"What?" natatawa kong sabi ng makalapit ako sa kanya

"You did great Zoona!"

"Thanks" sabi ko at umupo

"Sis! Ang galing galing mo talaga!" Ani Faye na lumapit sa amin

"Congrats, Zoo!" Bati ni Moe sakin na tumabi kay Jelo ng upuan. Tumabi din si Faye sakin

"Thanks, Moe! Nasaan sila Dave?" Tanong ko

"I don't know baka nagdedate na naman sila ni Hana" sagot niya

Well, buhay may lovelife..

Nakaperform na ang lahat at iaannounce na ang winner. Gosh! Ninenerbyos ako! Pero it's okay lang naman kung hindi ako manalo. For fun lang naman, right?

Hinawakan ni Jelo ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Umubo pa si Faye nang makita siguro ang ginawa ni Jelo

I smiled.

"Mananalo ka" aniya at ngumiti din sa akin. Tumango ako

"And the winner for this contest is no other than........ Who's your bet?" Sigaw ng mc

Ano ba yan! Pabitin pa 'tong MC eh. Maraming sumigaw. Kasama na si Jelo na sinisigaw ang pangalan ko. He's very supportive walang duda. Napapatitig na tuloy ako sa kanya.

"No other than, Miss Thinking Out Loud! Miss Zoona Alexa San Jose!" Masayang announce ng mc

Nagsigawang ang lahat at agad na pumalakpak..

"Nanalo ka! Zoona nanalo ka!" Sigaw ni Jelo sakin at tumayo kaming apat.

Niyakap ko siya sa sobrang saya.
Nanalo ako! Mommy will be proud of me! Nanalo ako!

Niyakap niya din ako pabalik. I can't believe it! Para akong bata na nabigyan ng laruan sa kasiyahan...

Niyakap din ako ni Faye sa saya.

Umakyat na ako sa stage at kinuha ang award ko. Well, this is so fun. Matutuwa talaga nito si Mommy.

"Oy! Congrats! Pa-burger ka naman diyan" bati ni Jelo sakin.

"Salamat! Nanalo ako! Akala ko matatalo talaga ako" sigaw ko kay Jelo at niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako pabalik. Nakakadalawa na ako, ah?

"Saan mo gustong kumain? Libre kita!" Alok ko kay Jelo..

"Woaw! Sure, kahit saan" sagot niya

"Kayo lang? Mag-invite din naman kayo!" Nakasimangot na sabi ni Faye..

"Damot ng mga 'to!" Ani Moe

Nakalimutan ko tuloy na kasama namin sila

"Syempre kasama kayo! Itext niyo sila Dave para sama din sila" sambit ko

"Tss. Sasama pa kasi eh" angal ni Jelo..

"Ay ay, Zoona oh! May sinasabi si Jelo. Ayaw yata niyang kasama kami" pang-iinis ni Moe

"Hayaan niyo yan! The more, the merrier!" Natatawa kong sabi.

Naglakad na kami papunta sa kotse ni Jelo na gagamitin namin papunta sa Grumpy Joe. Kakabukas lang kasi at gusto naming matry kumain dun..

Nagpark agad si Jelo sa harap ng Grumpy Joe. Naunang pumasok si Moe at Faye. Sila na daw mag-oorder

"Hoy! Tanungin mo nga yang barkada mo kung may gusto ba siya kay Faye" ani ko kay Jelo nang nakababa na kami ng sasakyan

"Aba malay ko. Di ko alam! Pero lately lagi niyang tinatanong sakin si Faye. Siguro, I don't know" sagot niya

"Kaya nga tanungin mo diba? Just ask him!" Pagsusungit ko

"Okay po. Anyway, saan na sila Dave?"

"Papunta na daw sila. Galing silang mall. Hindi man lang ako pinanood" nakasimangot kong sabi

"Syempre inlove sila sa isa't-isa. Just let them do whatever they want. Nandito naman ako" ani niya sabay kindat sa akin

"Corney!" Ani ako at nagsimula nang maglakad papasok

Aha, ang taray ni Faye. Lumalablayp? Kung sabagay, maganda naman si Faye at sexy. But I'm prettier and sexier! Pagbigyan niyo na ako! Okay lang naman si Moe sa akin. He's a nice guy!

Pagkatapos ng maraming kainan at kwentuhan ay naghiwalay na kami. Kasama ko si Jelo. May lakad daw sila.

"Uwi ka na?" Tanong ko kay Jelo habang nagsi-seatbelt

"Sama ako sa bahay niyo. Ayaw ko pang umuwi" aniya at nagsimula nang magdrive

"Sure. Wala naman si Mommy" sagot ko.

We're friends, right? Kaya okay lang na sumama siya sa bahay..

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now