Chapter 25

7.3K 230 26
                                    

[TRAVIS' POV]

Sa huling pagkakataon ay isinuko na ni Travis ang kagustuhang makapag-concentrate sa mga papel na kaharap niya. Hindi niya magawang mag-concentrate dahil pilit na gumigitaw sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Daniella sa VSU.

Hindi siya lasing nang gabing iyon kaya nasa tamang pag-iisip siya nang gawin nila ang bagay na ‘iyon’. Sa kaibuturan ng puso niya ay wala siyang makapang pagsisisi nang magising siya kinabukasan. Pero nakaramdam siya nang matinding lungkot nang pagmulat niya ng mga mata ay hindi na niya nasilayan pa ang dalaga.

Ang inaasahan pa naman niya ay magigisnan niya itong nakahiga sa tabi niya at mahigpit na nakayakap sa bewang niya. But he was wrong. Bigla na lang nawala si Daniella. Gusto sana niya itong hanapin para makapag-usap sila nang masinsinan pero bigla naman siyang nakatanggap ng isang tawag.

Tawag na nagmula sa isang taong nagpaalala sa kanyang mali ang nangyari sa kanila ni Daniella. At dahil din sa tawag na iyon ay bumalik siya sa Maynila na magulong-magulo ang isip.

Tinungga niya ang laman ng canned beer na nasa tabi niya. Halos mapangalahati agad niya ang laman ‘nun.

Akmang ipipikit na sana niya ang mga mata niya nang marinig niyang may nag-doorbell. Nagtaka siya. Wala naman silang usapan ni Bless na magkikita sila ngayon. Besides, malapit nang mag alas-onse ng gabi.

Ganoon na lang ang gulat niya nang pagbukas niya ng pinto ay si Daniella ang nabungaran niya. At sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok nang makita niya ang itsura nito.

Daniella looked sinfully beautiful. Naka-expose ang balikat ng dalaga sa suot nitong jumpsuit. At biglang sumingit sa isipan niya kung paanong pinanggigilan niya ang balikat at leeg nito nang gabing may mangyari sa kanila ng dalaga.

Hindi pa man siya nakakapagsalita ay agad na lumapit ang dalaga sa kanya at maalab na hinalikan siya sa labi. Gusto sana niyang magprotesta pero mas nanaig sa kanya ang kagustuhang matikmang muli ang mga labi nito.

Nang maglapat ang mga labi nila ay kusa namang pumulupot ang mga kamay niya sa malantik na bewang ng dalaga. God, I must be crazy for kissing this woman. Pero kahit na anong gawin niya ay ayaw manaig ng rational niyang pag-iisip.

Pero hindi nagtagal ang halik na pinagsaluhan nila ni Daniella dahil isang galit na galit boses ang nagpahiwalay sa kanila. “How dare you, Travis! How could you do this to me!”

Pakiramdam niya ay isa siyang kriminal na nahuli sa aktong gumagawa ng masama. Pero hindi nga ba? Nahuli siya ng girlfriend niya na may kahalikang ibang babae. Technically, he was cheating on Bless—his girlfriend.

Pero ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makilala ni Bless si Daniella. “You? Of all people, ikaw pa, Daniella? Ikaw pa na sarili kong kapatid? Ano, gusto mo akong gantihan ngayon dahil sa ginawa ko sayo noon?”

Nagulat siya sa narinig. Magkapatid si Bless at Daniella? Doon niya naalalang may naikwento sa kanya si Daniella noon na minsan ay inagawan daw ito ng boyfriend ng sarili nitong kapatid. Pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na magkapatid sina Daniella Villacorte at ang girlfriend niyang si May Bless Pinlac.

Could it be na tama si Bless? Ginagamit lang siya ni Daniella para makaganti ang huli sa kapatid nito. Hindi niya pinigilan si Daniella nang bigla na lang itong lumabas sa condo unit niya. Ni hindi siya nagtangkang habulin ito.

Sa halip ay natagpuan niya ang sarili na niyayakap ni Bless. “I’m willing to forgive you, Travis. Just promise me na hindi na mauulit ang bagay na ito,” humihikbing pakiusap ni Bless sa kanya. At para namang kinurot ang puso niya dahil sa nakikitang itsura ng nobya niya. Siya itong nahuli nito sa aktong nagloloko, hindi ba’t mas tamang siya ang makiusap dito na patawarin siya?

“Kapatid mo si Daniella?” sa halip ay tanong niya dito.

“Yeah. Kapatid ko siya sa ama. Hindi ko lang siya binabanggit sayo dahil hindi rin naman kami close. Maldita ang babaeng iyon, Travis. Sigurado akong kaya ka niya inakit ay dahil gusto niyang gumanti sa akin. But for Pete’s sake. Matagal nang nangyari ang ikinakagalit niya sa akin.”

“Bakit siya nagalit sayo?” Nakita niya ang uneasiness sa mukha ng girlfriend niya nang ibato niya ang tanong na iyon dito.

“D-dahil ako ang pinili nung boyfriend niya noong high school pa lang kami. But hey, matagal nang nangyari ‘yun. Nakalimutan ko na nga ‘yun.”

“And you’re saying na masama ang ugali ni Daniella?”

“Why do I have this feeling na mas kinakampihan mo pa ang babaeng iyon kesa sa akin? You’re the one cheating here, Travis. And yes, masama nga ang ugali ng babaeng ‘yun. Palibhasa’y nagmana sa nanay niyang kabit.”

“Please lang Bless, I don’t know her mom. Pero huwag mo naman sanang idamay ang taong patay na. She’s not here to defend herself.”

“Whatever! But I want you to promise me na hindi ka na makikipagkita pa sa babaeng iyon. I love you so much, Travis. At hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin. Lalo na ang maagaw ka ng Daniellang iyon.”

For some reason, iba ang naging dating sa kanya ng naging pag-uusap nila ni Bless nang gabing iyon. Hindi siya kumbinsidong masama ang ugali ni Daniella. He knew that Daniella was sweet, caring and passionate. She was far from being an evil.

Ang hindi lang siya sigurado ay kung totoong kaya lang ito nakipaglapit sa kanya ay para makaganti sa kapatid nito na noon ay nakagawa nang hindi mabuti dito.

Lihim na nagpasalamat siya nang umalis din kaagad si Bless sa unit niya. He could not stand the night being with her. Masyadong magulo ang isip niya. Gusto niyang mapag-isa. Gusto niyang i-sort out ang feelings niya.

Dahil sa totoo lang, simula nang magkita uli sila ni Daniella sa VSU ay parang hindi na siya masaya sa relasyon nila ni Bless. Parang noon lang niya napagtantong hindi talaga siya lubusang masaya kasama si Bless.

Confessions of a Fashion Blogger [COMPLETED]Where stories live. Discover now