Lihim akong nagpalabas ng sanga sa dinadaanan niya at dahil sa kasabikan dun sa linta ay hindi niya ito napansin dahilan para matakid ito. BAGSAK! Una ulo! Wahahahahaha!

Napabungisngis ako ng palihim ganun din si Cayd, samantalang si Jane naman ay nanlaki ang mata bago dali daling tumakbo para tulungan si Linus na tumayo, pero bago pa siya makalapit ay natakid na din siya dahil sa sangang ginawa ko. Pfft! Para silang timang! Wahahaha! Buti nga sa inyo!

Tumayo na si Linus at tatakbo na sana papalapit kay Jane ngunit sa ikalawang beses ay natakid muli siya dahilan para hindi ko na mapigilan ang paghalakhak ng malakas. Pfftt! Nakakatawa sila! Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sobrang pagtawa. Ang lalampa kasi! Hahahahaha!

"STOP LAUGHING BITCH!" galit na sigaw ni Linus na ngayon ay pulang pula na ang mukha at tenga dahilan para mas lumakas ang tawa ko. Hahahahahaha!

"Yiieee! Hahahaha! Namumula pala ang Alpha! Hahahahaha! Masarap bang humalik yung lupa?! Hahahahaha! Baka magselos si Jane niyan! Nanghahalik ka ng iba. Hahahahaha!" pang-aasar ko dahilan para bigla itong bumangon at masama akong tiningnan.

Kita ko ang inis sa mg mata niya, at ng maramdaman kong susugurin niya ako ay mabilis akong tumakbo papalayo sa kanya habang patuloy pa rin sa pagtawa. Wahahahahaha! Ng makalayo layo ako ay humarap uli ako sa kanya bago sumigaw ng malakas, yung pakinig ng lahat ng tao sa paligid.

"MAY LUNA NA KAYO PEOPLE!! HAHAHAHAH! SI LUNA LUPA! HAHAHAHAHAHA! PFFT! MAGBIGAY GALANG KAYO!" Kita ko ang pagpipigil ng tawa ng mga tao pero yung iba ay hindi na ito napigilan at napahalakhak na lang kasama ko. Wahahahahaha!

Tinignan ko si Linus at kita ang masamang tingin niya sa akin at take note! Mas mapula na siya ngayon. Wahahaha! May mas ipupula pa pala siya?! Bigla na lang siyang nawala at nanlaki ang mata ko ng maramdaman na malapit na siya sa akin. Bago pa siya makalapit ay tumakbo na rin ako papalayo sa kanya habang tumatawa.

"Humanda ka saking babae ka!" nanggigigil na saad niya na mas ikinatawa ko.

"Pikon ka pala Alpha eh!" pang-uuyam ko pa sa kanya dahilan para mas bumilis ang takbo niya. Wahahahaha! Ng maramdaman kong malapit na siya sa akin ay tumigil ako sa pagtakbo at humarap sa kanya.

Dahil sa gulat ay hindi agad siya nakatigil kaya nagtama ang katawan namin. Dahil sa lakas ng impact ay natumba kaming dalawa at nanlaki ang mata ko ng makitang nasa ibabaw ko siya at magkalapat ang labi namin. What the! 

Ng makarecover sa gulat ay mabilis ko siya tinulak papalayo sa akin. Muntik ko na ngang hayaan eh, pero wag na lang, hahahaha!

"Alpha naman, gusto mo lang palang magpahalik sa akin, sana sinabi mo ng maaga, mabait naman ako eh, hindi yan hahabul-habulin mo pa ako. Tsk! Tsk! Tsk!" saad ko na lang dahilan para mas lumakas ang tawa ng mga tao at siya naman ay mas nagngitngit sa galit.

"HECK!" inis na sigaw nito sa sarili bago tumayo at samaan uli ako ng tingin. Nilapitan niya si Jane at humingi ng patawad. 

"I-it's okay. It's just an accident," saad niya na ikinahinga ng maluwag ni Linus. Sino namang niloko mo linta? Kita naman ang galit niya kanina namplastik pa. Napailing na lang ako at napalingon sa isang dako.

I saw a pale kid na halatang napabayaan na. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Lumuhod ako para magkapantay kami at hinawakan ang magkabila niyang balikat. "Hi kid, what's your name?" nakangiting tanong ko. I saw shock and fear from his eyes bago dali daling tumayo sa akin.

"Anong problema?" malamyos kong saad.

"Ka-kasi p-po, m-malas daw p-po ako, b-baka po mahawa k-kayo," utal na saad nito habang takot na takot. I smiled and looked at him with joyful eyes.

"Sa gwapo mong yan, malas ka?" nakangiti kong saad na ikinaawang ng labi niya. Maya maya ay may tumulong luha sa mga mata niya dahilan para bigla akong mataranta.

"What's the problem? Did I say something wrong?" tanong ko pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. I even heard him sobbing dahilan para halpusin ko ang likod niya para tumahan ito. "Shhh, I'm here handsome."

Ng tumahan na ito ay ihinarap ko siya sa akin at nginitian. "What's the problem?" malamyos kong tanong sa kanya.

"Kasi po kayo lang po ang n-nagsabi niyan sa akin. Sa-sabi po ng papa ko po malas ako dahil nawala ang mama ko ng dahil sa akin," naiiyak na sabi niya sa akin at unti-unti na namang tumulo ang mga luha niya.

I used my thumb to wipe his tears bago siya ngitian muli. "What's your name handsome boy?" tanong kong muli.

"Tristan po," sagot nito.

"Baby Tristan, hindi ka malas ha? You are a precious blessing that should be cherished. Ang gwapo gwapo mo kaya! Siguro ang daming nagkakacrush sayong babae no?" pang-aasar ko na ikinapula niya. Ang cute!

"Your mama, she's happy now in Elium. Gusto mo bang malungkot siya dun kapag nalaman niyang umiiyak ka? Kaya don't call yourself malas dahil hindi yun totoo. Ang your papa, maybe he's just hurting kaya niya nasabi ang mga bagay na yun, pero hindi yun totoo. Mahal na mahal ka niya sigurado ako. Kaya cheer up na okay?" saad ko na ikinangiti niya. Naging conyo pa nga naman ako eh. Hahahaha.

"Salamat po Luna." Saad ko na ikinalaki ng mata ko. Luna?! Wala naman akong sinasabihang iba na Luna ang pangalan ko ah!

"Tan, bakit Luna ang tinawag mo sakin?" tanong ko na ikinangiti lalo niya.

"Kasi diba hinalikan ka po ng Alpha? Edi ibig sabihin ikaw ang Luna namin at hindi yung lupa. Diba po?" inosenteng saad niya na ikinatawa ko.

Naalala ko na naman yung Luna Lupa. Wahahahaha! Parang timang! Rinig ko ang singhal ni Linus sa isang tabi. Nandito pala ang lalaking yun! Aba naman! Hindi lang siya alpha, isa siyang Bugnutin at Chismosong Alpha!

______Rhy428______

Selenia: The Emerald MoonWhere stories live. Discover now