Chapter 03

14.6K 492 17
                                    

[DANIELLA'S POV]

Bagsak ang balikat bumaba ng taxi si Daniella at lutang ang pakiramdam na naglakad papalapit sa bahay niya. Mariing pinindot niya ang doorbell. Naka-tatlong pindot pa uli siya bago humahangos na binuksan ng kasambahay niyang si Barbie ang gate.

“Ba’t ang tagal mo?” singhal niya kay Barbie na isang binabae. Ben Dimatactac talaga ang tunay nitong pangalan. Pero nag-insist itong Barbie ang itawag niya dito dahil kamukha raw ito ng manika. Bagay na hindi siya masyadong sang-ayon.

“Eh, ba’t ang sungit mo po? Kung makapindot ng doorbell, wagas! Nasa kusina ako’t nagluluto ng pagkain mo, madam. Dahil ang sabi mo sa text mo sa akin kanina, hindi ka masyadong nakakain sa date niyo ni Tom. Ano nga ba ang nangyari sa lunch date niyo ni Tom? Kanina naman masaya kang umalis. Ngayon naman sambakol ‘yang mukha mo.”

Lalong nalukot ang mukha niya pagkarinig sa pangalang binanggit ni Barbie. “Hindi ko type pag-usapan ang topic na ‘yan,” aniya at diretsong naglakad papunta sa front door. Pero mabilis na nakaharang sa daraanan niya ang bakla. “Huwag kang hahara-hara sa daan ko. Mainit ang ulo ko. Baka ikaw ang mapagbuntunan ko ng inis. Tsupi!”

Pero hindi threatened si Barbie sa pagsusungit niya. Besides, mas matangkad ito ng di hamak kesa sa kanya. “Ano ba kasi ang nangyari? Bakit palpak na naman ang Search for Mr. Right Guy mo?”

Naiinis na naupo siya sa mahogany chair na purposely ay ipinalagay talaga niya sa porch ng bahay niya. Doon siya madalas tumatanggap ng bisita. “Kunin mo nga ‘yung manicure set mo. Palitan mo ‘tong nail polish ko.”

“Pero kakalagay lang natin niyan kahapon, girl,” pagrereklamo ni Barbie.

“Feeling ko itong pink na nail polish ko ang salarin kung bakit napurnada na naman ang lintik na love life ko. At saka teka nga, sino ba ang amo dito?” mataray na saad niya.

“Okay, okay. Wait lang bakla. Wag masyadong hot. I’ll be back in fifty, fourty-nine, forty-eight…” Umalis si Barbie sa harap niya samantalang nahulog naman siya sa malalim na pag-iisip.

Kakagaling lang niya sa isang sikat na mall dahil nakipag-date siya kay Tom—ang “binatang” nakilala niya sa bar noong nakaraang linggo. Ang akala niya ay okay ito. Kakaiba kasi ito sa mga lalaking naka-date na niya noon. But it turned out na nagkamali na naman siya ng akala. Maling-mali.

Bakit ba lagi na lang siyang naa-attract sa wrong guy? Anong problema at nagiging mailap sa kanya si Mr. Right? Bakit ang malas-malas niya pagdating sa pag-ibig? Isinumpa ba siya ng langit? Apat na ang nagiging boyfriend niya pero lahat ng ‘yun ay naging palpak. Una na sa listahan si Wade—ang first boyfriend niya na madaling nasulot ng half-sister niyang si Bless. Then came Alex, ang lalaking mas piniling mag-pari para paglingkuran ang Diyos kesa manatili sa piling niya. There was Jacob too, her super-duper playboy ex-boyfriend na kulang na lang ay lagyan niya ng palda ang poste ng Meralco at feeling niya ay pati iyon ay papatusin nito. And her last boyfriend whose name is Jun was a total pervert. Sa tuwing magkakaroon ito ng pagkakataon ay hindi maaaring hindi siya nito tsa-tsansingan kaya dinispatsa na niya ito.

Confessions of a Fashion Blogger [COMPLETED]Where stories live. Discover now