Chapter 21

6.9K 245 18
                                    

[DANIELLA'S POV]

Matapos ang naging pag-uusap nila ni Sasha, hindi agad siya nakahanap ng lakas ng loob na kausapin si Travis. Dahil sa totoo lang, hindi rin naman niya alam ang sasabihin niya dito. Masyadong komplikado ang sitwasyon na kinasasangkutan ng puso niya ngayon.

Kailangan niyang mamili sa pagitan ng pangarap ni Travis at sarili niyang kaligayahan. Magiging maramot ba siya o magpaparaya para lumigaya ang lalaking mahal niya?

Tatlong araw bago ang nakatakdang flight nina Travis at Sasha papuntang Amerika ay nakahanap siya ng pagkakataon at lakas ng loob na kausapin ang binata.

Nagkagulatan pa sila nang sabay silang lumabas ng kanya-kanyang gate. Mukhang kagaya niya ay magsisimba rin ito. Parang katulad lang ng dati. Ang pinagkaiba lang, hindi na baduy si Travis. At hindi na rin kabado ang puso niya dahil may plano sila ni Guido. Ngayon, faith ang nagdiktang mag pang-abot uli sila.

“Hi,” bati ni Travis sa kanya. “Magsisimba ka rin ba? Sabay na tayo.”

“Sige…” pag sang-ayon niya.

Sobrang pagpipigil ang ginawa niya para huwag sugurin ng yakap si Travis. Sobra niya itong na-miss.

“Kamusta ka na, Daniella?” tanong ni Travis sa kanya habang magkaagapay silang naglalakad.

Napatigil siya dahil sa tanong nito. At hindi na niya napigilan ang mabilis na pagbagsak ng mga luha niya na kay tagal na rin niyang pinipigilang lumabas. Mabilis naman siyang inalo ni Travis. Niyakap siya nito at marahang tinapik ang balikat niya.

“Hey, why are you crying?”

“Na-miss kita Travis. Sobra kitang na-miss.”

“Na-miss din naman kita, Daniella. Sobra. Pero kailangan nating sanayin ang mga sarili natin na malayo sa isa’t isa. Ilang araw na lang, aalis na ako kasama ni Sasha. Maiiwan ka dito. Matagal bago tayo uli magkita,” malungkot na saad ni Travis.

“Bakit ka ba kasi aalis?”

“Dahil iyon ang tama, Daniella.”

Nahihikbing napatingin uli siya dito. “Aalis ka kahit alam mong mahal kita?”

At sa nahihirapang ekspresyon ay hinawakan ni Travis ang mukha niya at matagal na tinitigan iyon na para bang gusto nitong kabisaduhin bawat sulok ng mukha niya. “Someday, magkikita uli tayo. At siguro, sa panahong iyon, pwede na rin kitang mahalin. Kapag tama na ang mali at kapag pwede na ang hindi.”

Tinatagan niya ang loob niya. “Lagi kitang susulatan kapag nasa California ka na.”

“Hihintayin ko ang mga sulat mo,” tugon naman ni Travis.

“Travis, isa na lang ang hihilingin ko,” nagtatanong ang mga mata na tumitig sa kanya ang binata kaya nagpatuloy siya. “Kiss me. For the last time, I want you to kiss me.”

Ipinikit niya ang mga mata niya at hinintay na lumapat ang mga labi ng binata sa labi niya pero hindi dumating ang halik na hinihiling niya. Sa halip ay niyakap lang siya nito.

At sa gitna ng kalsada ng Aplaya ay unti-unting nadurog ang puso niya.

Isang huling halik lang…

Confessions of a Fashion Blogger [COMPLETED]Where stories live. Discover now