4- Teasing Him

2.8K 107 7
                                    

Luna Kiara's POV

"Couz, anong plano mo? Malapit lapit na din ang birthday mo diba?" tanong ni Insan habang kumakain kami dito sa cafeteria kasama ni Cayden at Alex.

"Talaga buwan?! Baka naman, imbita ka naman diyan," saad ni Alex habang itinataas-taas ang kilay niya.

"Oo na! Malakas ka sakin eh!" saad ko na ikinapalakpak niya. May pa buwan buwan pang nalalaman eh.

"Advance Happy Birthday Luna," nakangiting saad naman ni Cayd dahilan para ngitian ko rin siya.

"Thank you, my guardian," saad ko sa kanya dahilan para mas lumawak ang ngiti niya.

"You're welcome, my master," pagsakay niya sa trip ko dahilan para napatawa ako ng mahina.

Natigil naman ako sa pagtawa ng maramdaman ang isang matalim na titig. Kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa akong double dead. Ano bang problema ng Alpha na yun? Nakakainis yung pagmumukha eh. Mas lalo akong nainis ng makitang nakalingkis yung linta sa kanya. Bwiset na PDA yan! Naaalibadbaran ako sa kanila!

Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa mga lalaking kasama ko ngayon dahil baka ako pa ang makagamit ng death glare ng wala sa oras.

"Nga pala, bukas na yung punta natin sa 3rd District diba? Tapos ang partners ay tulad pa rin ng last week? Hays! Titiisin ko na naman ang mabahong hininga ng baklitang yun! Yacks!" nandidiring saad ni Alex na ikinabuntong hininga ko na lang.

Oo nga pala, si Linus uli ang partner ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ayaw ko, kasi sino ba namang niloko ko? Eh sa loob loob ko ay sobrang saya ko dahil makakasama ko uli siya. Nakakainis naman kasi! Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Gustong gusto kong magkaayos kami, pero dahil dun sa lintang yun, hindi niya ako matrato ng maayos!

***

"Tsk! Why does it have to be you again!" pagmamaktol niya habang naglalakad papunta sa 3rd District.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Psh." saad ko bago umirap sa kanya. Itinuon ko na lang ang paningin ko sa lugar.

This is part of Golden Moon pack, pero dahil sobrang laki ng population namin, nahati ito sa tatlong district, at ang 3rd ang may pinakasimple na mga mamamayan. Nandito kami para libutin ang lugar at para na rin tulungan sila as said by Elder Cely.

"Class! Gather around!" sigaw ni Ms. Cely ng makarating kami. Pinalibutan siya ng mga estudyante habang naghihintay ng kanyang sasabihin.

"This is the 3rd District of our pack, and I want you to observe the place with your partner. Observe the people, their everyday living, and everything in here. Talk with the people and help them if you want. I will give you half the day para gawin ang nais niyo dito sa lugar. Pagpatak ng alas-tres ay dapat nakabalik na kayo dito sa ating base. We will have a sharing afterward. Now go! And don't forget to enjoy!" saad niya. Unti-unti ng nagkakanya kanya ang mga estudyante kasama ang kanilang partners.

Nilingon ko si Linus at nakita kong naglalakad na siya papalayo kaya mabilis akong tumakbo para makahabol sa kanya. "Psst! Ano ka ba naman! Nagmamadali lang?!" reklamo ko ngunit sinamaan lang niya ako ng tingin.

Habang naglalakad kami ay nakita namin sina Cayd at Jane na nakasimangot sa isa't-isa. Galit talaga ang guardian ko sa lintang yan. Well, parehas kami. Wahahaha.

"Sweetheart!" masayang sigaw niya habang kumakaway kay Linus. Napangiti naman ang loko bago lumapit dito. INIWAN AKO! HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA INIIWAN IWAN LANG NIYA AKO NG GANON! Humanda sa akin ang lalaking yan!

Selenia: The Emerald MoonWhere stories live. Discover now