Chapter 27

7.1K 244 6
                                    

[DANIELLA'S POV]

Papalabas na sana ng bahay si Daniella nang biglang ianunsiyo ni Barbie na may bisita siya. Pero pagkakita niya kay Bless ay lihim na napaismid siya. Hindi bisita ang turing niya dito kundi bwisita.

“Anong ipinunta mo dito?” walang paliguy-ligoy na tanong niya sa half-sister niya na alam niyang noong bata pa lang sila ay mainit ang dugo sa kanya.

“Hindi mo man lang ba ako yayayaing maupo sa magara mong sofa?” nakatikwas ang kilay ng bruhilda niyang kapatid nang sabihin iyon.

“Bakit pa? I’m sure hindi ka rin naman magtatagal. Besides ayokong marumihan ang maganda kong sofa kaya sabihin mo na ang sadya mo at may lakad pa ako.”

Tiningnan siya ni Bless mula ulo hanggang paa. Satisfied naman siguro ito sa nakikita nito. Di hamak na mas maganda na siya dito ngayon. “Lubayan mo ang boyfriend ko. Hindi ko alam kung paano kayo nagkakilalang dalawa. Pero sigurado akong kaya ka nakikipaglapit sa boyfriend ko ay dahil gusto mo siyang agawin sakin. Gusto mong gumanti dahil inagaw ko ang boyfriend mo noon.”

Hindi niya maiwasang matawa sa tinuran nito. “Seriously, matagal ko nang nakalimutan ang ginawa mong panunulot kay Wade sa akin noon. That was ages ago, Bless. I’ve already moved on. But I’m sorry to disappoint you but I’m not giving up on Travis that easily. Not now that I know na hindi siya magiging masaya sayo.”

“Ganyan ka na ba kadesperada, Daniella? Mang-aagaw ka ng lalaki para lang magka-jowa ka? Why, don’t you have any suitors? I know your calibre. I don’t think na walang ni isang nagkamali sayo.”

“Si Travis ang mahal ko.”

“Mahal? Ni hindi mo nga siya kilala!” halata na ang panggigil ni Bless kanya. Nakita naman niya sa sulok ng mga niya na nakaantabay lang si Barbie sa isang sulok para kung sakaling sugurin siya ng kapatid niya ay mabilis na masasaklolohan siya nito.

“Mas nauna kong nakilala si Travis sayo. Mas nauna ko siyang minahal kesa sayo. At sigurado ako, mas mahal ko siya kumpara sa pagmamahal mo sa kanya!” she hissed. She was starting to feel frantic.

“Binabalaan kita, Daniella. Lubayan mo ang boyfriend ko,” matapang na saad ni Bless si kanya.

“Binabalaan din kita, Bless. Hindi ko basta-bastang isusuko si Travis. Not now, not ever,” taas-noong sagot niya dito.

Nang mag walk out si Bless at sabay pa silang napahagalpak ng tawa ni Barbie.

“Bruhang ‘yun. Sugod nang sugod. Saka kung talagang mahal siya ni Travis, hindi siya dapat natatakot sayo. Alam ko, desperate act niya na lang iyon. Siguro ay alam niyang wala siyang laban sayo.”

“Tama ba talaga ang gagawin ko, Barbie? Tama ba na ipaglaban ko si Travis?”

“Ikaw lang ang makakapagsabi nyan, girl. Ikaw, handa ka na bang tumanda na hindi si Travis ang kasama mo? You decide for yourself. Huwag mong iasa sa ibang tao ang magiging kaligayahan mo.”

“What if ayaw sa akin ni Travis? What if hindi naman pala ako ang magpapasaya sa kanya?”

“Saka mo na sagutin ‘yang mga ‘what ifs’ mo kapag nagawa mo na ang bagay na dapat mong gawin.”

“Thanks girl. Thanks din kasi ni minsan hindi mo ko iniwan at pinabayaan.”

Confessions of a Fashion Blogger [COMPLETED]Where stories live. Discover now