"Are you okay?" May halong pag-aalala ang boses ni Trevor.


Biglang nabaling ang atensyon nilang tatlo ng biglang may lumabas na nurse mula sa opisina at tinawag si Alora. Tinanguan naman siya nito bago tuluyang sumunod sa nurse.


"She'll be fine, Trevor." Inakbayan siya ng daddy ni Alora upang pagaanin ang loob nito. Nasa stage man o nasa shadow, talagang mag-aalala siya dito.



Habang hinihintay nila si Alora, biglang naalala ni Trevor ang isang pangyayari sa buhay niya na ayaw niya ng balikan pa.



(FLASHBACK- Ten years ago)



Kitang kita sa mukha ng isang batang lalaki na nasa labas ng isang kwarto sa ospital ang kaba. Halos mangiyak-ngiyak na ito at walang humpay na binabanggit ang salitang, 'mommy'.


Ilang sandali pa ay lumabas ang kanyang ama sa kwarto habang kausap ang doctor. Nasilayan niya sandali ang isang walang malay na babae na nakahiga sa kama at may nakakabit na iba't ibang aparato sa katawan sa awang ng pinto.



"Mr. Morgan, I'm sorry but we do everything we can. Nasa inyong asawa kung magigising pa siya o hindi. I'm telling you to this for you to be prepared in other possibilities," anang doktor at iniwang nakayuko ang tatay ng batang lalaki na parang nawalan ng pag-asa.


Hindi niya maintindihan ang mga sinabi ng doktor sa kanyang ama ngunit alam niyang may sakit ang kanyang ina.


Ilang araw din silang nagpapabalik-balik sa ospital, at ngayon ay nasa loob siya mismo ng kwarto ng ina. Nakatulog ang bata sa kama gilid ng ina habang nakayuko, nang may biglang pakapagpagising sa kanya. Nagsi-seizure ang ina at napansin niyang walang humpay sa pagtunog ang machine na nakatayo sa kabilang gilid ng kama.


Pinindot nito ang emergency button na nasa ulunan ng kama at ilang sandali ay may dumating na mga doktor at nurses. Nagsimula nang humagulgol ng malakas ang bata.



"I declare Mrs. Tanya Calvar, dead. Time of death, 4:55 p.m." pagka-announce ng doktor, unti-unting humina hanggang sa nawala ang pagtunog na galing sa machine at inalis na rin ng mga nurse ang apparatus na nakakabit sa katawan nito.



Inilabas din palabas ng kwarto ang umiiyak na bata habang pilit inaabot ang walang malay na ina.




(END OF FLASHBACK)



Lumabas na nang kwarto si Alora, halatang may excitement sa mukha nito kaya naman lumapit kaagad si Trevor sa dalaga.



"How was it?" Tanong nito at hindi pa rin maalis ang pag-aalala.



"He said, I don't need the surgery anymore," ani Alora at parehong nakatingin kay Trevor at sa kanyang daddy.



Bigla namang kumalma si Trevor at ang daddy nito.



"Tutal ay nandito po kayo..." Ang daddy ni Alora ang kausap nito. "Gusto ko lang sabihin na, I'm still insisting of marrying Alora." Desidido at buo ang desisyon ni Trevor.



At syempre, Oo ang naging sagot ni Alora tungkol dito. Parehong masaya ang dalawa na hindi na hinadlangan pa ng ama niya.



*STAGE ENDS*




"Aalis muna 'ko, saglit ah? Maiwan ko na muna kayo para makapag-usap," bilin ni Mr. Sebastian sa anak at kay Trevor.



Nabalot ng sandaling katahimikan ang dalawa, hanggang sa akmang aalis na sana si Alora nang pigilan siya ni Trevor.



"You need to undergo in a surgery." Madiin ang pagkakasabi nito, gusto niyang ipilit ang nasa takbo ng kanyang kwento.



"Ano?" Ikinagulat ito ni Alora. "Sino ka naman para sabihan 'yan?" Naka-crossed arms siya at hinarap ang binata.



"He's gonna kill you. Si Hiro, papatayin ka niya." Gusto niyang ipaalam ang naka-drawing sa piraso ng comic book na dala pala niya.



"I am the one who told him to change my fate. Bakit ba palagi ka nalang kumukontra sa kanya?"



"Because.." Natigilan si Trevor. "I care for you. Gusto kitang protektahan. Alam mo naman siguro kung bakit harsh ako sa'yo. I don't want to lose you like my mom."



Mas lalong hindi makapaniwala si Alora sa mga inamin ni Trevor. Inilabas ni Trevor sa bulsa ng kanyang pantalon ang nakatiklop na mga piraso ng nasunog na comic book at iniabot ang mga ito sa kanya.


Mas naguluhan si Alora sa mga nakita, May hindi pa siya alam tungkol sa kanyang nakaraang buhay.


Itutuloy...




Author's note:

Please don't forget to comment your reactions and vote this part!😚

You can reach me through my facebook account: Ate Ulap Manunulat Wp and on our group Cloudsthetics.

Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now