CHAPTER 2: She Knew

3 2 2
                                    

Song for this chapter: Officially Missing You by Jayesslee

She Knew

Pagpasok ko palang sa library ay narinig ko na ang matinis na boses nila Vivienne. Kasama niya si Yna at si Eliza. They are friends of Katheylnn. Sa ibang section sila at katabi lang ng room namin ang room nila. I'm sure kanina pa sila sinasaway dahil tingin ng tingin ang Librarian sakanila ng masama.


Humanap ako ng magandang puwesto. At 'yon ay sa bandang dulo para walang masyadong tao. Tahimik lang akong naglakad papunta doon pero ramdam ko ang titig nila sa akin. For the last months, I think I was their topic in gossip. Hindi naman kasi halata, hindi talaga.


Umirap nalang ako sa hangin pero syempre 'di ko pinakita. Hindi ko sila close at alam ko mga transferee sila last year. I am actually waiting for Posh. Lunch ngayon at wala akong gana kumain kaya nagdahilan nalang ako kila Van. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko.


"Lampa na siguro kaya hindi na sumasali." I heard Vivienne said. "Namumutla kahit wala sa tubig, kawawa naman." she added.


Malayo sila konti sa akin pero rinig ko sila. Napataas ang kilay ko at napailing. Binuksan ko ang folder na dala ko. Pero hindi ako makapag focus sa tawanan nila.


"What if sumali siya somewhere then nadisqualified?" Si Yna naman na dinidiinan pa ang bawat salita. Nangaasar.


I sighed. At these times, I wonder why people are wasting their time talking about someone's life. Nabubusog ba sila sa mga salitang lumalabas sa bibig nila? Nagiging perfect ba activities nila sa school? Nagkakapera ba sila? Tss.


"Ah! Alam ko na! siguro finull time na yung pagiging ahas?" Eliza said and laughed.


Nangisi nalang ako sa narinig ko. Bigla akong napalingon sa pwesto ni Ms. Lira, ang librarian dito. Nakatayo na ito at nakatingin kila Vivienne.


"Get out! Kanina ko pa kayo sinasabihan ha! Sa palengke kayo ata bagay eh! Labas!" galit nitong sigaw sa tatlo kaya natahimik ang lahat sa library. "Ang haharot! Matitigas pa ang ulo." dagdag pa nito.


Napapahiyang lumabas yung tatlo at sakto naman na pagpasok ni Posh. Nakahinga ako ng maluwag. Tumaas ang kilay ni Posh nang madaanan sila pero may ngisi sa labi.


"Miss President, namumutla face mo. Okay kalang?" Sabi niya agad pagkaupo niya sa harapan ko sabay lapag ng laptop niya.


Pinunasan ko ng panyo ang malamig na pawis sa noo ko at tinignan siya. "Oo naman! Ako pa ba? Kulang lang sa tulog, hehe." pagpapalusot ko.


Partner ko si Posh sa presentation sa English kaya kasama ko siya ngayon. Nagsusulat nako ng idadagdag ko sa sasabihin ko mamaya.


She still looked bothered. "Really? Dalhin kaya kita sa Clinic?"


"Hindi noh! Matutulog lang ako doon eh." sagot ko dahil totoo naman. Baka matulog lang talaga ako doon.


She frowned. "Fine! But if you collapse later, I will not help you. Deal?" then she flips her hair.


Tumawa ako dahil sa maarteng tono niya kahit medyo masakit ang lalamunan ko . "Deal!"


"Good! You're luckier than me pa naman. Baka pag ako lang 'di ko maperfect eh." habol niya pa.


Si Posh yung makikita mo sa school niyo na englisera at maraming accessories. But no one hates her because of her good attitude. What I liked her the most is her honesty.


At ako ngayon, mukha na siguro akong 'di tao. Nagmamadali si Mommy kaninang umaga umalis kaya 'di ko na inalala pa na mabigat ang pakiramdam ko. Hindi umuwi si Dad kagabi pero nakita naman namin ni Mommy na nasa trabaho si Dad dahil nag video call kami. At ang rason naman ni Mommy kaninang umaga ay work.


Uminom namam ako ng gamot kanina para sa lagnat at sakit sa ulo. Ngayon lang sumabay yung sa lalamunan. Nakakainis dahil ngayon pa naman ang speech namin.


"Hay! Wala ako maisip!" kunwaring sabi ko at nilapag ang ballpen na parang naiinis para mukhang totoo.


Pero ang totoo talaga ay gusto kong yumuko at maidlip ng saglit dahil bumibigat ang mga mata ko. Parang maluluha na.


Mukhang effective naman dahil tinawanan lang ako ni Posh. Makakatulog na sana ako nang biglang nagtanong si Posh.


"I'm curious, why did you stop competing in swimming? Last na ba talaga yung last year? Or you're just taking a break?"


Matagal bago ako nakasagot. "Just taking a break."


"Oh, sabagay you're always winning since you're little from what I heard."


Akala ko wala nang sasabihin si Posh pero meron pa pala.


"Change topic! I don't do backstabbing but you know what. Be careful with Kathelynn. I don't like her presence. I like yours so take it as an advice."


Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Kay Posh lang ata ako nakarinig ng ganyang comment about kay Kathelynn. Many said that Kathelynn was very generous and friendly. Kahit kaibigan niya sila Vivienne ay hindi naman pareho ang ugali niya sakanila.


"I'm not saying these because I like Kane. I'm a girl so it's better to be careful with having friends. I'm not plastic to her naman."


Marami nang tumatawag ng Kane kay Kristoff dahil nadamay na sa tawag ni Kathelynn. And Kristoff just let them.


Hindi ako kumibo sa sinabi ni Posh. Nanahimik lang ako. I don't want to meddle with Kathelynn. Just like Posh, I'm being careful. I don't want to think that there's something weird because maybe I'm just not used to Kathelynn being here.


Ayun hindi na ako nakatulog dahil malapit na magtime kaya bumalik na kami sa room ni Posh.


"Jean!" I heard Kristoff's voice behind me.


Mabilis kong nilagay sa folder yung speech ko para hindi mawala bago hinarap si Kristoff. He's already wearing a formal attire for the speech later. Samantalang ako magbibihis palang kung kelan malapit na magsimula.


"Bakit?"

Colour Me BlueWhere stories live. Discover now