Chapter 08

9.7K 418 21
                                    

[DANIELLA'S POV]

Dear Diary,

Yeah, tama ka ng iniisip. What happened after the mass was my plan. It was my master plan. Brilliant, isn’t it? Inupahan ko si Guido para dukutin ang wallet ni Travis. And with my instruction, tatakbo si Guido papunta sa direksyon ko. I will act like a good samaritan. Dadambahin ko si Guido at babawiin ang wallet ni Travis. But of course, you know na hindi lang iyon ang nangyari. Masyado akong na-carried away sa umaatikabong aksyon kanina.

Pero ang mahalaga, napaniwala ko si Travis na genuine ang ginawa kong pagtulong kanina. Kahit anong gawin niya, may utang na loob na siya sa akin. Hindi ba’t ayaw na ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa ibang tao? So I’m sure, any moment by now ay kakatok siya sa pinto ko para makipagkaibigan na sa akin. Kasi nga, may utang na loob na siya sa akin. Pero syempre, magpapakipot muna ako noh!

“Girl, may naghahanap sayo sa baba,” naputol ang pagmumuni-muni ni Daniella nang bigla na lang sumulpot sa kwarto niya si Barbie.

“Sino?” excited na tanong niya.

Ngumisi sa kanya si Barbie. “Si Travis my labs. May sasabihin daw siya sayo. May nangyari ba na hindi ko nalalaman?”

“Wala! Ano ba naman ang mangayayari na hindi mo alam, eh lagi naman tayong magkasama,” sagot niya. “Wait, may softdrinks ba tayo sa ref?”

“Oo. May coke pa sa ref,” tugon ni Barbie.

Kumuha siya ng pera mula sa wallet niya. “Bumili ka ng Royal. Para kasing lalagnatin ako. Mainam daw ‘yun para sa may sakit. Then bili ka na rin ng pizza.”

Pinanlakihan siya ng mga mata ni Barbie. “Okay ka lang? Anong oras na. Mahihirapan na akong mag-abang ng jeep papasok dito sa Aplaya,” reklamo ni Barbie.

Dinagdagan niya ang perang hawak nito. “Eh di, mag-taxi ka pauwi. Ayan, pamasahe mo. Sobra-sobra na ‘yan bakla!”

Sana lang ay hindi makahalata ang bakla na tinataboy niya lang ito para hindi nito mapakinggan ang mapag-uusapan nila ni Travis. Besides, kapag kasi naroon si Barbie sigurado siyang masasapawan siya nito dahil sa bilis nang pag repike ng bibig nito.

“Sige na, lumakad ka na para hindi ka gabihin masyado. Pakisabi kay Travis bababa na rin kamo ako.”

Pagkalabas ni Barbie sa kwarto niya ay mabilis siyang  humarap sa salamin.. Ginulo-gulo niya ang buhok niya at saka iyon inayos uli gamit lang ang kamay niya. Binura rin niya ang lipstick at foundation niya.

Confessions of a Fashion Blogger [COMPLETED]Where stories live. Discover now