3- Partners

3K 100 16
                                    

Luna Kiara's POV

"Rave and Rileston, kayong dalawa ang magkagrupo para sa gawing ito. Do research on all the things about the daughter of the moon." Pahayag ni Ms. Cely, one of the elders.

Isa siya sa mga guro dito sa academy and she's currently giving the groupings para daw sa activity namin ngayon.

Rinig niyo naman diba? Rave daw! Siya talaga? Kita ko ang masamang titig sa akin ni Linus dahilan para irapan ko lang siya. Sabi na eh! Tas ako pa ang iriresearch? Magaling din sila.

"Silva and Sullivan, you two will research facts about the Moon Goddess." Patungkol pa nito kay Jane at Cayden na ngayon ay parehas nakakunot ang noo. Bakit kasi alphabetical ang groupings! Nakakainis! Magkasunod tuloy kami ni Linus.

Kita kong kumunot ang noo ni Linus ng matawag ang apelyido ni Jane. Ibinagsak niya ang kamay niya dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat.

"What's the problem Alpha?" seryosong tanong ni Elder Cely.

"I don't like to be partnered with that girl. Change it. Let Jane be my partner." Seryosong utos ni Linus na ikinakunot ni Elder.

Kita ko rin na ikinuyom ni Cayd ang kamao niya para pigilan ang sarili. Ayaw na ayaw niya kasing binabastos ako ng kahit sino.

"Do not use your power here at school Alpha. It won't work." Nailing na saad nito na ikinapagngalit ni Linus.

"Elder, I agree with Linus. I don't like him being partnered with Lu--Kiara. Change it please," Saad naman ni Cayd na ikinalingon ni Linus. Sinamaan niya ng tingin si Cayd pero tinaasan lang nito ng kilay si Linus.

"Warrior Cayden, here in the classroom, you are just students and I am your superior. You can't question my words," seryosong saad ni Elder na ikinasinghal ng dalawang lalaki. Ano bang problema ng dalawang to?

"Pero sige, kayo'y aking pagbibigyan. Ngunit nakasalalay sa dalawang dalaga ang desisyon," sabi nito na ikinakunot ng noo ko. 

Bakit ako nadamay? Nananahimik ako dito ah! "Jane and Kiara, stand up," utos nito na ikinairap ko.

"Tell me your opinion about what a Luna is," saad pa nito na ikinataas ng kilay ko. Anong connect? Napangiti si Jane bago magtaas ng kamay.

"Yes Jane?" Tinignan muna ako nito bago ngitian. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaasar.

"A Luna. It is the title given to the alpha's mate. She is the half of the alpha, his life, his strength, his comfort. Without her, the pack will not be complete. She should be respected by all the pack members and protect at all costs. She is the gem of the pack. The one who will bear the next generation of werewolves. She should be the most powerful and elegant woman on the pack and all of them should serve her until their last breath," proud na saad ni Jane na ikinataas ng kilay ko. Seryoso siya?

Kita ko ang ngiti sa labi ni Linus na mas ikinainis ko. At masaya talaga siya sa sagot ng babaeng yun? Hah! Ikinuyom ko ang mga palad ko para pigilan ang galit.

Ganon ba kababaw ang tingin nila sa pagiging Luna? Mas nag-init ang ulo ko ng pinalakpakan siya ng mga kaklase ko.

Nilingon naman ako ni Elder Cely dahilan para lingunin din ako ng mga kaklase ko na may nang-uuyam na tingin. Nakakainis.

"What can you say Kiara?" saad ni Elder na ikinasinghal ko. Nilingon ko si Jane pati na rin ang mga kaklase kong bwiset.

"Is that what a Luna means to you? A title? Alpha's Mate? Hah! Stupid." Bulong ko sa huling sinabi ko na alam kong hindi nakaligtas sa pandinig ni Linus dahil nakita ko ang masamang tingin niya sa akin.

Selenia: The Emerald MoonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora