2- Her Guardian

3.3K 116 9
                                    

Luna Kiara's POV

Isang buwan na din simula ng pag-uusap namin ni Linus, pero sa halip na layuan ko siya ay mas lalo ko pa siyang nilapitan. Kinukulit ko palagi siya kaya naman palagi siyang badtrip.

"LINUS!" sigaw ko bago ako tumabi sa kanya. Lunch na ngayon at napagpasyahan kong bwisitin ang lalaking ito. Hahaha!

"WHAT?!" inis na tanong niya kaya napasimangot ako.

"Ganyan mo ba babatiin ang maganda mong mate ha?" pang-aasar ko sa kanya.

Sa isang buwan kong pambwibwisit sa kanya, alam ko na ang mga ayaw at gusto niya, at ang pinaka-ayaw niya ay kapag tinatawag ko siyang mate. "Tsk! I told you to stop being my self-proclaimed mate dahil hinding hindi yun mangyayari!" sigaw niya bago inis na umalis sa table.

Sanay na sanay na din akong sigaw sigawan niya at i-reject kapag may pagkakataon pero di pa rin nawawala ang kirot tuwing ginagawa niya yun.

Kahit masakit sa puso ay tinitiis ko na lang. Literal ha! Masakit talaga ang puso ko! Kasama yun sa mate bond!

Kapag nirereject ka ay makakaramdam ka ng physical pain, pero dahil wala pa ako sa tamang edad ay medyo tolerable pa naman.

Inilabas ko na ang pagkain ko at nagsimula ng kumain. Wala si insan ngayon dahil ng Beta Duties niya. Alam niyo naman, second in command ang loko, kaya kailangang maging responsible. Mag-isa tuloy akong kumakain.

Absent din yung isa kong kaibigan, si Alex. Psh! Kung kelan kailangan ko sila, tsaka naman pawala wala. Oh kaibigan ko na yun ah. Hindi naman ako ganun kasama gaya ng iniisip niyo.

Nagulat naman ako ng may humila ng buhok ko. Mga weak bitches na naman. Tsk. Sa isang buwan ko dito, nasanay na rin ako sa mga mahihinang iyan. Malandi daw ako, social climber, slut, bitch, lahat na!

Ako daw ang dahilan kung bakit naghiwalay ang perfect couple nila, si Jane at Linus. Bakit parang kasalanan ko naman na mate ko si Linus? Ginusto ko ba? 

Pero kung akala niyo ay iiyak na lang ako sa isang tabi, pwes nagkakamali kayo, I'm not a demigod for nothing! Walang sinuman ang pwedeng bumastos sa akin, lalo na kung hamak na lobo lamang.

"Hey bitch! Hindi ka pa ba titigil sa panlalandi kay Alpha?! Halatang halata naman na ayaw niya sayo diba?! Tsk! Mate daw! Ambisyosa!" pang-aasar sa akin ni Isabel, number one bitch in the academy, bestfriend in Jane.

Aalis na sana ako ng hilahin uli nila ang buhok ko. Aba't! Nakakarami na siya! Isa pa talaga, papatulan ko ang babaeng to. "Hindi ka siguro tinuruan ng nanay mo na wag maging ambisyosa, o baka naman, parehas kayo ng nanay mo? Ambisyosa!" saad niya na ikinainit ng ulo ko. Kiara, magtimpi ka.

"Mag-inang ambisyosa!" sigaw nila sa pagmumukha ko na pumutol sa manipis kong pasensya. Wala silang karapatang laitin ang Ina ko. Dumilat ako at tumingin sa kanya. My stare screams danger and anger. Ramdam ko ang takot niya pati na rin ang mga kasama niya. No one dares to speak.

"Repeat what you've said." Malamig kong utos.

"M-mag i-inang A-mbisyosa!" lakas lakasang loob na sabi niya kahit ramdam ko ang panginginig niya. Ang lakas ng loob niya. Napakalakas. Ewan ko na lang kapag nakarating ito kay Ina.

Biglaan ko siyang isinandal sa pader dahilan para mapasigaw ito sa sakit. Sinakal ko siya gamit ang braso ko bago ko ilapit ang mukha ko sa tenga niya. "You don't have any fvcking rights to call me and my mother ambitious. Kung ayaw mong malaman ng lahat ang sikreto ng pamilya mo. Hmmm? What's that again?" mapanganib na saad ko dahilan ng pamumutla niya.

"L-liar!" sigaw niya dahilan para tumaas ang sulok ng labi ko.

"Your grandmother killed her mate and marry an elder to gain power right, Isabel? Try me again, and I will ruin your life. Mark my words." Walang emosyong bulong bago ko siya iwanang tulala kasama ang mga tao sa paligid na kanina pang nagbubulungan.

Panira ng lunch. Ang sarap na ng kain ko eh.

Nakasalubong ko si Linus na pabalik na uli sa cafeteria pero hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad. Wala ako sa mood ngayon para maghabol sa kanya.

May kasama siyang isang pamilyar na lalaki ngunit hindi ko na yun pinagtuunan ng pansin. Ng lampasan ko sila ay kita ko ang gulat sa mga mata niya. Nasanay kasi siyang masaya ako palagi at habol ng habol sa kanya. Ibahin mo ngayon.

"Luna," bulong ng isang pamilyar na boses dahilan para mapatigil ako sa paglalakad kasabay ng pagtahimik ng mga lobo sa paligid.

Nilingon ko ito at napangisi ako ng makita ang gulat na lalaki sa harapan ko na para bang hindi kapanipaniwalang makikita niya ako dito.

"Cayden," bati ko dito. Siya pala ang kasama ni Linus. Hindi ko masyadong nakilala kanina dahil sa pagkabadtrip ko.

Napasinghap ang lahat ng makitang lumuhod ito sa harap ko at nagbigay-galang. "It was nice meeting you again Luna," saad nito habang nakalagay ang kanang kamay sa dibdib at nakatungo sa harap ko.

Inilipat ko ang tingin ko kay Linus at kita kong nakakunot ang noo niya dahil sa pagtataka tulad ng mga tao na nakakita sa kilos ni Cayden.

"Cayden, you are a divine warrior! Your authority is the same as an alpha. Why the heck are you kneeling on that bitch? And you're calling her Luna? What the hell?" inis na tanong ni Linus na ikinatayo ni Cayden.

Marahas niyang nilingon sa Linus at mabilis na kwinelyuhan ito dahilan para mapasinghap ang lahat.

"Yes, I am a divine warrior," saad ni Cayd habang masamang nakatitig sa nakakunot na si Linus. "I am just a warrior."

"And. You. Are. Just. An. Alpha."

"You have no right to call my Luna a bitch because you are nothing compared to her. Do you understand?" mapanganib na dagdag pa niya na mas ikinagulo ng isip ni Linus.

Bago pa makapagreact si Linus ay mabilis na binitawan na siya ni Cayd at hinila ako papalayo. "Luna, I'm very sorry for what Alpha Linus said. He's just—"

"It's okay." Putol sa paghingi niya ng tawad ng makarating kami sa isang pasilyong walang tao. Bakit siya ang magsosorry diba? Diba dapat yung bwiset na lalaking yon?

"But why are you here, your grace?" takang tanong nito na ikinairap ko. Alam niyang anak ako ng Moon Goddess dahil siya ang natatanging lobo na napili ni ina upang sanayin kasabay ko.

Bata pa lang ay magkasama na kaming nagsasanay sa Elium at ng matapos ito 3 years ago ay ngayon lamang uli kami nagkita. Siya ang kanang kamay ko, Guardian kumbaga. The one and only divine warrior of Selenia.

"Bakit ayaw mo?" taas kilay kong tanong na ikinailing naman niya. "It's because of Linus." Sagot ko na lang na ikanapagsalubong ng kilay niya.

"Because of that alpha who badmouthed you? Why?"

"He's my mate." Maikling sagot ko na ikinalaki ng mata niya.

"TOTOO?!" gulat na sigaw niya. Tumango na lang ako sa kanya.

"Yes, he is, pero hindi sila naniniwala dahil hindi pa ako tumutungtong ng ika-20 taon ko. And besides, he has this girl pretending to be his mate, Jane is the name." pahayag ko pa na ikinaawang ng labi niya. Gulat na gulat?

Ng masagap niya ang sinabi ko ay dumilim ang kanyang awra at tumalikod upang bumalik sa cafeteria kung nasaan si Linus ngunit kaagad ko siyang pinigilan.

"It's not the time to reveal who I am Cayden. Hindi pa ngayon. For now, just keep my identity hidden and act like I'm just an ordinary werewolf. Do not call me Luna, do not give respect on me, and don't use honorifics while talking with me understand?" utos ko sa kanya na ikinasinghal niya.

"Do I have a choice Luna?" inis na tanong niya na ikinatawa ko.

"Syempre" I answered making his face brighten.

"Wala" I continued making his smile fade. Hahaha.

______Rhy428______

Selenia: The Emerald MoonWhere stories live. Discover now