AWARENESS AND DISAPPEARANCE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Comics man o hindi, gusto kong malaman mo na importante ka sa'kin." Ngayon ko lang ulit nakausap ng ganito si Zack.



Bigla siyang napahinto sa pagsasalita at tila sumeryoso ng tingin sa akin. Nagtataka rin naman akong napatitig sa kanya.



"Claire..."



Alam kong magkaiba na magkaiba sila ng ugali ni Jaxton dahil mas nagpapakita siya ng emosyon at pakiramdam ko ay mas kilala niya ang totoong nararamdaman ko, pero hindi ko kayang bitawan na lang din si Jaxton. Wala yata akong kayang piliin sa dalawa.



"Hays.." Napatayo ako at pinagpag ang puwitan ko. "Pwede namang i-date ko kayo pareho diba? Magkaibang araw nga lang?" Pabiro kong sinabi, ngunit iyon ang nararamdaman ko.




*THE STAGE*



Tiningnan ko ang paligid ko, nasa labas na ako ngayon sa gate ng bahay namin. Naka-school uniform ako at papasok na sa loob nang biglang may mga kotse na pumaparada sa gilid ng bahay.


Napahinto ako sa pagpasok sana at nanatiling nakatayo habang hinihintay ko kung sino ang mga baba sa mga nakaparadang kotse.




"Ma'am S-Serriene?" Utal na nabigkas ko nang bumaba siya sa isa mga kotse at may mga kasama pang mga body guards.



"Hello, hija?" Ngumiti pa ito sa akin, ngunit sa loob-loob ko ay peke ang mga ito.



Nakita kong maraming bitbit na gamit at mga shopping bags ang ilan sa isinama niyang body guards kaya naman wala akong nagawa kundi pagbuksan sila ng gate at papasukin sa loob.




"You're Claire if I'm not mistaken?"



Pagkasabi niya no'n ay pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, at medyo nagtagal ng tingin sa paa ko kaya naman napaatras ako ng kaunti. Tiningnan niya ang luma kong white rubber shoes na may tagpi na. Ngumisi siya matapos at sinenyasan ang isa sa mga body guard niya, isa-isa nilang ipinasok ang mga bitbit nila sa loob ng bakuran namin.



"H-Hindi n'yo naman po kailangang gawin 'to, Ma'am Serriene." Nahihiya kong saad ko ngunit hindi siya nakikinig.



"No problem at all, hija. You are my scholar, and I should do a proper way to support you before I go back to states, di'ba?" Aniya at muling nagsenyas na ipasok pa ang mga dala nila. Ang huling ipinasok nila sa loob ay ang isang flatscreen T.V. at isang washing machine. "I know you are from this poor family, that's why you are leeching off to my son, right?"



"Po? Hindi po ako ganyan, hindi ko po ginagamit ang anak n'yo," ani ko ngunit kahit siguro anong sabihin ko ay balewala, tinalikuran niya lang ako at pinakitang wala siyang pakialam sa sasabihin ko.



Matapos ko magsalita ay naka-krus ang mga brasong hinarap niya ako. "I don't care if you like my son, or whatever! Layuan mo si Jaxton, naiintindihan mo? Hindi ka makakatulong sa future niya." Halos manlaki ang mga mata niya at gigil na gigil na sinampal ako ng malakas.



Napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sa mommy ni Jaxton, napakalupit niya. Muntik na akong maluha dahil sa kahihiyan. Walang pakundanangan silang lumabas ng gate ng parang walang nangyari.




*STAGE ENDS*



Matapos ang mga pangyayaring iyon ay nakaramdam ako ng inis at hinanakit, parang kalaban ko mismo ang sarili ko ngunit ayaw na palaging kawawa ang tingin ng lahat sa'kin at minamata nalang ako ng kung sino.


Mabilis akong lumabas ng gate at hinarap ang mommy ni Jaxton. Hindi na ako nagdalawang isip pa at binigyan siya ng sampal sa magkabilang pisngi.



"What the--" reaksyon nito na parang hindi alam kung anong ginawa niya kanina lang.



"Ano ho bang kasalanan ko sa inyo at kailangang sampalin n'yo ako sa loob pa ng pamamahay ko? Gawin n'yo na ang lahat, pero hindi n'yo kami mapaghihiwalay ni Jaxton. Ako ang pipiliin niya." Napangisi ako at sabay na inismiran ko siya bago ko siya tuluyang talikuran.



Kung nasa loob ako ng isang kwento, at sakaling ako man ang bida nito, ang sarap din pala sa pakiramdam na makaganti sa mga nang-api sa'kin.



Narinig kong sumigaw ang mommy ni Jaxton ngunit naka-krus ang mga braso kong nagtuloy-tuloy na pumasok sa loob ng gate. Hindi na ako papayag na saktan nalang ako basta-basta.



TO BE CONTINUED...

(Awareness and disappearance will be continued on chapter 46. This story will end soon, keep supporting until the end!)

Look, I found you (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon