Chapter 02

13K 506 9
                                    

[DANIELLA'S POV]

“Hi!” Bati ni Daniella sa amang nakaupo sa isang magarang ergonomic chair habang may inaaral na mahalagang papeles. She wanted to greet him with ‘Hi dad’ pero hindi naman siya sanay na tawagin itong daddy.

“Daniella! This is such a nice surprise. Come here, hija. Give daddy a hug.”

Napipilitang lumapit siya sa daddy niya at marahang yumakap dito. It was odd of her. Hindi naman kasi iyon ang ipinunta niya sa opisina ng daddy niya. Pero pagkakita niya dito kanina ay parang kinurot ang puso niya dahil sa nabungaran niyang hitsura nito. Malaki ang ihinulog ng katawan nito simula nang huli niya itong makita. Halata na rin ang mga puting buhok nito at parang mas nadagdagan ang mga wrinkles nito sa noo.

“Are you okay?” tanong niya sa daddy niya. Bakit bigla yata siyang tinubuan ng concern para sa lalaking naging daan para makita niya ang mundo? Is it because she’s feeling gloomy too?

“I’m okay. Why are you asking me if I’m okay?” tugon ng daddy niya.

“You don’t seem okay. You looked terrible.”

Nagkibit balikat lang ang daddy niya. “May mga iniisip lang ako. Ang ate Bless mo, marami daw bagsak na grades. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa ate mong ‘yun. Ang Tita Cristina mo naman, wala nang ibang ginawa kundi ang magliwaliw sa iba’t ibang bansa. Hindi tuloy niya matututukan ang anak niya,” himutok ng daddy niya. Ang Tita Cristina na tinutukoy nito ay ang mommy ni Bless. Ang babaeng naging kaagaw ng Mommy Robella niya sa puso ng daddy niya. “Anyway, I shouldn’t be discussing these things to you, hija. It’s none of your business. Ang mabuti pa ay lumabas tayo at pag-usapan natin ang isinadya mo dito. I’m sure, importante ang sasabihin mo, anak.”

Parang may kung anong bagay ang bigla na lang namuo sa lalamunan niya pagkarinig niya sa salitang ‘anak’. The way her dad mentioned that word, it was so heart warming that it almost made her cry. Pero mabilis niyang nasaway ang sarili.

 Magkaagapay na lumabas sila sa opisina ng daddy niya. Alam niyang lahat ng mga empleyado nito ay nakatutok ang mga mata sa kanya. Ang iba nagtataka. Pero karamihan sa mga ito ay kilala siya at alam kung ano ang kaugnayan niya sa Presidente ng Pinlac Group of Companies. Up to this time ay hindi siya nagtatanong kung bakit Villacorte at hindi Pinlac—apelyido ng daddy niya—ang gamit niyang apelyido. Hindi na rin naman siya interesadong papalitan ang surname niya.

Sa isang mamahaling restaurant siya dinala ng daddy niya. Um-order muna ito ng mga pagkain para sa kanilang dalawa na sigurado siyang magkakasya para sa isang tipikal na malaking pamilyang Pilipino. He did not ask her kung ano ang gusto niyang pagkain dahil kahit hindi sila madalas na magkasama, alam na alam nito ang mga paborito niyang pagkain. Kung paano nito nalaman ang mga bagay na iyon ay hindi niya alam.

“So, can I finally ask what brought you to my office, hija?” tanong ng daddy niya nang makaalis ang waiter na kumuha ng mga orders nila.

Tumikhim muna siya bago niya sinabi kung ano ang pakay niya dito. “I came to see you para humingi po ng tulong.”

“And that is?”

“I want to have a beautiful closet in our house filled with up-to-date fashion stuff. From clothes to high-heels and up to bling-blings. And I also want to study in London after I had my short course here in the Philippines. Gusto ko pong mag-aral ng fashion,” aniya.

“Is that all that you need?” asked her dad.

Tumango siya bilang sagot dito.

Pinagsalikop ng daddy niya ang mga kamay nito bago muling nagsalita. “Okay then. You’ll have your beautiful closet in your house starting this week. At mag-aaral ka rin sa London any time you want. But in return, I want to ask something from you too.”

“A-ano po ‘yun?” nate-tense na tanong niya sa ama.

“Well, maybe we can do this more often. You know, some father-daughter moments. Si Bless, kilalang kilala ko na. Pero ikaw, masyado kang mailap pagdating sa akin. Sana hayaan mo akong makabawi sayo this time, anak. And maybe, you can start calling me daddy…”

Parang may kung anong kumurot sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng daddy niya. Bakit nga ba hindi niya nagawang papasukin sa buhay niya ang lalaking nagdala sa kanya sa mundo? Bakit hinayaan niyang lamunin ng galit ang puso niya gayong hindi naman dapat? Her dad is a good man. So maybe, she should give him a chance.

“Okay, d-dad.” Nakita niya ang pagliwanag ng mukha ng daddy niya nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Parang nabawasan ng ilang taon ang totoong edad nito.

Maya-maya lang ay idinulot na ng waiter ang mga pagkain nila at napuno ng kwentuhan ang tanghalian nilang iyon ng daddy niya. Nararamdaman niyang unti-unti nang nabubuwag ang harang na noon ay itinayo niya sa pagitan nila ng daddy niya.

Natigilan si Daniella nang mapansing malayo na naman ang itinakbo ng utak niya. Natawa pa siya nang ma-realize na lately ay para siyang may amnesia na bigla-bigla na lang nagbabalik ang alaala. Four years ago na ang nakakalipas nang mangyari ang pangyayaring iyon sa buhay niya. Nakapag-move on na siya. Halos hindi na nga niya maalala kung paano siya na-in love kay Wade.

Tumayo siyang bitbit ang towel niya at pumasok sa banyo. Kailangan na niyang maghanda para sa lunch date nila ni Tom maya-maya.

_____

Please VOTE. :)

Confessions of a Fashion Blogger [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن