Chapter 19

6.6K 255 8
                                    


[DANIELLA'S POV]

Young Fashion Bloggers Competition 2013

Grand Finals Night

 

“Barbie, ano nandyan na ba si Travis?” tanong niya sa binabae na halatang nai-stress na rin kagaya niya. Mag a-alas sais na ng gabi ay wala pa rin si Travis. Alas-otso ng gabi gaganapin ang grand finals kaya dapat by seven-thirty ay nasa Manila Pen na sila.

“Hindi pa rin dumarating, sis. What if mauna na lang kaya tayo? Tawagin na lang natin siya para sumunod sa venue. Hindi naman pu-pwedeng pareho kayong ma-late,” suhestiyon ni Barbie.

“Saan ba kasi nagpunta ang lalaking iyon?”

Kaninang alas-tres ng hapon ay nagpaalam si Travis na may pupuntahan muna somewhere in Pasay. Gusto sana niyang tumutol pero sino ba siya para pigilan ito sa sarili nitong lakad. Besides, paano kung mahalaga pala ang sasadyain nito sa Pasay? Kaya pumayag na lang siya matapos ibigay dito ang mga isusuot nito para mamayang gabi.

Maluha-luha siya nang humarap siya kay Barbie. “Paano kung hindi siya pumunta?”

Mabilis namang lumapit sa kanya si Barbie at hinawakan ang mga kamay niya. “Ano ka ba, syempre, pupunta yun si Travis. Baka male-late lang siya ng kaunti. Ang mabuti pa ay mauna na tayo. Tatawagan ko na lang siya para sumunod.”

Wala siyang nagawa kundi ang magpaubaya kay Barbie. Nauna na nga sila sa Manila Pen. Maraming tao na ang naroroon sa bulwagan kung saan gaganapin ang announcement kung sino sa kanilang mga kalahok ang nanalo.

Marami ang bumati sa kanya. May mga kumukuha ng picture at meron ding ini-interview siya. At mula sa umpok ng mga tao ay nakita niya si Tina.

 “Excuse us guys, but Ms. Daniella needs to be at the backstage now. Daniella, shall we?”

Tumango naman siya dito. Nandoon na rin sa backstage ang mga competitors niya na kalaunan ay naging kaibigan na rin naman niya. Bigla ang pagdagsa nang lungkot sa kanya nang makita niyang siya lang ang nag-iisang hindi kasama ang patner niya.

“Nasaan na si Travis, Daniella?” tanong ni Tina sa kanya. “The show is about to start in five minutes. Ipapakilala na kayo isa-isa maya-maya lang.”

Wala siyang naisagot dito. Hindi rin kasi niya alam kung nasaan ba exactly si Travis. Mabuti na lang ay tinawag ng floor manager si Tina kaya na-save siya mula sa pagsagot sa tanong nito. Naupo siya sa monoblock chair na nakalaan para sa kanya.

Where are you, Travis?

The show finally started. Narinig niyang nagsalita ang host at kasunod ‘nun ay ang masigabong palakpakan. Kung gaano kalakas ang hiyawan ng mga taong manonood, ganoon din kalakas ang kabog ng dibdib niya. Wala pa rin si Travis.

Hanggang sa isa-isa nang tinawag ang mga contestants kasama ang partners ng mga ito. And then it was her name that is being called. Hindi siya tumayo sa kinauupuan niya. Para ano pa? Wala naman ang kapareha niya.

Kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang luhang nag-aambang malaglag sa mga mata. Nanatili lang siyang nakayuko sa kinauupuan niya. She’s not gonna cry. Well, at least not now and not here.

 Sa ikalawang pagtawag ng host sa pangalan niya ay isang kamay ang nakita niyang sumulpot sa harap niya. Dahil nakayuko siya ay dagli siyang nag-angat ng ulo. It was Travis! She almost cried when she saw his facial expression. Halatang kakagaling lang nito sa mahabang pagtakbo dahil bahagya pang tumataas-baba ang dibdib nito.

“You forgot to give me my invitation card. Nahirapan tuloy akong pumasok. Shall we? Nagwawala na ang mga tao. Kailangan na nating magpakita sa kanila.

She didn’t knew what exactly happened basta namalayan na lang niyang hawak na ni Travis ang kamay niya at naglalakad sila sa malawak at magandang stage habang naghihiwayan naman ang mga tao. Everyone was chanting their name.

Pakiramdam niya ay nalulunod siya dahil sa sobrang tuwa. At nang i-announce ng host na siya ang nanalong fashion blogger para sa taong iyon ay nawala ang poise niya at nagtatatalon na siya sa sobrang tuwa. Naramdaman pa niyang itinaas siya ni Travis at inikot-ikot sa ere. She won! She and Travis just won!

Pagbalik niya sa backstage ay si Travis ang agad na hinanap niya. Nakatayo ito sa isang sulok kasama ang isang babae na kung hindi siya nagkakamali ay nasa mahigit trenta na ang edad.

Without a preamble ay nilapitan niya ang binata at basta na lang niya itong siniil ng halik. Wala siyang pakialam kung pinagititinginan sila ng co-candidates nila at ng mga staff ng Metro Image Philippines.

Matapos ang mahabang halik ay nakangiting binalingan niya ang binata. “I love you, Travis. I love you,” she confessed. For her, it was the most honest thing that she has ever said in her entire life.

Pero sa halip na saya ang makita niya sa mukha ng binata ay pagkalito ang nakita niya sa mukha nito. Tila hindi ito masaya sa sinabi niya.

Then she remembered what he used to tell her, “Please don’t fall in love with me.”

Confessions of a Fashion Blogger [COMPLETED]Where stories live. Discover now