CHAPTER 3: He Came

4 1 2
                                    

Song for this chapter: Fool by Cavetown

He Came

"Jean! Intayin moko!"


I stopped running when I heard my name. It's Van. Late na kaya nagmadali na ako pagbaba ko ng jeep. Baka 'di na magpapasok sa gate eh.


Paglapit niya ay inakbayan niya agad ako. "Bat ka late?"


Pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin pero nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad. "Inayos ko pa proposal ng project natin sa home economics." I said.


"Wow! Parang wala akong dulot dyan ah!" He grinned.


"Wala nga! Ipanalo niyo nalang school natin sa basketball ha."


CSAN na kase next month kaya madalas may training sila. Tuwa nga siya kasi exempted sa mga projects yung mga participants. We're now grade 10 kaya captain na si Van ng team nila.


"Ako bahala!" mayabang niyang saad na tinawanan ko nalang.


Hindi na kami nagmadali ni Van sa pagpasok dahil narinig namin sa faculty na wala yung teacher na nakaschedule sa amin ngayon. Palapit palang kami sa room ay rinig na namin yung ingay.


I was about to enter the classroom when someone behind pushed me. Buti at nasalo ako ni Van. Nagkayakapan tuloy kami!


"Yieeeeee!!!!" rinig kong tukso ng mga kaklase namin kahit hindi nila nakita yung nangyari.


"May bagong lovebird!" I also heard Posh voice.


"Magkakarayuma ako sa posisyon natin, Jean." bulong niya sa akin na nagpabalik sa wisyo ko. Napansin ko ngang naka bend siya at nakakapit ako sa magkabilang balikat niya.


"Eto na, aayos na nga eh."


Hindi pa ako nakatayo ng maayos at nawalan ako ng balanse kaya bumagsak nanaman ako kay Van.


Nanlaki ang mata ko nang dumampi ang labi ko sa pisngi ni Van! Oh my god!!!


"Wahhhhhhhh! Ms. President!" react nanaman ng mga kaklase ko. Popcorn nalang ata kulang ano.


Doon na ako napatayo ng tuwid habang takip ang bibig. "Shocks! Sorry, Van." 'di ako makapaniwala sa nagawa ko. Basta ang alam ko ang bilis ng mga pangyayari.


Lord kunin niyo ko, kahit mga two minutes lang. Isang kahihiyan po ang nangyari.


Van is also stunned. Nakahawak siya sa pisngi niya at namumula ang tainga niya. Hindi siya makatingin sa akin at nasa kung saan lang ang tingin niya.


Doon ko lang nalingon kung sino ang tumulak sa akin. Kathelynn looked amazed by what just happened. Beside her is Kane who looked pissed. And yes, they are still together.


Kathelynn looked at me and smiled. "Napatid kasi ako ni Kane." she explained.


Nag alangan akong ngumiti pabalik pero ngumiti pa din ako. "Ah..." 'yon lang ang nasagot ko at napatingin uli kay Kane na nakatingin na sa akin ngayon parang ang laki ng kasalanan ko sakanya.


"Comfort room lang." hindi ko alam kung kanino siya nagpapaalam, sa akin ba o kay Kathelynn dahil sa akin siya nakatingin. At umalis na si Kane nang tahimik.


"Wait! Pre! Sama ako! Kailangan ko magnilay!" Van said. But before he left, pinanliitan niya ako ng mata. "Sorry." I mouthed.


"Wala kang regalo sa birthday mo. Hmp." umalis siya nang hawak ang pisngi.


Nang makaalis silang dalawa ay nagkatinginan kami ni Kathelynn. Sabay hinila niya na ako papasok sa loob. Magulo pa din ang mga kaklase ko. May nagkukumpulan dahil naglalaro ng ML. Merong nagchichismisan. May kumakain sa likod. Meron ding nagtatalian ng buhok sa gilid.


"Kiss tayo pare! Gayahin natin sila Van! Mwa mwa!" Biro na sabi ng kaklase kong lalaki sa kaharap niya nang dumaan kami sa harapan nila. Nakanguso na ang dalawa at nagaasaran kung sino mauunang humalik.


Pinanliitan ko sila ng mata at umambang susuntokin sila.


"Joke lang naman, miss president!" nagtawanan sila at hindi ko na pinansin.


"Ay Jean, dala ko yung mga ingredients para mamaya sa luto natin." Kathelynn said energetically. Mukhang maganda ang gising niya ah.


Sinundan niya ako hanggang sa upuan ko. Sa gitnang row ako nakapwesto. Binaba ko muna ang bag ko bago siya kinausap. "Nice! Sige sige. Before lunch pa naman yon. Mamayang recess lagay na natin sa ref. Magpaaalam nalang tayo kay Ms."


Tumango siya at mukhang may naisip. "By the way, may something ba kayo ni-"


Nanlaki ang mata ko at pinutol agad ang sinasabi niya. "No! Wala!" malakas na sagot ko at inekis ko pa ang kamay ko kaya napatingin ang ibang kaklase namin. Napansin ko din na wala si Steff. Asan kaya yon?


"Weh! Hindi niyo kinwento sa amin ni Kane ah. Andaya!" hampas niya pa sa akin.


Napahawak ako sa ulo ko. "Promise! Wala talaga, Kathelynn." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko.


She just shrugged. "Fine, punta muna ako sa kabila. Paki sabihan si Kane na tawagin niya ako pag may teacher na. Thanks!" then she tapped my shoulder before leaving.


Nang mag grade 10 kami ay lagi nang sumasama si Kathelynn sa amin which means lagi na din namin kasama si Kane. Kathelynn was bubbly so I became comfortable with her. She was very sweet and caring. That's when I realized why Kane liked her so much.


I thought that they are perfectly matched each other. Kane's personality was playful but sometimes mysterious. You can't read him easily. He's always smiling so if there's a problem with his life, he will just smile. Kathelynn was talkative so I bet that they communicate always.


"Jean! Jean!"


And there she was. Steff was shouting my name.


Paglapit niya ay hinampas niya agad ang balikat ko. Ilang beses na ako nahampas ah. "OMG! Anong ganap? Nag CR lang ako ah! Sabay paglabas ko, parang tanga na si Van!"


"Ha? Nasa CR si Van ah. Sumilip ka?!" natatawang sabi ko habang nagbu-bun ako ng buhok ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Colour Me BlueWhere stories live. Discover now