matibay ang jumping rope kong iyon. Kaya na niyon akong patayin. Handa na ako. Gusto ko ng matapos ang sakit, eh. Gusto ko ng makasama ang kuya ko. Kasi si Kuya? Mahal niya ako, eh. Hihingi ako ng sorry sa kanya. Pagkatapos, kung hindi kalabisahan, hihilingin ko na rin kay Lord na ibalik na rin sana si Kuya sa mga magulang ko.

Until... you saved my life again, Kairus. Yes, you read that right. You saved me again. Not with your video, pero ikaw mismo. Kasi, pagbukas ko ng mga gamit ko, nakita ko rin iyong printed picture ko na kasama ka noong meet and greet mo. Nakita ko kung gaano kaganda ang ngiti ko doon. Punong-puno ng buhay.

I immediately let go of that rope. Kinuha ko iyong picture natin na tinitigan ko lang. Naalala ko iyong araw ng meet and greet mo. Sobrang saya ko nang araw na iyon. At habang nakatitig ako sa picture natin, naisip ko na gusto ko pang ma-experience ang ganoong klase ng saya. Na nasasaktan man ako ngayon, darating din ang araw, mapapalitan ito ng saya, katulad ng saya na naramdaman ko nang um-attend ako ng meet and greet mo. I'm hoping for that day to come.

So, yeah, that's how you saved me this time. And I thank God that I found you, Kairus. Kasi kapag nakikita at napapanood kita, nabibigyan ako ng pag-asa. You became my ball of hope, Kairus. That's why I'm so thankful that I found you and your videos. Kasi, naipaparamdam ng mga videos mo na in every dream, you can make it a reality. Naikuwento ko na sa 'yo ang pangarap ko, 'di ba? Pero alam mo ba, naisip ko na ang pinakapangarap ko ngayon ay ang mahalin ulit ako ng mga magulang ko. Na bumalik na sila sa dati. Kasi miss na miss ko na sila. At hindi na iyon mangyayari kung magpapakamatay ako.

Thank you, Kairus. I'm overwhelmed with gratitude. ❤

-Live, laugh, love

--

Ps: Sana mapakinggan n'yo yung song. Hugs sa mga taong may mga pinagdadaanan. Kaya natin ito. 💪❤

Nasa video rin si Cong, kasama si Viy. Pero ipinakita lang picture nila. 🤣

Saving GraceWhere stories live. Discover now