19- Start of Chaos

2.2K 69 1
                                    

Luna Kiara's POV

Nandito ako ngayon sa balcony ng kwarto ko. Nakatingala ako at pinagmamasdan ang buwan na nagpapalit ng kulay. It's slowly becoming emerald, like my eyes.

Kapag nabuo ito ay magsisimula na, pero heto ako ngayon, nakamasid lang. Naka-night silk gown nga lang ako. The whole pack is in eerie silence. Tanging kuliglig lang ang maririnig mo sa buong paligid. Maybe because of fear.

"Why aren't you preparing my mate?" napalingon ako sa pinagmulan ng boses at nakitang bigla na lang sumulpot si Linus sa likod ko.

"I'm preparing my mind," sagot ko. Niyakap naman niya ako patalikod. He rested his chin on my shoulders and inhaled my hair.

"Don't go," sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"I'm worried about your safety. Ano na lang mangyayari sa'kin kapag nasaktan ka? Baka mabaliw ako Luna," he begged.

Hinawakan ko naman ang pisngi niya at ngumiti ng malaki. "Don't worry. Sila ang dapat matakot sila sa'kin no!"

"But you're still a woman. I know that you are fragile. Baka masaktan ka lang dun," he insisted. Kung alam lang niya.

"I promise you, babalik ako dito ng walang kahit isang galos," sabi ko dahilan para mapahalakhak siya ng mahina.

"Promise mo yan ah," sabi nito na parang hindi naniniwala.

"I promise to protect you at hindi ko hahayaang magalusan ka," sabi naman niya.

"No need Linus," saad ko.

"Ang why is that?" Hinarap ko siya at tinitigan sa mata.

"Dahil ako ang poprotekta sa'yo," he stared at me with amused eyes and suddenly pulled my waist and kissed me gently.

Nang humiwalay ang labi niya sa labi ko, dumiresto ito sa tenga ko. "Then let's protect each other, Mine," he said before hugging me tightly. Mayamaya ay nagpaalam na ako sa kanya na magbibihis na.

I wore my green armor. This armor was given to me by Miro Aestus. He made it using his divine fire to make it stronger. Regalo niya sa'kin nung 20th birthday ko.

Ang natatakluban lang nito ay ang maseselang parte ng katawan ko kaya lantad na lantad ang makinis kong balat. But don't underestimate it. It has an invisible barrier kaya kahit sino ay hindi ako masasaktan maliban na lang kung God or Goddess ang lalaban sa akin.

My green armor matches my emerald eyes kaya mas lumakas ang dating ko. Paglabas ko sa walk-in closet ko ay ramdam na ramdan ko ang titig sakin ni Linus.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan," saad ko bago umupo sa tabi niya.

"Why the heck are you wearing an overexposed armor?!" tiim bagang na tanong niya habang nakapikit.

"Why? What's wrong with it?" tanong ko.

"You will attract too many men! Can't you see how seductive you look right now?" sabi niya bago mag-iwas ng tingin.

"Plus, that outfit will be a waste when you shift to your wolf form," sabi nito dahilan para mapangiti ako.

"It will not be a waste kasi hindi naman ako magshi-shift. I don't need to shift dahil kaya ko namang silang pabagsakin in my human form kaya no need for it," sagot ko dahilan para lingunin niya ako.

"Speaking of your wolf, I haven't even seen you in your wolf form for Pete's sake!" gulat na saad niya because of the sudden realization.

"Yes, you haven't," natatawang sabi ko habang tumatango-tango.

"Why?! How come na kaya mong makatagal ng hindi man lang nagshi-shift sa isang buwan?! You're not a werewolf?!" nanlalaking matang tanong niya dahilan para mas mapahalakhak ako. Hinalikan ko siya sa noo bago tumayo na.

"I'll explain it to you after this. But for now, we need to get ready, our pack is waiting," sabi ko bago ilahad ang kamay ko at tinanggap naman niya kaagad.

Lumabas na kami para dumiretso sa training grounds dahil doon naghihintay ang lahat ng matigilan kami ng humarang sa amin sa Jane na humahangos.

"Linus! Sweetheart, we need to go! Come with me!" sigaw nito bago hawakan at hilahin si Linus pero natigilan siya ng iwaksi ni Linus ang kamay niya.

"Linus kailangan na nating umalis! The danger is coming!" sigaw uli nito. Hindi ata niya ako napapansin na nandito ako, at naka-armor pa!

"I will not come with a traitor, murderer, and deceitful being like you!" galit na sigaw ni Linus kaya natigilan si Jane.

"W-what?! N-No! What are you talking about?!" hysterical na tanong nito.

Inilipat naman niya ang tingin sa akin at lumabas ang galit at poot sa mga mata niya. "Fvck you! You brainwashed him! You took everything away from me! Mang-aagaw!" sigaw nito at tangkang susugudin ako, pero hindi na niya ito naituloy ng suntukin siya ni Linus sa mukha.  Knock out. Pfft.

"You deserved that bitch!" bulong ni Linus bago hawakan ang kamay ko at hinila papunta sa field.

Nadatnan namin silang lahat na nagpapaalam sa mga mahal nila sa buhay. What a sad sight to see. "Insan kumusta?" tanong ko kay Hiro.

"Ayos lang Couz, nalulungkot lang ako dahil alam kong hindi natin maiiwasan na magkaroon ng casualties. May mawawala pero alam kong that will be worth it dahil makukuha naman natin ang kapayapaan right?" malungkot na saad niya habang nakatingin sa mga pack members namin. He is truly a great Beta. He cares deeply about our pack.

Pagkatapos noon ay wala ng uling nagsalita sa amin. The night is so silent and horrifying. It screams danger and bloodshed. Sabay sabay naming hinitay at pinanood ang unti-unting paglabas ng esmeraldang buwan.


Jairo's POV

Hawak ko ng mahigpit ang kamay ng mate ko. Ayaw ko siyang pasamahin pero nagpumilit siya. Warrior daw siya at may responsibilidad sa pack kaya sa huli ay wala pa rin akong nagawa. Pero sa kabila ng pagiging matigas ang ulo, I truly admired her bravery. Napakatapang na babae.


Magkahawak naming tinanaw ang pagsakop ng esmeraldang kulay sa buwan. Ng maging Esmeralda ito ng tuluyan ay may isang malakas na umlungong. A howl that indicates the start of this battle. Umalungong na rin ang mga kasamahan namin at isa isa ng pagpapalit ng anyo.

I glanced at my mate and kissed her forehead one last time before letting go of her hand. "Wag kang lalayo sa'kin." Paalala ko bago mag-shift into my wolf form.

Itaga mo sa bato. Saktan nila ang mate ko, at baka makalimutan kong bakla ako noon. Subukan nila.

______Rhy428_______

Esmeralda- Emerald

Selenia: The Emerald MoonWhere stories live. Discover now